Glaiza
Mahigpit kong hawak sa bewang si baby Whi ng ipakilala ko sya sa mga pinsan ko dahil parang sinisilihan ang mga ito twing makikita sya.
Ngayon ko lang napag tanto na lahi pala ng malalandot ang angkan ng Decastro kaya dapat matang lawin ako sa pagbabantay!
Halos pasukan ng bangaw ang mga bunganga ng mga nginingitian at kinakamayan nya.
Para namang ngayon lang nakakita ng magandang babae ang mga ito!
hindi ko rin nagustuhan ang mga gumagala nilang mata sa buong katawan ng mahal ko.
i mean ng baby WhiWhi ko!
Gusto ko sana syang palitan ng damit sa taas kaso nga lang ito daw ang inutos ni mommy na isuot nya sa araw na to.
Kaya katawan ko nalang ang hinaharang ko tuwing may malikot na mata akong nakikita.
Pagdating ng nanay ko dito sisiguraduhin kong pagsasabihan ko sya sa mga dapat at hindi dapat na damit na ibinibili nya kay baby Whi.
Para akong glue na hindi naalis sa tabi nito. Bakod na kung bakod basta wala silang mapapala.
Hindi ko hinayaang may makalapit na lalaki sa kanya dahil baka matukso akong manusok ng mata.
Ilinapit ko sya sa table ng mga pinsan kong babae para safe sa malalaswa at mahahalay na kaisipan kong mga pinsang lalaki.
"Hello mga insan" putol ko sa daldalan ng mga ito.
"Insan!" Sabay-sabay nilang bati.
Agad silang tumayo sabay sugod ng yakap sa akin.
Syempre hindi ko parin binitawan ang mahal ko mahirap na mamaya ma-snatch mawalan pa ko ng bride.
"Lalo kang gumanda ah!"
"Lumaki ata lalo ang mata mo insan!"
"Mas sexy ka na ngayon!"
"Hindi na nabago ang height mo!"
Papuri at lait ng mga ito.
Ng pabiro ko silang tinulak ay saka lang sila lumayo sa pagkakayakap sakin.
Ng mapansin na may ibang tao ay tumingin ang mga ito sakin na tila tinatanong kung sino ang kasama ko.
"Oo nga pala girls... si Rhian Ramos. Rhian si Santanna,Shane ,Shay at Caroline mga pinsan ko" turo ko isa-isa dito.
Nagbeso beso at nagkamustahan ang mga ito bago kami naupo at naki-join sa table nila.
Napagkwentuhan namin ung mga kalokohan namin dati nung mga bata pa kami at ung mga bagay na nagawa ng isa't-isa na sobrang nakakahiya.
Ilang minuto na kaming nakikipag kwentuhan sa mga ito ng makita kong palapit sa table namin ang pinsan kong tukmol.
kanina ko pa napapansin na sunod ng sunod ang tingin samin nito magmula ng makilala nya ang babaeng hindi pwedeng maging kanya.
dahil akin na.
Ng makalapit at magsasalita na sana ito ay agad akong nagpaalam sa mga pinsan ko sabay hatak kay baby Whi.
Nagtataka man ay sumunod ito sakin.
Sa kusina ko sya dinala at doon ko muna sya itatago habang hindi pa kami pinatatawag ni lola.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong nito.
"Masyadong maraming tao sa labas kaya dito tayo mag-aano" sagot ko.
biglang namula ang pisngi nya sa sinabi kong yun.
narealize ko na parang malaswa ata pakinggan yun kaya dinugtungan ko ito.