Glaiza
Pano ba nalalaman ng isang tao kung inlove sya?
kapag ba pag tinitignan nya ung taong mahal nya at bumabagal ang ikot ng mundo?
Na kapag nakikita nya ito ay para bang gusto nyang huminto nalang ang oras at ikulong nalang panghabang buhay sa bisig nya ang taong yun?
Na nararamdaman nya ang bolta-boltaheng kuryente na dumadaloy sa kanyang buong sistema tuwing magkakadikit ang balat nila ng taong kinaiinlaban nya?
Ano pa ba ang ibang signs kapag inlove?
tinitigan ko ng mabuti ang babaeng nasa harap ko ngayon na mahimbing na natutulog habang nakayakap sakin ng mahigpit.
Isa itong napaka gandang tanawin na maswerte kong nasilayan pagmulat palang ng aking mga mata.
Napakalawak na ngiti ang naibigay sakin ng magandang dilag na ito na ngayo'y walang kamalay-malay sa kanyang paligid.
Bawat paghinga nya ay tila ba sya ring hininga ng buhay ko.
Bawat pagkislot ng kanyang mapupulang labi ay tila ba nagaanyaya sa akin na angkinin ito at wag tigilan hanggang mapugtuan kami pareho ng hininga.
Paano ba tanggihan ang isang magandang kasalan na inihahatag ngayon sa aking harapan?
Marahan kong hinaplos ang makinis nyang muka gamit ang likod ng palad ko.
"Glaiza...I...I love u..." nakangiting sambit nito habang tulog.
Parang nakikipag unahan sa kabayong nakawala sa pagkakagapos ang puso ko ng marinig iyon.
Naramdaman kong puno ng pag-ibig ang mga katagang binitiwan nya base narin sa masuyo nitong tono na para bang humaplos hanggang sa kalululwa ko.
Ano ba tong malakas na pwersang tila nag-uudyok saking sagutin ang kumpisal na iyon ng isa ding pag-amin ng pag-ibig?
Pero may karapatan ba kong gawin yun?
Dahil tiyak...
Kasalanan ang nadarama ko para sa kanya at kung ako'y mananatili dito sa tabi nya ay magliliyab ang kasalanang iyon at pareho kaming matutupok.
Mabilis akong bumangon na may kasamang pag-iingat mula sa kama at pumasok sa loob ng banyo.
Kanonood ko ata ng Romeo and Juliet at Little red riding hood kagabi kaya kaaga-aga naging corny na ko.
Nagbabad muna ko sa shower.
Hay...
Bukas na magaganap ang kasalan kaya dapat mawala na tong nararamdaman ko kung hindi baka kung anong mangyari samin sa gabi ng honeymoon.
15mins muna ang lumipas bago ako lumabas.
Tulog parin si Rhian.
Napagod siguro kagabi.
Umupo ako sa dulo ng kama at inalis ang buhok nyang tumatakip sa maganda nyang muka.
"Baby Whi..." bulong ko dito.
"Ginugulo mo ang puso ko..." hinalikan ko sya sa pisngi bago tuluyang umalis ng kwarto.
Naging masaya ang mga pangyayari kagabi.
magmula ng magkabati kami ay hindi na kami napaghiwalay kahit pa halos maglupasay si Gareth sa harapan namin dahil sa inggit.
Nadala lang siguro ako kaya ko nararamdaman ang mga to.
.....
"Miss alam nyo ba kung nasaan ang principal's office?" Tanong ko sa tatlong istudyante na dumaan sa harapan ko.
