Rhian- 9 yrs. Old
Humahangos pauwi ang batang si Rhian na suot pa ang belong inilagay sa ulo nya ng kaklaseng gusto syang pakasalan.
Uso ngayon sa eskwelahan nila ang larong kasal-kasalan at maraming batang gustong 'magpakasal' sa kanya.
Pero dahil hindi sya pumayag na magpakasal kahit kanino may dalawang batang humawak sa magkabila nyang kamay (tauhan nung isa sa mga batang gustong magpakasal sa kanya) at sapilitan syang dinala sa may malaking bato na kunwari ay altar.
"Lhian" tawag sa kanya nung batang kunwa'y pare sa seremonya na ni hindi alam kung pano bigkasin ng maayos ang kanyang pangalan.
"Tinatanggap mo ba si Buknoy bilang iyong asawa?" Tanong nito sa kanya.
Maluha-luha namang nilingon nya ang batang lalaki na nagngangalang buknoy.
Todo ngiti ito ngayon sa kanya.
"Ayoko! Ayoko! Ayoko! Uuwi na ko!!!" Malakas na tili nya habang pumapalag mula sa pagkakahawak sa kanya.
"Ayaw daw pala ni Lhian eh!" -ung pare.
Tinapunan naman ito ng masamang titig ni Buknoy.
"Yaan mo sya! Ikasal mo na kami!" Utos nito.
"Ayoko! Ayoko sayo! Ayoko sa pangit na tulad mo!"
"Hala... Buknoy ayaw nya daw sa pangit!"
"Gusto mo suntukin kita?" Banta nya dito.
Nanahimik naman ito.
"Ayoko sayo!" Sigaw muli ni Rhian habang umiiyak.
"Bakit ba? Cute naman ako ah! Tsaka Hindi ka pa naman nakakasal!" Sigaw din nito.
"Meron na kong gustong pakasalan! Sya lang ang gusto ko! Sya lang!"
"Sino naman yun?"
"Si Glaiza!"
"Hala Buknoy tomboy si Lhian at ung maganda nyang ate ung gusto nyang pakasalan kaya ayaw nya sayo!"
"Isa pa talaga sasapakin na kita!" Muling banta nito.
Tinitigan nya si Rhian ng masama dahil hindi nya matanggap ang sinabi ng crush.
"Hindi kayo pwedeng ikasal nun!" Turan nya sa batang si Rhian.
Natigil naman ito sa kaiiyak at tumitig sa kanya ng may luha sa mga mata.
"Bakit?" -si Rhian.
"Eh, kasi pareho kayong babae duh!" -ung isa sa mga may hawak kay Rhian.
"Eh, ano naman? Wala akong pakielam basta sya ung pakakasalan ko!"
"Hindi pwedeng ikasal ang dalawang babae dahil... ah, basta hindi pwede!"
"Pwede! Pwede kaming ikasal!"
"Hindi! Hindi! Hindi!" -Si Buknoy.
Hindi makapaniwala si Rhian sa narinig.
Tinitigan nya isa-isa ang mga batang kasama ng puno ng kapaitan bago kinagat ang kamay ng isa sa may mga hawak sa kanya kaya agad syang nabitawan nito.
Umiiyak syang nagtatakbo paalis ng eskwelahan dahil sa nalaman.
Hindi nya kayang tanggapin na ang nag-iisang taong gusto nya ay hindi sya pwedeng pakasalan!
Narinig nya ang pagtawag sa kanyang pangalan ng isa sa mga teacher na nakasalubong nya kaya lalo syang bumilis sa pagtakbo.
"Glaiza!" Sigaw nya sa loob ng bahay ng makarating sya dito.
