6

1.9K 102 7
                                    


Rhian

"Ano yan suhol na naman?" mataray na tanong ko kay Glaiza na hawak ang isang boquet ng bulaklak.

"Ha? hindi ah!" Hindi convincing na sagot nito sabay iwas ng tingin.

"Talaga? eh, hindi mo naman ako binibigyan ng bulaklak eh!"

"Ano?! Hindi totoo yan! binibigyan kita ng bulaklak dati pa!"

"Talaga lang ha? Cge nga kelan mo ko huling binigyan ng bulaklak?" Nag-isip naman ito.

Ilang minuto muna ang binilang bago ito naka sagot.

"Aha! nung 12yrs. old ka!" Halos tumalon na sagot nito.

Nainis naman ako ng maalalang sobrang tagal na nun.

"At anong bulaklak ang ibinigay mo sakin?"

"Kalachuchi!" Todo ngiti pa to.

"Kita mo! hala cge magsama kayo nyang bulaklak mo! lamunin mo ng buong buo at isama mo sa bansang pupuntahan mo!" sasaraduhan ko sana ito ng pinto pero pinigilan nya.

"Pero baby Whiwhi may importante pa kong sasabihin sayo!"

"At ano naman yun? na aalis ka na bukas? cge umalis ka na wala na kong pakielam sayo!" Napapaiyak na taboy ko dito. Maisip palang na itutuloy niya ang balak parang gusto ko ng tumalon sa ilog pasig.

"Hindi na ko aalis. Muna."

"Ano? hindi ka muna aalis? Pero ibig sabihin aalis ka parin!" Itinulak ko uli ang pinto pasara pero agad nyang ihinarang ang paa nya.

"Ouch!!!" Sigaw nito ng maipit ang paa nya.

Agad ko namang binuksan ang pinto at nagaalalang lumuhod para himasin ito.

"Masakit?" nagaalalang tanong ko dito.

Kahit naman lagi kong sinasaktan tong si Glaiza ayokong nakikita syang nasasaktan.

Ang gulo eh no?

Nag taas ako ng tingin para i-check kung ok lang sya pero ang loko nakangisi lang!

Agad kong napagtanto na pinagloloko lang ako ng babaeng to kaya tumayo ako at kinurot ko sya sa tagiliran.

"Ouch!" muling daing nito.

"Buti nga sayo!" Muli ay pinagtulakan ko sya pero tuluyan itong nakapasok sa loob ng kwarto.

"Makinig ka muna sakin pls." pakiusap nito.

Pinipilit pa nitong iabot ang bulaklak sakin na kinuha ko at inihagis sa muka nya.

Nalagas ito at lumaglag sa sahig. Napatigil naman ako ng makita kong parang nagdilim ang muka nito at tila galit na nakatingin lang sa bulaklak nyang dala.

Napalunok ako ng sunod-sunod ng titigan ako nito ng matiim. dahan dahang lumapit to sa kinatatauan ko na nagpa atras naman sakin.

"A-anong gagawin mo?!" Tarantang tanong ko dito. Pero parang wala naman itong narinig. Patuloy ito sa paglapit sakin habang patuloy ako sa pag atras.

Ilang hakbang pa nya at naramdaman ko na ang kama kaya wala na kong maatrasan pa.

"Glaiza hindi ko gusto yang tingin mo itigil mo yan!" saway ko dito.

"Ang alin?" Seryosong tanong nito.

Naramdaman ko nalang ang paburabog na pagtulak nito sakin sa kama at pagpatong nito sa ibabaw ko.

"A-anong binabalak mo?" nanginginig ang boses na tanong ko dito.

Itutulak ko sana sya ng hulihin nito ang magkabilang kamay ko at hinubad ang kanyang damit.

My Little Bride (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon