Glaiza
Ilang segundong naka konekta ang mga mata namin sa isa't-isa at walang bumibitaw.
"Wala talaga... wala akong nararamdaman para sayo na ganon" sagot ko sa tanong nito.
"Talaga...?" idiniin nito ang kamay ko sa dibdib nya at Yumakap sakin ng mahigpit.
Ang lambot ng katawan nya parang natutukso tuloy akong i-explore ang kabuuan nito.
Hindi naman kasi ako santa.
tao lang ako na natutukso.
Hindi ko na control ang kalandian ng kamay ko at pinisil-pisil ko ang dibdib nya na kanina ko pa gustong gawin.
"Hmmm...ahhh..."ungol nito habang ginagawa ko yun na lalo atang bumuhay sa pagnanasang kanina ko pa nararamdaman.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili na bigyan ng maliliit na halik ang maputi nyang leeg nakahatag sa aking harapan.
Hmmm...ang bango-bango...
Dinilaan ko ito na ikinanginig naman ng katawan nya.
"Masarap ba?" Bulong nya sa tenga ko.
"Sobra..." wala sa sariling pag-amin ko dito.
Natutop ko naman ang bunganga ko sa sagot kong yun.
Natawa naman sya.
"So inamin mo rin na may pagnanasa ka talaga sakin? Alam mo konti na lang ang distansya nun sa love" Nakangisi sya na para bang nanalo sa lotto.
Agad akong bumitiw sa yakapan namin at itinulak ko sya palayo.
"Bakit? a-anong problema? May nasabi ba akong masama?" Tila naguguluhan na tanong nito.
"W-wala"
"Sigurado ka?"
"H-halika na at baka kanina pa tayo hinahanap dun" aalis na sana ako dahil tila palaswa ng palaswa ang pumapasok sa isip ko.
Nagulat nalang ako ng tumingkayad sya at halikan ako sa labi.
Nabigla ako sa ginawa nya kaya hindi agad ako nakakilos.
Nung maramdaman kong kinagat nya ang ibabang labi ko doon ako parang sinapian ng kung ano at tinugon ang halik nya.
Hinawakan nya ko sa batok at idiniin sa kanya kaya lalong lumalim ang aming halikan.
Naghiwalay lang kami nung kailangan na namin ng hangin.
Pareho kaming naghahabol ng hininga sa init ng mga pangyayari.
"Ano aamin ka na ba na gusto mo rin ako?" Tanong nito at nagpakawala ng matamis na ngiti.
Gusto ko sanang sabihing bigyan ng chance kung ano mang meron kami pero sadyang hindi ko talaga ma- imagine eh...
Hindi ko agad maalis sa isip ko ung ginawa kong pag-aalaga sa kanya nung bata pa sya na para bang sya ay nakababata kong kapatid.
"Glaiza...?" Nagaalalang tawag nito. Sakin.
Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa ko.
"I'm sorry baby Whi pero mali to at wala talaga akong nararamdaman para sayo. Alam mo naman na para na kitang kapatid...N-nadala lang ako sa mga pangyayari kanina kaya ko nagawa yun. H-hindi na yun pwedeng maulit pa..."
yun ung mga salitang lumabas sa bibig ko na agad kong pinagsisihan dahil kasabay nun ay ang pagbagsak ng mga luha sa magaganda nitong mga mata.
"Baby---"
