Glaiza
"Ok ka lang miss?" Tanong ko sa batang tumusok ang nguso sa damuhan."Muka ba kong ok?!" Mataray nitong sagot habang pilit na bumabangon pero dahil may pagkalampa ata ay hindi nito magawa.
Ilang beses itong nagtangkang tumayo pero walang nangyari.
Yan na nga ba ang sinasabi ko.
Puro junk foods ang kinakain ng mga kabataan kasi ngayon!
Linapitan ko ung babae.
Hinawakan ko sya sa magkabilang braso at dahan-dahang tinulungang tumayo.
"Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Nagaalalang tanong ko dahil muka talaga syang nasaktan.
Inis na nagpagpag ito ng palda nyang kinapitan ng alikabok.
"Hindi na!" Paangil na sagot nito.
Ung totoo sinapian ba ang mga istudyante dito ng kasungitan?
"Sigurado ka?"
"Makulit ka rin eh no?!" Sagot nito at nakairap na nag angat ng tingin.
"Marami ng nagsabi sakin nyan. So ok ka lang talaga?"
"Oo nga! Paulit-ulit? "
"Sungit naman..." bulong ko.
"Anong sabi mo?"
"Wala"
"Narinig ko may sinabi ka!"
"Wala nga..."
"Ewan ko sayo!" Inis na dinampot nito ang mga nagkalat nyang gamit sa sahig.
Tinulungan ko naman sya.
Tinitigan ako nito ng masama at galit na kinuha sa mga kamay ko ang mga libro nya.
Padabog na lumalakad ito paalis ng muli akong magsalita.
"Alam mo dapat hindi ka masyadong masungit" payo ko. "Dapat maging mabait ka sa mga taong gusto ka lang naman tulungan. Malay mo balang araw kailanganin mo uli ang tulong nila" pumihit ito paharap at lumakad palapit sakin.
Nagalit ata.
"Sino ka ba sa tingin mo at kung makaasta ka parang alam mo ang lahat?!" Sigaw nito sa muka ko.
"Hindi naman ako bingi..."
"Ano?!" Galit nga...
Hay....
Dinukot ko ang panyo ko sa bulsa.
"A-anong....ginagawa mo?!" Namumulang tanong nito ng punasan ko ang pisngi nyang kinapitan ng dumi.
Tinigil ko ang ginagawa at iniabot sa kanya ang panyo.
"Ang dumi ng muka mo" nakangiting sagot ko dito. "Alam mo maganda ka pa naman sana kaso ang taray-taray mo. Try mong umismile kung minsan i'm sure mas lalo ka ng gaganda baka marami ka pang maging kaibigan" natahimik itong bigla.
Pinagmasdan ko ang muka nito at infairness naman kay miss sungit cute din sya.
Pero...
Syempre wala ng mas gaganda at mas cu-cute sa sumpunging baby WhiWhi ko.
Dahil kahit ganon yun...
Well ganon na talaga yun.
Wala na kong magagawa.
"Ehhh...." -si miss sungit.
Parang may sasabihin ata ito pero hindi na nya itinuloy.
Napatulala ito at hindi na nakapagsalita pa.
