8

2.3K 109 7
                                        


Glaiza

Nandito kami ngayon ni baby Whiwhi nakapila sa visa check.

paalis kami ng bansa para puntahan si lolo't lola. nauna na si lolo dahil nagpaiwan ako para may kasabay si baby Whiwhi.

wala na kong nagawa kundi sundin si mommy sa idea nyang pagpapakasal sa batang to.

ano pa bang magagawa ko eh bigla nalang may papeles na kami para sa pag-alis?

ganyan ka tindi si mommy magayos ng mga bagay bagay mabilis pa sa alas kwatro nyang naayos ang mga kailangan namin ni Whiwhi para makaalis.

kung hindi ko lang talaga alam tong nanay ko iisipin kong gusto nya na kong ibenta!

edi sya na!

hand carry nalang ang pinadala samin ni mom dahil susunod sya at sya nalang daw ang bahala sa mga gamit namin.

natatakot sigurong tumakbo ako palabas ng airport magpakalayo-layo at itanan ang labahin ko.

talagang sapilitang kasalan ang peg namin...

haisssttt...

kung alam ko lang na ganto ang mangyayari dati di sana pala nagpakasal nalang ako kay Benjamin ang nag-iisang lalaking naging karelasyon ko.

syempre ginusto ko rin na mapunta sa tuwid na daan noon no. kaya sinagot ko ito ng manligaw sya sa akin.

nasa kanya na ang lahat ng katangian na hahanapin ng isang babae sa lalaki. gwapo, matalino, mayaman, maasikaso, maganda ang trabaho at higit sa lahat mapagmahal.

pero syempre hindi ko mapigilan ang tunay na mithiin ng puso ko kaya hiniwalayan ko sya ng malaman kong seryoso sya sakin at gusto nya na kong pakasalan.

sayang naman kung matatali sya sakin gayong hindi ko alam kung kaya ko bang ibigay sa kanya ng buong buo ang puso ko.

karma ko na siguro to dahil sa ginawa ko sa kanya kahit lumuhod na sya sa harap ko at ipangako ang langit,lupa,buwan mga bituin sa langit at pati nananahimik na sampay ng kapitbahay.

sunod-sunod na iling nalang ang nagawa ko.

anyway...

back to the present...

wala namang naging problema ang proseso namin sa visa check dahil kumpleto naman kami ng documents. pumasok na kami sa loob at pina-scan ang dala kong hand carry pati ang mga cellphone namin.

naging maayos naman ang lahat.

lumapit na kami sa may counter.

habang nakapila kami ni baby Whiwhi ay parang pahigpit ng pahigpit ang hawak nya sa kamay ko.

"ah... baby Whiwhi... pwedeng... pwede bang medyo luwagan mo ng konti ang pagkakahawak mo sa kamay ko?" mahinahong tanong ko dito.

pero imbis na gawin ang pakiusap ko ay lalong humigpit ito at binaon pa ang kuko nya. baka tumigil ang daloy ng dugo ko!

"baby Whi---" lumingon ito sakin at tinitigan ako nito ng masama.

nalunok ko tuloy ang speech ko.

"Glaiza pwede manahimik ka?" tanging sambit nito at ikinapit ang magkabila nyang kamay sa braso ko.

hindi ko na lang pinansin ang pagsusungit nito dahil susunod na kami sa bayaran ng travel tax.

bubunutin ko na sana ang pera mula sa bulsa ko pero hindi ko magawa dahil dun nakakapit si Whiwhi.

"ah, baby Whi..."

"ano?!"

"pwedeng... pwedeng bitawan mo muna ang kamay ko? hindi ko kasi makuha ung pangbayad natin eh." katwiran ko dito dahil parang ano mang oras ay sasaksakin ako nito ng mga titig nya.

My Little Bride (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon