Rhian"Sharap talaga neto Rhi! Shabihin mo dyan sha ashawa mo next time bigay uli sha. Ung marami ah!" Puri ni Bianca sa cookies na ibinigay sakin ni Glaiza.
Nandito ako sa bahay nila dahil tumawag tong babaeng to sakin at may importante daw syang sasabihin.
Pagdating ko naman wala lang daw pala syang maka-kwentuhan at umalis ang parents nila at naiwan sila ng ate nya.
"Nguyain mong mabuti yan baka mabulunan ka! Tsaka hindi naman nya yan ibinigay sayo akin yan. Pinatikim ko lang sayo at kay ate mo sana ung isa dyan kaso kinain mo naman lahat! Ang takaw mo!"
"Grabe ka kamo sakin! Dadalawa lang nakain ko tapos matakaw agad? Bakit kasi dalawa lang ung dinala mo? Edi sana nakakain din sya" Katwiran nito habang ngumunguya.
"Eh, kasi espesyal yan. Yan ang kauna-unahang regalong ibinigay sakin ng mk ko magmula ng ikinasal kami. Kala ko puro ligaw na bulaklak lang talaga ang maibibigay nun sakin eh..." nangingiti na kwento ko.
"Siguro nga natauhan na yang mk mo na kayo talaga ang para sa isa't-isa kaya balak ka ng ligawan! Aba ang tagal mo ng hinintay yan Rhi! At ilang beses ka ng na-hopia dyan sa asawa mo" pagpapaalala nito.
Oo nga...
Naka-ilang kilong hopia na ang nakain ko dahil sa babaeng yun.
Cguro naman ito na ang panahon para umusad na ang relasyon namin.
"Alam mo naiinggit ako sayo. Kasi ikaw nakita mo na ung taong feel mo talagang para sayo. Ako kaya kelan?"
"Bata pa naman tayo. Mahahanap mo din sya maghintay kalang" pagpapalakas loob ko dito.
"Magdilang anghel ka sana. Ikaw ba kelan mo ba na-realize na si Glaiza na talaga ang para sayo? Na sya na talaga ang gusto mong makasama habang buhay?" Tanong nito.
Napaisip naman ako bigla.
Oo nga no...
Kelan nga ba?
Siguro nung...
Gabing mangyari yun.
~♡~
Flashback...
Rhian-13yrs. Old"Singkamas na may bagong..." mahinang sambit ng dalagitang si Rhian habang angkas-angkas sya sa likuran ni Glaiza gamit ang kulay pink nitong bike.
Nasa kasarapan sya sa pagtulog sa kama nito habang nakayakap sa dalaga (matapos nyang pumuslit sa kwarto nito) ng bigla sya nitong gisingin at ayaing lumabas sa kalagitnaan ng gabi.
At syempre dahil alipin ang inosenteng puso nya ng engkantada na nasa harapan nya na walang alam gawin kundi palalimin ang pag-ibig nya para dito hindi sya tumanggi na makipag tanan...
Este...
Sumama.
Pinilit nyang bumangon sa kama kahit na antok na antok pa sya at tila tukong kumapit sa dalaga.
Kahit naman kasi sa pusod ng dagat pa sya ayain nito sasama talaga sya no.
At hahasangan nya ang sino mang sirenang magtatangkang umagaw dito!
