5

2.2K 109 9
                                    

Glaiza

"whaaa!!! uwaaaah!!!!"

"Cge Glaiz. ilabas mo lang yan." alo sakin ni Chynna habang ngumangawa ako.

"kasi masakit na talaga eh... masakit na! hindi ko na to kaya!"

"Kaya mo yan friend. Alam ko nahihirapan ka na pero tandaan mo lahat ng problema may solusyon." Seryosong pahayag nito.

"Talaga? kung ganon. pano ako hindi mahihirapan?"

"Ito o..." May inabot sakin itong gamot. "Mabisa yan sa sakit ng tyan."

"Meron ka naman palang gamot dyan eh! kanina pa ko dito ngawa ng ngawa sa sakit hindi mo man lang agad ibinigay!" Sigaw ko dito.

Napangiti naman sya at napakamot sa ulo.

"Nakalimutan ko eh."

"Hmp!" wala ng anu-ano ininum ko na ito.

Kahina-hinalang sumakit bigla ang tyan ko nung pakainin ako ni baby Whi ng 'peace offering' nya daw na puto.

Malaman laman ko may sama parin pala sya ng loob sakin at may kung anong inilagay dun! Nasakit tuloy tyan ko!

"So... ano na naman bang pinag awayan nyo ni baby whiwhi mo this time?" Taas kilay na tanong nito. Siya ang pinaka nakakaalam ng mga pag-aawy namin ng batang yun noon pa man kaya hindi na ito bago sa kanya.

"Eh kasi...ung ano... kasi... ung kwan..." umabot na sa hairline ang kilay nito ng hindi ko maituloy ang gustong sabihin.

"Ano nga?!"

"Eh kasi..."

"Isa pang eh kasi mo dyan ipatatapon na talaga kita sa mars!" Banta nito.

"abcdefghijk..." sagot ko dito.

"Alam ko ang pagkaka sunod-sunod ng alphabet Glaiza kaya wag mo kong gagalitin! baka i-recite ko sayo yan ng pabaliktad!"

"Magpapakasal na kasi ako." Mabilisang sagot ko dito ng hindi humihinga.

Para namang pirated dvd itong na frozen.

"Anong sabi mo?!!!" sigaw nito na halos ikatalsik ng brace nya.

"Ikakasal na ko..."

"Ano?"

"ikakasal na kooo!!!!" sigaw ko sa tenga nito.

Tinampal naman nya ang muka ko at pinunasan ang laway kong nagtalsikan sa tenga nya.

"Pwede ba? hindi ako bingi kaya wag kang sumigaw!"

"eh, kasi naman paulit-ulit ung tanong mo eh!" Angal ko dito.

"Gaga ka ba? eh, nung isang araw lang masaya ka pang nakikipag landian kung kani-kanino tapos ngayon bigla mong sasabihin ikakasal ka na?! Are you on drugs?!" hindi makapaniwalang saad nito.

"Wala na kong magagawa."

"EEMIGEEDD! naka buntis ka?! sabi ko naman kasi sayo gumamit ka ng proteksyona eh! yan kasi anong gagawin mo ngayon? sinong babae yang nabuntis mo?!" dire-diretsong litanya nito.

"Chynna!!! pano naman ako makaka buntis eh, babae ako?"

"Oowwss???" tumingin pa ito sa baba ko na parang naghihinala.

Binatukan ko nga sya!

"Gaga ka! pinag hinalaan mo pa ko!"

"Bakit hindi. Sa tagal nating mag bestfriend ni hindi ko pa nasilayan yan"turo nito sa ano ko.

My Little Bride (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon