9

2.1K 117 11
                                        

Rhian

Pagkagising ng diwa ko agad kong kinapa ang kabilang side ng kama. mainit-init pa ito pero wala na dito ang taong dapat ay katabi ko.

Agad akong nagmulat ng mata at tinignan ang pwesto na bakante na ngayon.

Wala na nga sya. 

haiiisttt...

Ung babaeng yun talaga!


Hindi ako ginising!


agad akong tumayo at naginat-inat.

tinungo ko ang banyo at inayos ko muna ang aking sarili.

bago tuluyang bumaba ay tumingin muna uli ako sa salamin at sabay-sabay na napalunok.

"ok. kaya ko to!" lakas loob na bigkas ko sa harapan nito.

gabi na ng makarating kami sa bahay ng lolo't lola ni Glaiza dito sa NY kaya ang lolo nalang nya ang naabutan naming gising.


nagpapahinga na daw ang lola nya kaya hindi ko pa ito nakikita.

hindi ko alam kung magiging maganda ang pakikitungo nito sakin.


ayon kasi kay Glaiza ay may pagka masungit ito.

nagdadalawang isip na lumabas ako ng kwarto namin at bumaba ng hagdan.

maganda ang bahay at may katamtamang laki na tamang tama para sa isang buong pamilya.

malinis at maayos ang mga kasangkapan na tila pinag tuunan ng atensyon at pansin ang pagkaka pwesto.

kahoy ang buong bahay na gaya rin ng karamihan dito.

kundi kulay pula ay puti ang mga nasa paligid na dekorasyon na tila ba bawal ang ibang kulay kundi maitatapon sa labas. 

hindi ko pa nakikita ang lola ni Glaiza pero sa ayos palang nitong buong bahay ramdam ko na kung anong klaseng personalidad ang meron sya.

dahan-dahan akong pumunta ng kusina. para bang nasa horror movie ako at pigil hinigang tinuntun ang aking destinasyon.

gaya ng mga ibang bahagi ng bahay red and white din ang dekorasyon nito.

ang kapansin pansin dito ay ang  mahabang hapag kainan na pwede ata para sa isang buong barangay. 

nasa magkabilang side si Glaiza at ang lolo nya kaya bale magka harap sila.

sa dulo naman ng lamesa kung saan malapit sa kinauupuan ni Glaiza at ng lolo nito ay nakaupo ang isang matandang babae na tila old version ni Dawn Zulueta.

diretso lang ang tingin nito at kung kumain ay tila ba may bilang ang bawat pagkilos at paggalaw nito.

"baby Whi! gising ka na!" makaagaw pansin na tawag sakin ni Glaiza ng magawi ang tingin nya sa kinatatayuan ko.

agad itong tumayo at patakbong lumapit sakin.

"Glaiza pwede ba mag dahan-dahan ka sa pagkilos mo nasa harapan tayo ng pagkain!" saway ng lola nya dito.

ngumiti lang naman ito at nag peace sign. napakalayo nya sa nakikita kong pag-uugali ng lola nya.

makulit si Glaiza at pala biro kahit madalas corny sya.

habang ito namang lola nya ay sa unang impresyon palang ay masasabi kong strikta at parang walang alam na joke.

"baby Whi kain ka na!" masigla akong iginiya nito sa upuang katabi nya. "anong gusto mo?"

My Little Bride (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon