RhianPadabog kong binuksan ang pinto ng bahay. binagsak ko rin ito pasara.
nagulat nalang ako ng makita ang lola ni Glaiza na naka cross arms at nakataas na naman ang isang kilay habang nakatingin sakin.
"may galit ka ba sa pintuan?" malamig na sabi nito.
"w-wala po..." may halong takot na sagot ko dito.
"kung ganon bakit mo yan binagsak ng pagka lakas-lakas?" muling sabi nito sa kaparehong tono.
"s-sorry po"
"cge tawagin mo na si Glaiza at marami pa tayong gawain para sa paghahanda para bukas"
"ok po"
nagtulong-tulong kami sa pag-ayos ng buong bahay para sa gagawing salo-salo para bukas. nagkaayos naman kami ni Glaiza.
gabi na ng matapos kami.
kasalukuyan akong nakahiga sa kama.
tok!
tok!
tok!
"baby Whi..."
"pasok" sagot ko kay Glaiza habang nakahiga ako.
naramdaman kong umupo ito sa gilid ko.
"baby Whi inumin mo muna ang gatas mo bago tayo matulog" kinalabit ako nito sa balikat kaya hinarap ko sya.
umupo ako at tinanggap ang binigay nyang isang baso ng gatas.
"ubusin mo yan ha para mahimbing ang tulog mo" ininom ko ito ng diretso sabay bigay sa kanya ng baso.
inilagay nya ito sa side table sabay nakangiting hinarap ako.
"Glaiza..."
"bakit?"
"kung... kung hindi mo ba ko nakilala nung maliit pa ko magugustuhan mo ba ko?"
"syempre naman!" malawak ang ngiti na sagot nito.
na-excite naman ako sa sinabi nyang yun.
"talaga?"
"oo! ang cute-cute kaya ng baby WhiWhi ko kaya sigurado magugustuhan kita!" sagot nito sabay banat sa magkabila kong pisngi.
inis na tinabig ko naman ang kamay nito dahil narealize kong hindi ung gustong may halong pagnanasa ang ibig nyang sabihin.
"Glaiza halikan mo nga ko" biglang bulalas ko dito.
napahinto naman sya at napatingin ng diretso sakin. maya-maya ay inilapit nito ang ulo ko sa kanya at hinalikan ang tuktok nito.
bahagya ko naman syang itinulak na ikinataka naman nya.
"baby Whi...?"
"ang sabi ko halikan mo ko. as in halikan mo ko sa labi. gusto kong makipag lips to lips sayo!" inis na sigaw ko dito dahil yun lang ang paliwanag na maiintindihan nya.
nanlaki naman ang mata nito at parang hindi makapaniwala sa hinihiling ko sa kanya.
"ayoko!" madiin na tutol nito.
nasaktan naman ako sa isinagot nya pero hindi ko ito ipinahalata.
"bakit natatakot ka? dahil baka pagginawa mo yun magustuhan mo ang halik ko?"
"hindi yun ang---"
"kung ganon bakit ayaw mo kong halikan?"
"dahil kapatid kita!"
