NICKY'S POV
" huwag kang lalapit kung ano kaman. " sabi ko dun sa bolang tubig na asul na asul.
SAan ba kasi ko napunta?. Nasa kotse lang ako ni nvrem kanina ah. Tapos ngayon andito na ko sa pagkadilim dilim na lugar. My God! Someone, help me! please? Nagulat nalang ako sa init na nararamdaman ko sa buong katawan ko, unti unti na palang pumapasok yung bolang tubig.
" Ahhhhhhhhhhhhh! shoot. ano 'to? ang sakit! " hanggang sa naging napakalamig naman ng sensasyon. Ano ba 'to?. napakasakit na parang napupunit ang mga laman ko. Naramdaman ko nalang na parang lumilindol tapos..
" Ouch! sheyt. " nasabi konalang ng maramdaman ang malakas na sampal sakin ni Mouse. Kanina pa pala nila ko ginigising, kaya naman pala lumilindol sa panaginip ko. Oo, panaginip lang pala lahat pero pakiramdam ko totoo dahil ang sakit ng katawan ko.
" Buti naman nagising ka na Nicky. " sabay yakap sakin ni Nvrem. hindi mo talaga maiaaalis dito mga ganto lalo na kapag napahamak kami. Baka nga magpakamatay din 'to pagnawala kami ni Mouse.
" Baka nga-ngayon mamatay na ko da--hil sa higpit ng ya-kap mo. " sabi ko sa pagitan ng mga hinga ko.
" Sorry! " sabay bitiw sa akin. " Ano ba kasing napanaginipan mo?. Pawis na pawis ka at hinihingal? " napangiti naman si Mouse sa tanong na yun ni nvrem.
" Hoy Mouse! yang ngiti mo, pangmanyak ang iniisip. kapag hingal at pawis, yun agad? " sabay tapik ko sa noo niya. " PERV! "
" Wala nmn Nvrem! wag mo nalang pansinin. Tara na? Tomguts na ko e. " sabi ko nalang tutal gutom naman na talaga ko.
NVREM'S POV
Nandito na kami sa Masyon. Ano kaya talaga ang napanaginipan ni Nicky. Ayaw naman niyang sabihin. Hm..
" Ahmp. Okay! Tara na. baka lumamig yung mga nakahandang pagkain. " yaya ko sa kanila kahit gusto ko pang pilitin si Nicky sa panaginip niya. Pero wag nalang, I respect their decisions naman && sinasabi naman nila sakin kapag dapat sabihin. walang sikretuhan nga daw.
" Magbibihis lang ako. Dyan na muna kayo, alam niyo naman ang bawat sulok ng tirahan namin. " sabi ko sa kanila, 13 yrs. nmn na kaming magkakaibigan kaya alam na nila bawat sulok nitong bahay. " Nga pala! may mga naiwan kayong damit dito, andun sa guest rooms. baka gusto niyo magpalit? " hindi kasi ganon kacomfortable ang uniforms namin, black pants, long sleeve na light blue na navy blue ang details which are the collar && yung part na ibinubutones sa manggas at sa gitna.
" Sige! San nga ulit ang Guest room?. HAHAHA! " tanong ni Nicky.
" third floor. East wing, lahat yun guest rooms. pang-una at pangala ang sa atin. " sagot ni Mouse bago pa ko makasagot. Hanga talaga ko sa memory ng bestfriend kong 'to. Matalino naman kaming 3, pero di kasi good si Nicky when it comes to directions.
" Sige. punta na kayo dun. Let's meet nalang sa Movie room. " bilin ko, dun ko kasi ipinadala mga naluto tutal magyayaya din naman sila.
MOUSE'S POV
Hindi padin talaga kami nasasanay sa bahay ni Nvrem. Biruin mo 6 floors. pero yung 5 lang ang nappntahan namin kc bawala daw sa 6 dahil andun lahat ng papers saka kailangan sa mga business nila. May magandang interior design, white, cream && flesh. light colors lng para daw malinis tingnan. Maraming furnitures at kumpleto sa high-tech appliances. Nasa gitna yung hagdan kasi may north, south, east at west wings kumbaga pag-akyat mo sa floors mappnta ka sa gitna tapos pacross yon na parang sa cartessian coordinate plane. Ewan ko ba kila tita Mel, isang anak lang naman si Nvrem.
" ang laki talaga ng bahay nila, Mouse? " sabi nitong kasama ko.
" oo nga. nag-iisa lang naman siya na anak hanu?. " balik tanong ko sa kanya.
" yep! " maikli niyang sagot. " tara na nga baka naghihintay na yun at nagagalit na mga alaga ko sa tiyan. " mejo gutom ndin nmn ako kaya pmunta na kami.
Pagdating namin sa Movie room, nakahain na na nga. parang fiesta naman kapag nagpaluto si Nvrem. Sabagay malakas kaming kumain pero di naman nagsisitaba. Halos di nagkakalayo layo ang mga traits namin. well built body, matangos ang ilong, brown eyes saka magkakaheight kami 5" 9' .
HAbang kumakain nag babangayan 'tong dalawa kung anong movie ang pipiliin. Alam niyo na using wireless connection, di ko nga alam kung ilang wifi meron dito sa bahay nila. Ayan, nakapili na pala sila.
Fanstic Four na new portrayers ang napili, yung hindi na sila jessica alba at chris evans. I knew it! Fantasy again.
Kumakain lng kami habang nanonood tapos ayun pagkatapos ili ulit ng new movies. puro ganon lang nangyari.
BINABASA MO ANG
The Power Within
FantasyAng kwentong ito ay magpapatunay ng tunay na kapangyarihan sa loob ng isang nilalang, sa pamamagitan ng mga taong nagmamahal.