MOUSE'S POV
Naglalakad na ko papunta sa gaganapan ng egg hunting, sa gubat na malapit sa eskwelahan. Infinite forest ang tawag nila dito, dahil hindi yata natatanaw ang dulo nito o wala pang nakakarating sa pinakadulo nito, ang iba naman sinasabi na infinite ang kakayahan mo ditto at hindi mauubos energy kapag nasa loob ka. Kahit ano pa man yan, basta naiinis ako. Sila nicky pinauna ko na, gusto kong mapag-isa muna.
"nakakainis si Nvrem. Siya nga ang ipinunta namin dito tapos ngayon magsasaya siya kasama ang iba. Hindi naman sa pinipigilan namin siya. Pero napapansin ko kasi na umiiwas siya samin at hindi na nagkekwento, hindi katulad dati.wala naman akong maalala na ginawa namin sa kanya. Nagsimula lang naman 'to nung ipakilala na kami. Mali ako, hindi ko dapat siya tinalikuran kanina dapat pala ay pinagpaliwanag ko siya." Naisip ko lang. nandito nap ala ko at nakikita ko na din ang mga section. Hindi ko alam kung bakit sinabing maghuhurado kami samantalang ang mga estudyante talaga ang gagawa para makapuntos sila. Siguro pang-break lang kami ng draw battles o score para may mga placer talaga. Nakita ko si Nvrem sa mga kasection niya at hindi sinasadyang napatitig ako sa kanya, naramdaman niya siguro kaya lumingon pero agad na nagbawi ng tingin. Bakit na naman?
"dito natin gaganapin ang egg hunting dahil maraming pasikot-sikot ang forest at mapagtataguan ng itlog. Basta mag-iingat kayo sa mga makamandag at may lason na hayop. Pero nakagawa naman na din ng mga panglunas si Lilian kung may di inaasahang mangyayari. 150 lahat ng itlog, pwede niyong pag-agawan lahat pero sa oras na hawak na ito ng ibang section ay hindi na pwedeng agawin. Paramihan kayo ng makukuha, walang ability ang magagamit sa paghahanap ng itlog sa medaling paraan, tanging talas ng mata at liksi ang magagamit, kaya mukhang may tyansa ang mga taga-lower section." Rinig kong anunsyo ni Prof. Sean, siya ang mamumuno dito dahil siya ang maraming alam sa mga hayop. " simulan na!"
Lumipad ako para mapanood sa himpapawid ang mga estudyanteng nagtatakbuhan papasok ng gubat. Sila Nvrem ang susundan ko para mabantayan siya at matulungan na din kung kailangan. Naririnig ko naman ang mga usapan nila dahil sa naipapadala ito ng ihip ng hangin sakin.
"rizzy ayun may isa oh! Kunin natin. Bilis!" rinig kong tangay ng hangin.
"Sky ang dami pala ditto sa tinakbuhan natin. Ang swerte! Sana pati mga kaklase natin maganda ang nakuhang pwesto." Lagi din yata silang nag-uusap ng babae na yan? Pero kahit papano ay alam kong kami lang ni Nicky ang tumatawag ng Nvrem sa kanya.
Makalipas ang ilang minute ay nakakamarami na ang lower section, hindi ko lang yung ibang section. Kaso nagkataon na napunta sila sa parte ng gubat na may matataas na puno at puro nasa sanga nito ang mga itlog at mahihirapan sila kung aakyatin pa yun. Kaya naman naisipan kung pahanginin upang mahulog ang mga itlog pero syempre babalutan ko din ng hangin ang mga ito bago dumiretso sa lupa para hindi mabasag.
"ha? Ang lakas naman ng hangin yata! Sky, ang mga itlog." Nahulog na kasi ang mga ito pero ligtas na naglanding.
"imposible! May nangingialam sa laro natin." Nag-invisible na ko para hindi makita ni Nvrem, alam niyo na untangible ang hangin kaya pwede din akong maging invisible. Matalino talaga ang kaibigan kong iyon. Pero tinawag akong pakialamero, pwede naman sabihin na may tumutulong sa kanila. Kung hindi lang talaga kita kaibigan pinalipad na kita sa pinakamalayong lugar.
Makalipas ang isang oras ay nagsibalikan na sila sa entrada ng gubat. Dala nila ang basket na may mga lulan na itlog. Hindi pa nasusuma ang mga laman nito dahil pagsasama-samahin pa ang bawat basket ng magkakaklase.
"mukhang tapos na ang palarong ito. Balik na sa paaralan. Sa pagtatapos ng festival niyo na lang malalaman ang puntos niyo dito at sa nauna."
BINABASA MO ANG
The Power Within
FantasyAng kwentong ito ay magpapatunay ng tunay na kapangyarihan sa loob ng isang nilalang, sa pamamagitan ng mga taong nagmamahal.