Cindy's POV
Malapit na kami sa kinalalagyan ng kweba. Wala naman kaming nakitang mga patibong marahil ihinanda ang mga yun sa mga taong hindi dapat makapasok sa kweba, kaso kasama namin ang mga tagapagmana. Pero paano nakapasok ang mga dark abiliters na yun ditto. Tatlo na ang nadadaanan namin at napatay narin silang lahat. Nakalaban ni Push ang sub-element at walang kahirap hirap na hinigop niya ang tubig ng kalaban niya hanggang pati ito ay maging tubig. Si Mouse naman ay napilitang kalabanin ang sarili niyang sub-element wind, pantay ang naging laban ngunit sadyang tuso at matalino ang nagmamay-ari ng tunay na element kaya nagapi niya ito gamit ang kakayahan pawalain ang oxygen sa katawan ng isang nilalang. Ngayon ay inaasahan narin namin ang pagsulpot ng sub-element ni Ice na fire.
"mukhang handa naman kayo sa pagpapakita ko." Ayan na pala siya. Nakahanda naman kaming labanan siya.. I mean, nila!
"nicky, alam mo na ang gagawin mo." Utos ni Nvrem. dahil alam namin na mahina ang apoy sa tubig. Tumango naman ang binata.
Water spear. Pagsabi niya nito ay nabuo agad ang mga spear na may napakatulis na dulo. Ikinumpas agad ng binata ang kamay papunta sa kalaban.
Kinumpas niya lang ang kamay niya. Walang anu-ano'y naging isang usok ang weapon na ginamit ni Nicky. Nag-evaporate ito. Pagkawala ng usok ay nagulat kami sa aming nakita. Gumagamit siya ng itim na apoy. Ngunit sub-element lang siya. Hindi maaaring magamit niya iyon dahil angkan lamang ng Laveehot ang meron nun.
"sino ka?" tanong ni Ice.
"mukhang dapat na akong magpakilala." May ngising sa kanyang mga labi. " labing walong taon ng nakakalipas. May mag-asawang namumuno sa isang kaharian. Masaya ang mag-asawa dahil biniyayaan agad sila ng supling sa sinapupunan. Lumipas ang mga buwan at nagsilang na ito ng sanggol, ngunit hindi lang ito isa kundi dalawa. Natakot sila dahil hindi pwede magkaroon ng dalawang anak ang isang hari at reyna dahil isa lamang ang dapat magmana. Nagpamalas agad ng kakayahan ang dalawang bata, ang isa ay naglalabas ng itim na apoy, samantalang ang isa ay may iba't ibang kulay na apoy. Napagdesisyunan nilang ilayo ang batang itim na apoy lamang ang kakayahan. Iniwan nila ito sa pusod ng infinite forest at umasang may makakakuha dito. Sinuwerte naman ang bata at may nakapulot sa kanya at dinala sa isang palasyo na wala kang makikita kung hindi kadiliman." Mula sa nakangising mukha ay napuno ito ng galit. "namuhay ang bata ng hindi nararanasan ang magkaroon ng magulang dahil maski yung mga nakakuha sa kanya ay araw-araw siyang pinag-eensayo. Nabuo ang poot sa puso niya at sinabing babalikan niya ang mga nagtapon sa kanya at paghihigantihan."
"ikaw ang batang yun, obviously!" mataray na sabi ni Rizzy.
"ako nga! At mukhang ngayong araw ay maisasakatuparin ko na ang isinumpa kong paghihiganti. Hindi man sa kanilang lahat. Pwedeng sayo muna aking kakambal." Rumehistro ang lungkot at pagkagalit sa mukha ni Ice. "ako si Fire Laveehot! Ang iyong kapatid na pinabayaan niyo at hinayaang maghirap sa kamay ng mga Moonsoroe. At ikaw!" sabay turo kay Nvrem. "dapat ay mawala ka na rin! Hindi dapat sila sumaya kapag nakabalik ka sa kahariang iyon. Pinahirapan nila kami."
Darkflame shower. Sabay umulan ng mga bilog na itim na apoy.
Luminescence shield. Sigaw ni Nvrem. nabalot kami ng maliwanag na pangharang na may naghahalong dilaw at putting liwanag. Ito siguro yung tinuro sa kanya ng CL na matindi raw na pangharang.
"anong plano? Hindi ko matatagalan ang pagpapanatili ng harang na ito. Malaking enerhiya ang mawawala sa akin." Sabi ni Nvrem habang nagcoconcentrate sa pagpapatibasy ng harang namin.
BINABASA MO ANG
The Power Within
FantasyAng kwentong ito ay magpapatunay ng tunay na kapangyarihan sa loob ng isang nilalang, sa pamamagitan ng mga taong nagmamahal.