THIRD PERSON'S POV
Mabilis lumipas ang mga araw at ngayong araw, Lunes, ay ang umpisa ng kanilang festival para sa mga new students at nagsitaas ang sections. Nakatayo na ang tents ng tatlong sections. Lower section ay naisipan magtayo ng iba't ibang pagkain na hindi na natitikman ditto sa Elemajika, nanguna sa pagluluto ang tatlong bagong estudyante dahil sila ang galing sa labas. Nagluto sila ng iba't-ibang pagkain tulad ng beef broccoli, chicken pastel, Lengua, spaghetti, pizza, clubhouse sandwich, at hindi mawawala ang lasagna, gumawa rin sila ng mga give aways para sa mga boboto na may lamang baked goods na nakalagay sa presentableng pouch na may ribbon na mismong section nila ang gumawa. Sa middle section naman ay isan buffet ng mga iba't-ibang inumin kaya kung mapapansin ay magiging mabenta sila sa boto dahil parang nag-usap ang dalawang naunang section at ang higher section ay itinuloy ang balak na pagpapaamno ng mga hayop, sapat na ang mga nakolekta nilang hayop para sa pagbubukas ng kanilang tent mamaya.
"excited na ako sa Festival na 'to. Teka, nakalimutan kong itanong kung bakit nag-iba kayo ng mga apelyido." Tanong ni Nvrem sa dalawa.
"malalaman mo rin mamaya." Sagot nito, sinabihan kasi sila ng headmistress na huwag na munang sabihin sa harap ng klase ang totoo nilang pagkatao. Isasabay na lamang sa Festival ang pag-aanunsyo ng pagdating nila.
"SKY! Kailangan ka sa tent. Kailangan na kasi natin magbukas." Sabi ng humahangos na si Rizzy.
"ah osige! Tara na." sabay yaya niya sa babae. "jan na muna kayong dalawa ah! Maglibot-libot muna kayo, baka kasi kayo lang umubos ng pagkain nsa tent. Hahaha. See you later." Malaki na din ang ipinagbago ng social life ni Nvrem. Nakakausap na siya ng mga kaklase niya at di lalaon ay magkakalakas na din ng loob siyang makipag-usap sa iba.
Habang naglalakad papuntang tent ay nakasalubong nila si Push.
"magandang umaga po mahal na prinsepe." Bati ng babae sa naglalakad na Push.
"mahal na prinsepe? Nagpapatawa ka ba rizzy? Itong lalaking 'to, magiging prinsepe. Hahaha. Malabo!" natatawang turan niya.
"hoy Nvrem, wag kang bastos. Prinse--." Hindi na pinatapos ng pagsasalita ng prinsepe ang dalaga.
"hayaan mo na yan! Hindi naman talaga niya alam. Saka wala naman yang respeto kahit malaman na prinsepe ko. Hahahaha ." sabay tingin kay Nvrem na nahihiya pa.
"sige na nga mahal na prinsepe. Kailangan na ko sa tent namin, may ipapaliwanag ka sakin mamaya. See you later!" aalis n asana siya ng ..
"sarapan mo ang pagluluto ah! Apat kaming magjajudge mamaya sa inyo kasama ko pa ang tatlong prinsepe." Pagkasabi niya nun ay mabilis na siyang naglakad palayo.
"teka! SINO PA YUNG DALAWA?"pagsigaw niya kay Push. Tiyak siya na si Ice yung isa, sino naman kaya yung dalawa pa?.
Nakaready na ang lahat ng tents, maging ang malaking Gym na pagdadausan ng panimulang seremonya ang nakaayos na rin. Hinihintay na lamang ang headmistress.
HEADMISTRESS CELINA'S POV
Nakahanda na ang lahat. Papunta na ko ngayon sa Gym upang buksan na ang pagdiriwang ito. Ayun na pala lahat ng mga estudyante pati ang apat na professors ng paaralan ay nandun narin- Prof. Lilian para sa potion o medicine making, Prof. Taranee para sa applied tactics and battle techniques, Prof. Sean para sa proper care of dragon guardian at si Prof. Shabie para sa Defensive Art.
"magandang umaga Abiliters. Ngayon ay magaganap ang Festival n gating paaralan para sa pagwelcome ng mga new students at pag-congrats sa mga nalipat ng section. WELCOME and CONGRATULATIONS! As you all know, ang festival na ito ay nahahati sa tatlong laban, una ay ang tent, pangalawa ay ang egg hunting at panghuli ay tag-battle. Ang tatlong section ang maglalaban laban. Tanging mga nasal owe section lamang ang allowed gumamit ng sandata dahil wala silang ability na pang-opensa o depensa. 20 points para sa mananalo, 10 points sa unang place at 5 points sa last place, ang magiging premyo niyo ay ang pribilehiyong makapunta sa enchanted market gamit ang portal sa aking bahay, bibigyan din kayo card para mabili lahat ng gusto niyo. Dahil masyadong malaki ang premyo, kaya bigatin ang magiging hurado niyo, ang apat na Legendary Ability Holder." Napahinto ako sa bulungan ng mga estudyante. Marahil ay nagtataka sila kung bakit at paano nagging apat na sila. "marahil puno na kayo ng pagtataka kung sino sila. Ipapakilala ko na sila, ang earth holder ay si Puttichai Kasetsin na kilala niyo na, siya ang susunod na hari ng Eartha, si Ice Kant Laveehot ang fire holder ay ang susunod na hari ng Firschia." Huminto ako para senyasan nay un dalawa na lumapit na sa backstage. "ang wind holder ay mula sa lahi ng Estrella na siyang magiging susunod na hari ng Winchia- si Mouse Natcha Estrella. Siguro ay nagtaka jayo dahil iba ang apelyidong ipinakilala nila, yun ay dahil sa kahilingan ko. At ang magmamana ng trono ng waterius ay ang water holder na si Nicky Juntapun. Ngayong alam niyo na ay ililipat ko na sila sa legendary holder dorm. Maari na kayong bumalik sa tent niyo at asikasuhin iyon. Ngayong ay ipinapahayg ko na ang pagbubukas n gating Festivel week. Nawa ay maging ligtas ang bawat estudyante." Pagtatapos ko sa pagkahaba-haba kong speech.
Nakita ko naman na nag-alisan na sila ngunit hindi parin nawawala ang mga bulungan, siguro nga ay hindi pa nila lubusang nadadigest ang lahat. Bumalik na ako sa aking opisina upang asikasuhin ang mga naiwan kong Gawain. Total ay nandun naman ang mga professor pati na din ang mga Lendary abiliter kaysa ligtas na sila.
NVREM'S POV
Nagulat ako sa mga naging rebelasyon ngayong umaga. Mga prinsepe pala ang mga kaibigan ko at tinataglay ang mga kapangyarihan hindi pwedeng mapunta sa iba kundi sa lahi lang nila. Natutuwa ako para sa kanila pero nalulungkot rin para sa akin, maaaring magbago na ang lahat sa pagitan namin, sila ay nabibilang sa pinakamataas na section at may mga pangalang pinanghahawakan, samantalang ako ay di hamak na nasa lower section at walang maibubuga. Dumagdag pa yung tag battle na last part ng festivcal na 'to. Kaming dalawa na ni Rizzy ang magkapartner pero may magagawa ba ang intelligence ko at ang pagiging magaling niya sa direksyo kung black uniform ang makakalaban namin?. Naitanong ko na din ang tungkol sa kanya sa mga kaharian na yun at mga prinsepe. Sinabi niya naman sa akin lahat, na ang mga legendary abiliters ay ang mga prinsepe mismo na magiging hari. Pati ang pagkawala ng isang palasyo na nakikita kong uka ang lupa, kaya pala bakante ang lugar na yun. Hindi naman na niya nasabi ang pangalan o lahi nung mga natitira pang dalawang Legendary Abiliters.
"Rizzy, kamusta ang mga tumitikim ng mga pagkain natin?" tanong ko sa kanya.
"ang dami ng naglalagay ng plastic tokens sa box sa labas natin. Malapit na nga din maubos ang give aways natin." Sagot niya sakin. Atleast may maganda parin nangyayari sa akin.
"buti naman kung ganon!" I felt relieve sa news niya.
"MAY NALASON NA TAGA MIDDLE CLASS SA TENT NG HIGHER CLASS. NAGWAWALA DAW YUNG ISANG HAYOP DUN." Narinig namin sigaw ng estudyante sa labas. Tumayo naman agad kami at tumakbo palabas. Pagdating namin sa tent nakita ko agad ang estudyante na nangingitim na ang braso at patuloy gumagapang yung itim. Nakita kong hawak na ni Putt yung hayop na nakalason, yun yung gusto kong hawakan sa gubat ha. Ano nga bang pangalan nun?. Nakalimutan ko na. nakita ko rin si Ice na gumagamit ng putting apoy, pero mukhang hindi sapat dahil enerhiya lamang ang naibibigay nito at hindi lunas. Nakausap na din nila si prof. Lilian ngunit walang sangkapa para sa lason ng hayop na iyon kung bibili pa sa enchanted market ay hindi na aabot pa.
"ano pang pwede natin magawa para sa kanya?" puno ng lungkot ang aking boses.
"wala na. hihintayin na lamang natin ang kanyang kamatayan. Maging ang mga healer sa middle class ay hindi kayang gamutin, ganon na din sa higher class." Malungkot na sabi ni Prof. Lilian. Hindi maaari, dapat siyang mabuhay. Natatandaan ko ang babaeng ito, siya yung laging ngumingiti sa akin sa cafeteria. Puno ng sakit ang aking dibdib dahil hindi ako sanay na may nakikitang mamamatay sa harap ko. Sana ay nagkaroon ako ng kakayahan iwaglit ang lason.
Habang nasa ganoon akong kalagayan ay naramdaman kong may lumapit sa akin. Yung hayop pala na may lason, ang Bishmuth. Pero bakit hindi niya ko nalalason at hindi niya ko nasasaktan. Ganon na lamang ang pagkagulat namin ng biglang nagliwanag ang mga palkad ako at gumapang ito papunta sa Bishmuth. Nasaksihan ko kung paano ito nilukob ng liwanag hanggang sa mawala at nakitang light color na ang kulay nito, malayo sa maitim-itim na balahibo nito. Naiwan ang parang itim na alikabok sa aking mga palad na tinangay ng hangin.
"anong nangyari?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"marahil panibagong ability. Marahil iyan ang makakatulong sa babaeng iyan." Marahil ganon na nga siguro. Sinubukan kong hawakan ang babae at kagaya ng nangyari kanina ay binalot rin siya ng matinding liwang at di naglaon ay nawala na ang pangingitim ng kanyang balat at hawak ko na din ito na tinangay ng hangin. Gulat. Pagkamangha at pasasalamat ang makikita sa mga mukha ng mga estudyanteng nakatanaw sakin. Nang walang anu-ano'y nakaramdam ako ng panghihina a
BLACKOUT!
BINABASA MO ANG
The Power Within
FantasyAng kwentong ito ay magpapatunay ng tunay na kapangyarihan sa loob ng isang nilalang, sa pamamagitan ng mga taong nagmamahal.