MOUSE'S POV
Dalawang lingo ng nawawala si Nvrem at hindi pa kami nakakabalik sa kanila simula nung huli naming punta dun. Ngayon papunta kami dun dahil nagtext ang mama niya. Siguro ay may magandang balita na. Nandito na pala kami. Bumaba kami ni Nicky sa kotse at dumiretso sa loob. Nagulat kami sa nadatnan. .
"Ma? Bakit nandito kayo?" Nilapitan ko siya para humalik sa pisngi pati na din sa mama ng dalawa kong bestfriends. Oo, nandito din mama ni Nicky. Nakakapagtaka naman na hindi sila umuuwi ng bahay pero dito nakakapunta sila. Pero hindi naman sila nagkukulang sa pag-aalaga samin, talagang madami lang silang businesses.
"ngayon lang kasi kami nakauwi at nalaman namin ang nangyari kay Nvrem. Sinabihan naman kami ng tita Mel mo na ppnta kayo ditto kaya dumiretso kami ditto." Hindi ako nani niwala sa sinabi ng mama ko, kilala ko siya, siguradong tatawag lang kay tita mel yun para mangamusta pero never yan magdadrop in.
"Ma, don't mess around. Alam kong may dapat kaming malaman." Ganyan talaga kami nyan. Pero mahal namin ang isa't isa.
"Mel ikaw na ang magsabi sa kanila." Matamang nakatitig siya sa mama ni Nvrem.
"sige! Maupo na kayo at magpapakuha ko ng pagkain dahil mahaba-habang istorya 'to." Sinenyasan naman ni tita sila manang Fely para maghanda ng makakain. " labing walong taon na ang nakakalipas."
*flashback*
May isang lugar na pinamumunuan ng isang mabuting hari at reyna. Tinatawag itong Elemajika. Binubuo ito ng anim na kaharian na humahawak ng anim na legendary abilities- Eartha na pinamumunuan ng mga kasetsin, hawak nila ang Legendary ability na earth, Windchia na pinamumunuan ng mga Estrella hawak nila ang wind ability, Waterius pinamumunuan ng mga Juntapun na humahawak ng Water ability, sumunod ay ang Firschia pinamumunuan ng mga Laveehot na gumagamit ng fire ability, ang pangalawa sa pinakamalakas ay ang Moonsoroe na pinamumunuan ng mga Rij gamit ang liwanag at kadiliman ng buwan at ang pinakamalakas ay ang Solaria na pinamumunuan ng mga Villacencio na gamit ang matinding liwanag ng araw. Maganda ang pagtutungo ng mga bawat kaharian noon dahil pinapanatili ang balance ng lugar na ito. Kasama sa pagpapanatili ng balanse ay ang pagpili ng mapapangasa sa ilalaim din mismo ng kaharian niyo, hindi maaring magpakasal sa ibang ability. Ngunit may sadyang mga ayaw magpasailalim sa mas mataas at malakas na kaharian kaya pilit silang humiwalay at nagtayo ng sariling kaharian sa ilalim ng kadiliman ng buwan- ang Moonsoroe. Naging matinding kalaban ng mga natirang kaharian ang kadiliman ng Moonsoroe. Ngunit hindi ang magkababatang Melina at Andrew. Si Melina ay ang susunod na reyna ng Moonsoroe at si Andrew ay ang susunod na hari ng Solaria. Hindi napigilan ng alitan ang pagkakaibigan nila hanggang sa magka-ibigan sila.
Naging malaking bulungan ang kanilang pagkawala at hindi nalaman kung saan nagpunta. Nagkaroon ng mga kuro-kuro na marahil ay nagsama na at nagpakasal. Ngunit ang sabi noon ay hindi pwedeng magkaanak ang dalawang magkaibang lahi dahil ang anak nila ang sisira sa mundo ng Elemajika.
Lumipas angdalawang taon at sa edad na 20 ay bumalik sila sa Elemajika na dala ang kanilang kambal na anak. Marami ang nagulat maging ang mga nakatataas ay nalaman ang pangyayari kaya inutos na patayin ang sanggol maging ang mga magulang nito. Kaya ng subukang hatulan ang pamilya ay agad nilang sinubukang tumakas, nagawa nilang makaalis ngunit naiwan ang babae nilang anak at nakuha ng mga gwardiya, hindi maaaring maghiwalay ang kambal dahil hihina ang isang nagtataglay ng kapangyarihan ng buwan at ang may hawak ng kapangyarihan ng araw ay hihiwalay ang enerhiya at hindi na alam kung ano pa ang maaaring mangyari sa kanya. Marahil mamamatay na dahil wala ng enerhiya sa katawan. Nakaligtas ang mag-asawa at ang lalaki nilang anak at nanirahan malayo sa Elemajika nakisalamuha sa mga normal na tao ng hindi gumagamit ng mga natatangi nilang kakayahan. Pero hindi nila winaglit sa isipan na isang araw,maaaring hilahin nalang ng enerhiya ng Elemajika ang kanilang anak, maaaring bumalik siya sa mundong kinabibilangan nila talaga. Walang nakakalam kung ano ang maaaring mangyari sa pagbalik niya.
*flashback ends*
Hindi na ko nakahinga ng ayos sa mga nangyaring rebelasyon. Ang hindi kami nabibilang sa lugar na ito, na may dahilan ang pagkawala ni Nvrem, na ang mga magulang namin ay hindi mga normal, na totoo palang nag-eexist ang mga kapangyarihan nay an o abilities na ayaw kong paniwalaan at higit sa lahat kami, kaming magkakaibigan ang susunod na mga hari ng Elemajika. Hindi ko alam kung saan huhugot ng mga tanong kung ano bang itatanong ko o kakayanin ko pa ba kung may madadagdag na naman na impormasyon sa utak ko.
"may kakambal pala si Nvrem." Magkahalong saya at lungkot ang naramdamanan ko- saya dahil hindi na mag-iisa ang kaibigan namin at lungkot dahil matapos malaman na may kambal siya, hindi naman namin alam kung buhay ba siya o hindi.
"meron nga! At sa palagay ko nung araw na napahamak siya sa parke yun ang araw na hinanap siya ng enerhiya ng araw na nanggaling sa kapatid niya." Seryosong sagot ni tita Mel.
"naalala kop o nung araw na inimbita niya kami ditto, ang sabi niya sakin ay may nakikita daw siyang putting bola. Sumusunod pa daw sa amin." Yun pala ang sinasabi niya sa akin noong araw na iyon.
"naalala mo nung araw din nay un ay nanaginip ako ng masama. Asul na bolang tubig ang papalapit sakin tapos sinubukan pumasok sa katawan ko. Napakasakit ng nararamdaman ko nun, kaya pawisan at hingal ako nung ginising niyo ko." May hingal pa si Nicky habang isinasalaysay ang mga pangyayari.
"eto siguro ang sinasabi mo." Sabay buka ng palad ni tita Lily. Gulat ang nagging reaksyon namin ni Nicky hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita namin. "tutal alam niyo naman na, oras na siguro para ilipat namin 'to sa inyo."
"No! sobrang sakit kaya niyan Mama." Matigas na sabi ni Nicky. Pero nginitian lang kami ng mama niya.
"hindi na 'to masakit ngayon dahil alam niyo na kung sino at ano talaga kayo." Sabi niya habang kinukuha ang kamay ng anak niya at nagulat ako dahil pumasok dun yung tubig ng hindi siya humihiya sa sakit.
"pagkatapos anon g mangyayari sa amin?" kinuha ng mama ko ang kamay ko at inilagay ang napakalamig na grayish ball na parang gawa sa hangin. Pumasok din ito sa palad ko at parang may enerhiyang dumaloy sa buo kong katawan.
"hindi niyo pa magagamit ang kakayahan niyo dahil kailangan niyo pang magtungo sa elemajika na ginawa ng eskwelahan ngyon at tinawag na School of Natural and Acquired Abilities." Nagkatinginan kami ni Nicky dahil hindi namin alam kung pano iiwan ang lugar na ito. Pero nagtagpo ang nasa isip namin dahil gusto narin namin makita si Nvrem at mukhang dun namin siya matatagpuan.
"sige. Kailan ang alis namin?" pursigido kong tanong.
"bukas na bukas din." Sagot ni tita mel. "sige na mag-ayos na kayo ng mga dadalin niyo at magkakamustahan pa kami ng mga magulang niyo. Babye!" hinila na niya kami patayo at dinala sa labas. Wala na kaming nagawa kundi umalis at pagbigyan silang magkwentuhan.
MELINA'S POV
Salamat at nasabi na rin namin sa mga bata. Akala namin ay mahihirapan kami sa kanila pero mukhang nagging sanay naman sila dahil sa anak ko na mahilig sa powers powers nay an. Bata palang kasi siya ay nagagamit na niya ang kakayahan niya pero madalang kaya naniniwala siyang nag-eexist yun. Hindi ko alam kung ano ang magiging consequences ng kasalanan namin sa Elemajika. Pero handa kami sa mga mangyayari.
"nakakalungkot lang na ang mga anak pa natin ang magdadala ng mga responsibilidad natin." Malungkot na sabi ni Ariana (mama ni mouse). Nang nalaman kasi nilang umalis kami ni Andrew ay nagsitakasan narin sila sa Elemajika kaya ngayon ay ginawa nalang munang eskwelahan yun dahil walang mamumuno.
"kaya nila yun Ar. Malalakas ang mga anak natin, idagdag mo pa na pinapahalagahan nila ang isa't isa. Sa oras na lumitaw ang marka madodoble pa ang lakas nila kaysa sa mga nagging lakas natin." Tama naman ang sinabi ni Lily, malakas ang mga anak namin at mapagmahal. Naging tama ang pagpapalaki namin sa kanila.
Nagkekwentuhan lang kami buong araw sa mga pangyayari sa buhay at sa mga businesses namin na talagang pinaghirapan namin palaguin ng hindi gumagamit ng kakayahan. Nothing Earns permanently the easy way. We should always do the hard way sabi nga " mas matamis ang bunga kapag pinaghirapan ".
BINABASA MO ANG
The Power Within
FantasyAng kwentong ito ay magpapatunay ng tunay na kapangyarihan sa loob ng isang nilalang, sa pamamagitan ng mga taong nagmamahal.