NVREM'S POV
Tut* tut* tut* tut* ( sound of hospital equipment)
Nagising ako na may mga nakakabit saking aparato. Nasan ba ko?. Gown? Puting kisame? Dextrose? anong ginagawa ko dito? Alam ko nasa park ako ah. Si nicky at mouse? teka ano bang nangyari? alam ko nagtatatakbo ko kasi tinapon ako ng pie ng dalawang bestfriend ko tapos naagalit ako napunta ko sa masukal na parte ng park tapos.
" ahhhhhhhhh! " napasigaw ako dahil sa sobrang sakit ng ulo. bakit sumaasakitt ang ulo ko sa pilit na pag-alala ng nangyari? " ahhhhhhhhhhhh! " isa pa ulit.
Bumukas anng pinto at iniluwa nito si mama at papa kasama si Nicky at Mouse.
" anong ginagawa niyo dito?. ayokong makita kayo. Umalis kayo. " sabay turo kila Mouse. Nakita ko naman na tiningnan sila ni mama at saka lumabas, malamang ay pinakiusapan muna ni mama.
" Ma, anong nangyari?. bakit biglang nasa ospital na ko?. " bakas sa mukha ko ang pagtataka.
" anak, hindi ba't kami dapat ang nagtatanong sayo niyan?. bakit galit ka sa mga bestfriends mo? may nangyari ba?. " dahil puno ng pagtataka ang mukha ni papa. Naisipan kong ikwento ang nangyari pero hanggang dun lang sa nagtatakbo ko dahil hanggang dun lang naman ang naalala ko.
" nakakapagtaka naman ang nangyari sayo. isang linggo ka nang nakaconfine dito. " bakas ang pag-aalala sa kanila.
" isang linggo?. " napasigaw ako dun. " pakiramdam ko isang araw lang yun. "
tok*tok*
pumasok ang doctor at in-examine ako.
" maayos na po ang lagay ng anak niyo. mamaya lang ay pwede niyo na siyang ilabas. " sabi ng doctor. " mauna na po ako. " dagda* niya.
" salamat po doc. "
MELINA'S POV
Nakauwi na ang anak ko. Ano kaya ang nangyari sa kanya?. Kasalukuyan siyang nagpapahinga sa kwarto niya.Ayaw niya makipag-usap maski sa kaibigan niya. Nasasaktan tiyak ang anak ko. Masyado pa naman siya in touch sa dalawang bata na yun.
" my, ang lalim ata ng iniisip mo. " tanong sakin ng asawa ko. nag-aayos kasi kami ng damit dito sa walk in closet dahil may business trip ulit kami mamaya.
" Nag-aalala ako sa anak natin. Baka yung nangyari sa kanya ay dahil sa --. " hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil nakita ko ang pagbabago ng emosyon ng mukha ng asawa ko.
" Matagal ng hindi nangyayari yun Mel. Magaling at normal na din naman ang anak natin. 5 years old lng siya ng huling mangyari yun. " impit na sigaw na asawa ko, hindi nalang ako sumagot dahil galit na yan kapag binanggit ang pangalan ko. " Puntahan ko nalang ang anak mo at magpaalam na. " dagdag niya.
tango na lamang ang naging sagot ko. At lumabas na siya ng kwarto. Kinuha ko naman agad ang phone ko at may tinawagan.Pagkatapos ng dalawang ring.
" Hello?. Magandang gabi din. " bati ko pabalik.
" Gusto ko sana ibilin ang anak ko sa inyo. Bantayan niyo sana siyang mabuti. " paghingi ko ng pabor sa kabilang linya.
" Maraming Salamat kung ganon. sige, Magandang gabi ulit. " pagpapaalam ko.
" My, tara na! anjan na daw yung coaster. " rinig kong sigaw ng asawa ko. Siguro ay nasa 3rd floor pa din siya.
Lumabas na ko at tutungo sana sa kwarto ng anak ko pero hindi na ko tumuloy at hinayaan ko nalang siya magpahinga.
BINABASA MO ANG
The Power Within
FantasyAng kwentong ito ay magpapatunay ng tunay na kapangyarihan sa loob ng isang nilalang, sa pamamagitan ng mga taong nagmamahal.