- CHAPTER NINETEEN -

39 4 0
                                    

RIZZY'S POV

Yes! nagkaPOV rin ako. Dapat mahaba 'to author ah. (a/n: sige hahabaan ko. Gusto mo buong chapter na 'to. Tingnan natin kung hindi mangawit yang bibig mo.) huwag naman!

Naglalakad na ko papunta sa boys' dorm. Grabe ano kayang nangyari ky Sky at hanggang ngayon ay wala pa. Alam kong wala kaming kakayahan dumipensa o umopensa gamit ang kakayahan namin pero may sandata naman kami, pwede na yun kaysa wala, pero di ko alam na naduwag pala siya. Nandito na ko sa tapat ng pinto niya.

Blag*blag*blag* kinalabog ko na para mabilis ang pagbangon.

"sino bay an? Ang aga-aga pa." aba, maaga pa ba ang 9am, isang oras nalang mag-uumpisa na ang tag-battle siya naghihilik pa. wala pa nga kaming napaplano.

"Rizzy ikaw pala! Bakit?" hala. Kahit gulo-gulo ang buhok ay gwapo parin. Ano bay an, nakaboxer shorts lang. My God!

"baka gusto mo muna mag-short na ayos. Saka 9am na hindi ka padin bihis, isang oras nalang tag battle na." mukhang inaantok pa at hindi pa nagsisink in ang sinabi ko.

1

2

3

4

5

"WAAAAAAAAAAAH!!! Bakit hindi mo ko ginising?" sabi ko na nga ba. Kasalanan ko pa! tss.

"bilisan mo nalang at hihintayin kita dito." Sabi ko nalang. Sinarado niya ang pinto at natatawa nalang ako sa mga kalabog na naririnig ko. Marahil ay sa kamamadali niya kaya kung anu-ano na ang nabubunggo.

Makalipas ang 45 minuto ay lumabas na siya.

"napakatagal mo naman? Ano ka babae?" tinalo pa kasi ang babae sa tagal.

"tiyak ako na mas matagal pa kayo sa apatnapu't limang minuto. Dalawang oras pa nga kayo kung mag-ayos e." tama naman siya. "malelate na tayo kung hindi pa tayo tatakbo. Malayo pa ang training grounds uy!" oo nga pala!

"TAKBOOOOOO!!!!!" sabay na kaming tumakbo ng pagkabilis bilis.

PUSH'S POV

Nandito na kaming mga Legendary abiliters pati mga professors at headmistress sa training grounds para sa huling part ng Festival- ang tag battle. Nakikita ko na ang mga estudyanteng nakaupo by sections. Ilang minute nalang kasi ay magsisimula na. Isasara na sana ang gate ng training grounds ng makarinig kami ng sigaw . .

"sanda-hah-li la-hah-ng wag niyo-hoh munang isasara." Hinihingal pa siya at pamilyar ang boses. Kahit kalian talaga.

Nakapasok na ang dalawa at tama nga ako, si Nvrem ang isang sumisigaw at kasama niya ang makakapartner niya siguro sa laban. Naupo na sila ng hindi pinapansin ang mga nakatingin sa kanila. Magkahawak kasi ang mga kamay nila, marahil ay sa paghila lamang sa pagtakbo kaya ganon.

"mukhang kumpleto na kayong lahat. Maaari na tayong magsimula. Kayo ang pumili ng makakapareha niyo diba? Kami naman ang bubunot ng makakalaban niyo. Random ang gagawing pagbunot kaya pwede niyong makalaban kahit anong section. Lower section lang ulit ang pwedeng gumamit ng sandata, maliban sa mga may ability na weapon yielding ability. Umpisahan na natin sa higher section." Himala yata at sa higher section inuna ngayon. "Shadie and zeus vs. owww! Lower section. Chris ang john." Anunsyo ng headmistress.

Kilala ko si Shadie at alam ko ang kapangyarihan niyan. Si Jean naman ay mataas na level ng telekinesis. Nakita kong sinenyasan ni Shadie si Jean na siya na lamang ang lumaban, sumige naman ito. Hindi pa nakakakilos ang dalawang lower section ay biglang umangat at ibinagsak ng pagkalakas-lakas nalang sila. Buti nalang at nababalot ng magical item ang field na kapag nasa loob ka ay totoo ang sakit at sugat pero paglabas ay wala na ang lahat maliban sa lason. Naging maayos ang takbo ng labanan para sa higher class. Ngayon ay ang huling lalaban sa kanila ay si Minerva at Shin vs. Ayn na weapon manipulator at si Cindy na time manipulator, nasa middle class siya dahil takot siya manakoit samantalang pwede niyang gawin ang opensa at depensa sa parehong pagkakataon dahil sa ability niya, kaso nga lang ay takot siyang manakit, magiging magandang tandem ang dalawang yan. Pero paniguradong mananalo na naman ang higher section.

Cold weather. Sigaw ni Minerva, nagbago naman ang paligid at lumamig ng sobra. Kita ang panginginig ng katawan ng dalawang kalaban. Ngunit mali ang desisyon ni Minerva dahil hindi makakatakbo si Shin dahil sa yelong nabubuo.

Time stop. Pagkasabi ni Cindy niyon ay agad na huminto ang oras sa loob ng field. Agad naman iyong sinamantala ni Ayn at inilabas ang mga patalim niya.

Weapon storm. Kitang kita ang pagsayaw ng mga patalim niya sa hangin na animo'y tinatangay ng malakas na hangin ng bagyo. Nang mapansing puno na ng sugat sila Minerva ay sinyasan na niya si Cindy.

Back to present. biglang pumalahaw si Minerva sa sakit na naramdaman galing sa mga sugat maging si Shin ay hindi narin nagawang kumilos. Hanggang sa tumuba na ang dalawa.

"mukhang may panalo na! para sa unang panalo ng middle section, Ayn and Cindy. Good job!" sigaw ng headmistress. "dadako na tayo sa lower section dahil kokonti na lamang ang middle section kaya ang pagbubunutan natin ng kakalabanin ng lower ay ang higher." Kung kanina ay tuwa at pagkamangha ang makikita sa mukha ni Nvrem sa panonood kay Cindy, ngayon ay pumaibabaw ang kaba at takot. Marahil wala siya kakayahan panglaban.

Nakalipas ang maraming laban at tulad ng inaasahan ay talo ang lower section, pero bago sumuko ang isa sa lower section ay may sinabi muna sa kalaban na higher section.

"kung matatalo ng huli naming panlaban ang huling panlaban niyo, ay sa amin ang puntos at kami ang hihiranging panalo." –lower section

Tiningnan muna ng sa higher section ang mga kaklase at sinenyasasn siyang payag, dahil kompiyansa nga sila na mananalo.

"sige pumapayag kami. Pero kung kami ang mananalo ay kayo na mismo ang last placer kahit na mataas ang puntos niyo sa middle section."

"sige payag kami." Chorus nilang sagot.

"binabasbasan ko ang inyong usapan. Walang hindi pwedeng sumunod at umangal sa kalalabasan." Sabi ng headmistress. "tinatawagan ko ang huling lalaban sa higher section, van and sue. Sa Lower naman ay sina Nvrem at Rizzy."

Napansin ko ang pagkagulat ng mga nasa lower section dahil hindi birong kalaban si Van, siya ay walking venom o poison. Nagpoproduce ng lason ang katawan niya na kaya niyang ipanglaban at ipangsanggala. Si shue naman ay cloning ability kaya niyang padamihin ang sarili niya pero mataas ang ability niya ay kaya din niya gumawa ng clone na makakamukha ng ibang tao. Pang-uuyam at ngiti ang makikita sa mukha ng mga nabibilang sa higher section.

"ngayon mo subukang mambara, mr. bara!" sabi ni Shadie na si Nvrem pala ang pinariringgan.

Dumampot na ng sandata ang dalawa. Dalawa nalang ang natitira, isang bow and arrow at yung pagkalaking-laking ispada na kahit kalian ay wala pang gumamit. Mas pipiliin nalang nila lumaban pakamay kaysa hawaka ito, dahil mahirap bitbitin. Pero napalitan ng gulat ang takot na nakaguhit sa mga mukha namin ng makita iwinawasiwas ito ni Nvrem na parang isang maliit na patpat lamang. Kahit papano'y may laban na sila.

"umpisahan na ang laban." Sigaw ni Headmistress.


The Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon