- CHAPTER TWENTY -

36 3 0
                                    

NVREM'S POV

Nakahanda ng sumugod sa amin ang dalawang higher class. Tumatagtak na ang pawis ko dahil sa kaba na bumabalot sa aking dibdib. Sa amin nakasalalay ang lahat ng puntos namin, at mukhang iyon ang napapadagdag sa kaba ko. Maaaring ito na ang huling pagkakataon kong makita ang mundo. Tulad nga ng nakikita, ang sugat o sakit ay mawawala kapag lumabas ka na ditto sa field pero ang lason ay hindi. Lalo na at hindi ko alam kung magagamit ko pa muli ang kakayahan ko.

"kaya mo yan Nvrem! Go. Go. Go. Fighting!" hindi ko inaasahan ang sigaw niya. Akala ko'y sila Nicky pa ang maririnigan ko nun pero hindi pala. Ang babaeng iyon.

"that talkative lady." Biglang nabawasan ang akong kaba. Hindi ko maitatanggi na malaki na ang epekto niya sakin. Sa tagal na hindi ko siya nakita ay parang hinahanap ko na siya. Idagdag mo pa ang lakas na loob niyang tawagin ako sa first word ng pangalan ko, may bagong tampon a naman si Mouse tiyak. Mukhang ..

Poison bomb. Narinig kong sigaw ni Van.

"lumayo tayo Sky, sumasabok yan!" agad naman kaming tumalon palayo. Ngunit pagkabagsak namin sa lapag ay marami na kaming nakitang Shue, malamang ito ang ability niya. Ginamit ni Rizzy ang mga palaso niya para tirahin isa-isa ngunit parang hangin lang itong nawawala. Marahil hindi iyon ang tunay. Naramdaman kong may parating na enerhiya sa akin kaya tumalikod ako para harapin, laking gulat ko na hindi pala tao kundi isang bola ng lason katulad ng inilagan namin kanina. Pero huli na kaya ihinarang ko nalang ang aking ispada.

Blag! Tunog ng tumamang bola sa ispada ko. Nakakapagtaka lang na sumabog yun at nalanghap ko pero hindi ako natablan marahil ay hindi rin ako tinatalaban ng lason dahil kaya kong gamutin iyon. Nabalot ako ng usok sa tindi ng pagsabog ng lason.

"paano ba yan Rizzy? Mukhang ikaw nalang ah! Sayang at nawala pa kasi ang ability mo. Hahahaha! Sa amin na ang puntos niyo ngayon." Rinig ko ang bawat salitang yun. Ibig sabihin ay may iba pa siyang ability. Oras na manalo kami, kailangan magkwento siya sakin.

"mukhang may dapat kang ikwento sakin mamaya Rizzy kapag nanalo na tayo." Sabi ko habang naglalaho na ang usok. Inilagay ko ang ispada ko sa balikat para mukha akong astif na warrior. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Van, mukhang hindi niya talaga inaasahan. "masyadong mahina ang bomba mo. Siguro dapat mo munang gamitin ang itinatago mong technique bago ako matalo." Nagbago ang emosyo niya at ..

"kung hindi kita matatalo agad, uunahin ko siya." Sabay turo kay Rizzy. "hawakan mo siya Shue." Agad naman na tumalima ang madaming Shue at hinawakan siya ng mahigpit. Hindi magawang magpumiglas ni Rizzy.

"Sky tulungan mo ko!" nagpakawala ng napakaraming bolang lason si Van at pinakawalan papunta sa babae.

"HINDI!!!!!!!!!" sa tindi ng emosyon ko ay agad kong inihagis ang hawak kong ispada na hindi iniisip na maaaring tamaan ang hawak nilang si Rizzy. Umikot ikot ang sandata ko sa ere at saktong pagtapat nit okay Rizzy ay nasangga nito ang mga bolang lason na tila huminto mismo ng matagal dun at ng maubos ang mga bola ay tumuloy sa pag-ikot at tumama sa harang ng field.

Tsug! Klak! Tunog ng nabasag na harang. Ganon ba kalakas ang pagkakabalibag ko. Nakita ko na napaurong ang dalawa naming kalaban at agad na tumakbo sa tabi ko si Rizzy.

"okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"oo. Salamat! Pero paano mo nagawa yun?" tanong niya sa akin. Paano nga ba? Ibinalibag ko lang yung ispada tapos ayun na.

"tsamba lang yun! Hahaha." Mapang-asar na sabi ni Shue.

"tsamba man yun o hindi. Nagawa kong pigilan ang plano niyo. Handa kayong kumitil ng buhay para lang manalo. Walang kwentang mga tao." Nang-galaiti si Van at Shue sa tinuran ko.

"wala kang karapatang sabihan kami ng ganyan. Ginagawa namin 'to para sa kanila." Tukoy niya sa mga kaklase niya.

"kaya okay lang na may mapahamak. Pwes! Gnagawa rin namin 'to para sa kanila." Matigas kong salita.

"then you live me no choice but to poison the both of you." Nangingisi pa siya habang sinasabi ang mga katagang yan.

"mukhang hindi mo magets nu?. Hindi ako tinatablan ng kakayahan mo dahil ako mismo ang lunas sa lason mo." Taas noo kong sabi.

"dapat ko ng gamitin ang pinakamatindi kong lason." Hindi pa kami nakakapagsalita ay sumigaw na siya.

Poison no duration. Ano naman kaya yun?

"walang lunas ang lason na yan Nvrem, pagtumama sayo yan patay ka agad. Kaya tinawag niya yan na no duration." Bulong niya sakin. Hala! Kinabahan na ko habang naiipon ang mga hugis oblong na lason sa paligid niya. Kaya pala may no duration sa pangalan. Dahil wala na kong magagawa ay ikinubli ko nalang si Rizzy sa likod ko. Sakaling hindi umepekto sakin ay ligtas kami parehas.

"jan ka lang sa likod ko! Wala na kong magagawa, ayoko naman makitang ikaw ang namamatay. Basta wag kang kikilos. Kung mabuhay ako ay ikekwento mo sakin ang ability mo talaga at susubukan nating ibalik, kung maaari." Sabay ikinubli ko na ulit siya.

"Nvrem lumabas na kayo jan." narinig kong sigaw ni Nicky at Mouse.

"ayos lang ako! Gampanan niyo ang responsibilidad niyo ha! Salamat." sigaw ko at saka ng okay sign at ngumiti sa kanila. Kung ito man ang huling makikita ko sila gusto ko maiwan sa kanila ang ngiti ko.

Walang pagkasabi-sabi ay ibinato lahat ang mga lason sa amin Van. Pumikit nalang ako at hinintay na ang napakaraming lason na parating. Daan-daan o baka libu-libo pa nga sa aking tantya. Ilang Segundo na ang nakakalipas ay wala paring tumatama sa akin kaya naisipan kong buksan ang aking mata.

"huh? Ano 'to?" may liwanag kasing humaharang sa amin ngunit malapit na rin itong mabasag dahil may crack na. walang anu-ano'y pakiramdam ko'y may enerhiyang dumaloy sa kamay ko at pilit itong gusting iangat.

"Sky, ang mga kamay mo nagliliwanag." Pagkasabi niya nun ay sinubukan kong itaas ito. Nagliwanag ito ng husto at maya-maya ay may mga liwanag na lumabas na tila tentacles ng octopus na pinaglalaho bawat lumalapit na lason. Inikot ko ang paningin ko at lahat ng estudyante ay nakanganga at nakatanghod. Maski ang dalawa naming kalaban ay ganoon din. Marahil ay ito ang kakayahan kong pawiin ang lason at nagsaanyo sila ng ganito bilang pang-depensa at opensa. Naubos na ang mga lason at nakita ko ang isang liwanag na patungo kay Van.

"tigil!" pinilit kong patigilin ngunit hindi ito sumusunod sa akin. Hanggang sa maabot nito si Van at nilukob ng buong liwanag. Pagkatapos ay nawala ang pagkaiba ng kulay ng balat niya. Siguro ay nawala na ang lason sa katawan niya na ang ibig sabihin ay normal na siya at wala ng ability.

"anong ginawa mo sa akin?" pasigaw niya na sabi at agad na inilahad ang kamay para subukan kung may magagawa pa siyang lason ngunit wala na.

"wala na ang lason sa buo mong katawan. Natanggal na 'to. Hindi ba dapat magpasalamat ka pa sa akin dahil mamumuhay ka na ng normal. Mahahawakan at makakahawak na ng iba. Hindi mo na rin magagawang kumitil ng buhay tulad ng kagustuhan mo ngayon." Agad siyang nagtatakbo sa aking ispada at binunot ito. "huwag. Kakawala ang natitira pang usok ng lason at buong paligid ay maapektuhan." Pero bago pa man matapos ang sasabihin ko ay nabunot na niya ngunit hindi niya maiangat.

"ang mga estudyante! Protektahan sila sa lason." Nakita ko si Mouse na gumawa ng maliit na ipo-ipo upang mahatak nito ang ilang usok. Ngunit hindi sapat dahil marami parin ang naglalakbay sa paligid. Gumawa na rin ng shield ang mga paqngdepensa sa middle class para sa kaligtasan ng maramni. Ngunit parang may mga buhay ang mga usok at tila tinutusok o binabasag ang mga shield.

"TINGNAN MO ANG GINAWA MO!! BUONG ESKWELAHAN AY GUSTO MONG PATAYIN. UMALIS KA NA BAGO KA PA NAMIN MAPATAY." Pagbabanta ko sa kanya. Agad naman siyang nagtatakbo palabas at hindi alintana ang mga estudyanteng nahihirapan na sa paghinga. Nabasag narin ang ibang shield at ang mga estudyante ay nagsihandusayan na sa kanilang mga pwesto.

Bangungot na masasabi ang pangyayaring ito. Hanggang dito na lang ba ang buhay ng mga estudyante ng SNAA. Paano na ang kinabukasan ng Elemajika?


The Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon