- CHAPTER THIRTY ONE -

28 1 0
                                    

Nvrem's POV

Kalagitnaan na ng huling araw ng aming pagsasanay. Marami kaming natutunan na mga atake tulad ng pagsasama ng dalawa o higit pang elemento para dumoble ang lakas. Marami narin kaming alam na Spells ng kakambal ko. Minadali ang pag-eensayo sa amin dahil sa nangyari nung nakaraan namin ensayo habang papunta kami sa cafeteria.

*flashback starts*

Habang papunta kami sa Cafeteria ay napadaan kami sa mapunong parte ng eskwelahan.

"diba estudyante yun?" turo ng kakambal ko.

"estudyante nga! Anong ginagawa niyan jan?" tanong ko naman.

"nagpapahinga lang siguro! Tara na. gutom na ko." Cool na sabi ni Nicky. Sabay na humakbang na.

"teka! May mali dito." Agad na pinuntahan ni Shainee yung estudyante. "wala ang kaluluwa niya sa katawan niya at unti-unti na ding nauubos ang enerhiya sa katawan niya."

"ha? Paanong nangya—''

"dark abiliters!" mariin na sabi ni Putt.

"dalin na natin siya sa Infirmary. Naibalik ko na ang enerhiya niya." Sabi ni Ice.

Sa Infirmary ..

"ang reapress ang may gawa nito!" sabi ng doctor na sinang-ayunan naman ni Lolo Eriyad.

"Reapress?" puno ng pagtataka namin ng kakamabal ko.

"reaper talaga yun! Kaso babae siya kaya ginawa niyang reapress, may kakayahan siyang kunin at ikulong yung kaluluwa ng isang nilalang. Pero hindi agad namamatay ang kukuhanan niya dahil naiiwan ang enerhiya nito sa katawan ngunit sa oras na maubos na ito, mamamatay na din siya. Maswerte ang estudyanteng ito at nakita niyo siya." Mahabng tugon ni Lolo.

"anong itsura niya?" tanong ko.

"wala pang nakakakita. Pero anak siya ng namumuno sa Moonsoroe at marahil kamag-anak mo ito."

"sila Mia at May. Alin sa kanilang dalawa." Kaya naman pala parang nakokontrol niya dati sila Nicky.

"sige na! kumain na kayo at magpahinga." Sabi ni Lolo.

"sige ho 'Lo."

*flashback ends*

" ayyy 'Lo may nakalimutan pala kong itanong sayo." Sabi ko.

"ano yun apo?" nagtataka niyang tanong.

"ah! Eto po kasi." Inilabas ko yung wand at baston mula sa kamay ko pero tanging yung baston na lamang ang lumitaw.

"ang moon septer! Saan mo nakuha iyan?" mukhang nagulat si Lolo.

"nung namasyal po kami sa Enchanted Market. Nakuha ko 'to dun sa baul na ayaw daw mabuksan sabi ng may-ari. Iniwan lang daw ng mag-asawa doon. May kapartner nga itong wand na may araw kaso wala na sa akin." Paliwanag ko.

"ito ba yung sinasabi mo?" singit ni Shainee sa usapan habang hawak na ang wand.

"yan nga! Siguro'y kasama na din nung ibinalik ko sa iyo ang kakayahan mo." Tiningnan ko si Lolo. "para sa amin po ba talaga ito lo?" tanong ko.

"sa inyo nakalaan ang mga iyan. Ang moon's septer at sun's wand. Kasabay ng pagsilang sa inyo ay ang matinding pagtama ng liwanag ng buwan at araw sa isang bumagsak na bulalakaw, nabuo ang dalawang makapangyarihang sandata. Ngayon ay dapat niyo dagdagan ang pagsasanay niyo."

"bakit ho?" sabi ni Shainee.

"dahil ang mga bagay na iyan ay magbibigay sa inyo ng kakayahang gumamit ng ibang spells na hindi lamang galing sa buwan at araw. Kahit anong spells ay magagawa niyo na." tugon ni Lolo.

"sumama kayo sa akin sa Library. Magsasaliksik tayo." Utos niya. "kayong mga natira, bumalik na sa kanya-kanyang dorm."

"teka lang po 'Lo. Pagkakatanda ko ay may nakuha rin kaming Boomerang na may tatlong talim noon." Sabi ko.

"nasaan yun?"

"na kay Cindy po." Sabay tingin ko kay Cindy na parang kinakabahan. Sanay na siyang lumaban simula ng training namin. Hindi nga lang ganon kabrutal ang pakikipaglaban niya.

"yun ay ang moosun's boomerang! Nagpakawala ng liwanag ang dalawang sandata na nasa inyo, nagtama ito at nabuo ang boomerang na iyan. Ang sabi ng mga ninuno ko ay magkakaroon ng malaking connection sa buhay niyo ang taong dapat mag-may-ari niyan. Kayang hiwain niyan ang kahit ano maging ang Luminescence shield na ginagawa niyo kaya maswerte tayo dahil nakuha niyo bago ang mga kalaban." Kahanga-hanga naman pala ang mga sandatang ito."sumama ka na sa amin Cindy."

"sige po."

"balik na kayo." Utos ulit ni Lolo.

Shainee's POV

Nandito na kami sa library nagbabasa na kami ng spells na dapat namin matutunan samantalang si Cindy binabasa yung libro ng Moosun's boomerang.

"Nvrem, tingnan mo 'to." Sabay turo ko sa kanya nung spell na nakita ko.

Servanduk. Nakita kong umilaw ang mga librong nasa harap ni Nvrem at may mga letrang lumutang sa ere at nagsisipasok sa ulo niya.

"ang daming spells! Nasa utak ko na agad silang lahat." Sabi niya sa akin.

"servanduk. Ang spell na ito ay tumutulong upang makuha lahat ng impormasyon sa libro at mananatili na sa iyong kaisipan." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Marahil binasa na naman niya ito ng puno ng konsentrasyon. Lagi nalang talaga siya di nag-iingat sa pagbabasa ng spells.

Servanduk. Napuno din ng impormasyon tungkol sa mga spells ang isip ko.

"tinamad na naman kayong dalawa!" singit ni Lolo sa aming dalawa.

"e ang dami naman kasing dapat tandaan Lo. Hehehe." Sagot ko sa kanya.

"sige na! dumidilim na rin naman. Bumalik na kayo sa mga dorm niyo." Tumingin siya kay Cindy. "okay nab a ang binabasa mo?"

"opo 'lo." Sagot nito. Nakita ko naman ang pag-guhit ng ngiti sa labi ni Nvrem.

"sige na. halika na kayo!" pagyaya samin ni Lolo.

Habang naglalakad kami pabalik sa mga dorm, nagkukulitan yung dalawa sa likod ko.

"lolo na tawag mo ah! Ibig sabihin ba niyan ay... yiiiiiie!" sabi ng kakambal k okay Cindy.

"malamang! Alangan naman tawagin ko lang sa pangalan niya." Tugon naman ni Cindy.

"nako! Deny pa more. Hahahaha."

"tumigil ka na nga! Hmp."

"haha. Hatid na kita sa dorm niyo." Alok ni Nvrem.

"paano si Shainee?"

"okay lang ako! Kaya ko na sarili ko." Tugon ko, nginitian ko din siya as an assurance.

"sige! Bye. Ingat." Sabi ko.

Wala naman siguro masamang mangyayari sa akin. Tumutuloy ako sa Dorm din ng Legendary Abiliters.




The Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon