[ 1 ] Queen B¡tch

142 7 1
                                    

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

"I already terminated your contract."

I stated coldly, my face void of any emotion. Halata ang sobrang pagkagulat ng babaeng kaharap ko dahil sa biglang paglaki ng mata at pagkaputla niya. Pero wala na akong pakialam. I don't even remember her name, since she only lasted for three days.

"A-ano?"

I didn't bother answering, and instead placed an envelope on top of the table. Ang ayoko sa lahat e yung kelangan pang ulitin ang kasasabi lang.

"This envelope contains your payment and the termination sheet. Since you didn't last until the payment period, this is only worth the hours you spent with me, but I hope it'll suffice." Nanatili lang siyang nakatitig sa'kin, na parang iniisip kung seryoso ba o nagjo-joke lang ako. "Oh, and you may take your coffee as you leave."

I motioned at the Caramel Macchiato that I bought for her. Ilang segundo din ang lumipas bago mag-sink in sa utak nya ang nangyayari, at dahan-dahang napalitan ng inis ang mukha niya.

"Terminated? Ganun-ganun na lang?" Sa bawat salita, lalong lumalakas ang boses nya, kaya nagsimula kaming pagtinginan ng mga tao dito sa Starbucks. Good. Grab all the attention to yourself, and in the end, tingnan natin kung sinong mapapahiya.

"Aba mawalang galang na lang, Miss Kate, pero sawang sawa na ako sa ugali mo! Tingin mo, porke sikat at makapangyarihan ka, pwede mo nang tapak-tapakan na lang ang kahit na sino? Kung gaano ka-perpekto ang itsura mo, ganun naman kabulok ang ugali mo! Tapos ngayon, You terminate the contract even walang reason? Grabe, napaka-immature mo din naman pala!"

At this point, lahat ng tao nakatitig na sa amin. I wasn't ashamed, though. Dahil hindi naman ako ang nagmumukhang ugaling gold-digger dito. Pa-konyo pa, halata namang pilit.

Calmly, I took out my phone to play a video I just recieved last night. Sinigurado kong naka-loudspeaker at full volume, para sumuot sa kasuluk-sulukan ng tenga nya. Para na rin mapanood nya ang sarili nyang binabackstab ako kasama ng mga kaibigan niya.

"Talaga bes? Seryoso ka???"

"Oo nga!" Sabi niya, at nagtawanan sila.

"Grabe, sigurado ka bang matitiis mo yung ugali ng Queen B*tch na yun? Balita ko wala pang nakakatagal ng one week dun ah!"

"Oo naman, ako pa! Kung maldita sya , aba, mas maldita ako sa kanya!"

Edi wow.

"Ano bang naisip mo at pinatulan mo yung kontratang yun?"

Lumapit sita sa mga kaibigan niya na kala mo may ibubulong. Pero sorry sya, naririnig pa rin sa video.

"May benefit na pwedeng makipag socialize sa mga artista. Eh diba, ang nakakahalubilo nun eh puro mga model? Malay mo, dun ko mahanap ang forever ko!"

Nagtilian sila, at pinatay ko na ang video bago pa dumugo ang tenga ko. Dahan dahan siyang napatingin sa paligid, na parang biglang na-conscious na nasa kanya lahat ng atensyon ng mga tao. Hindi na rin siya makatingin ng diretso sa akin. I know that she's wondering how I was able to capture that on tape. Knowing that I'm quite a powerful person, she should have known that I have eyes and ears everywhere. Kung balak nya akong i-backstab, dapat naging mas maingat siya.

"I won't say this again. Take the envelope, your coffee, and leave."

Nagmamadali siyang tumayo, and finally, nawala na ang dakilang backstabber. As I focused my gaze on the table, I could hear the other people mumbling things about me. But I don't give a damn. Sa ganyan lang naman sila magaling: ang pagbulungan ang ibang tao.

Kung ako lang sana ang masusunod, hindi na ako mag-aaksaya ng panahon sa contract crap na ito. Si Daddy lang naman ang nagpupumilit na maghanap ako ng kaibigan, kasi kailangan ko daw yun para hindi maging "lonely." Mas gugustuhin ko pang tumira na lang mag-isa sa isang isla, kaso kung hindi ako mag-eeffort na maghanap ng "friend," pipilitin niya akong makipag socialize sa mga anak ng business partners nya na bratinella din katulad ko.

In fact, it doesn't even matter who's rich or poor, famous or not. Pare-pareho lang sila. Sasabihin nilang kaibigan mo sila, pero sa likod mo, sila din ang humahatak sayo pababa. Mga plastik.

Mga manloloko.

So yes, I am aware that this whole "Wanted: BFF" contract is just a waste of time. There's no such thing as a "best friend."

At mas lalo nang walang forever.

*~KRIIIIIIIIIIIIIING~*

Muntik na akong mapatalon sa upuan nang biglang mag ring ang other phone ko. Anu ba yan, feel na feel ko na yung moment eh.

"Hello, is this Miss Kate Villanueva?" Bungad ng isang boses na hindi ko maintindihan ang accent. Iniisip ko na din na either about modelling or the contract ito, dahil for business matters lang naman itong phone na to.

"Yes I am. What is this about?"

"Is the job position open?"

Parang binuhusan ako ng mainit na tubig sa mabilis na pagbalik ng init ng ulo ko. Pustahan tayo stress nanaman ang abot ko dito. But then, business is business.

"Yes it is."

"Then I would like to apply as your best friend."

"Send your biodata to my e-mail. Then meet me at Starbucks Argonaut tomorrow morning, 7 a.m sharp. Don't be late."

I hung up, and then took a deep breath.

Heto nanaman tayo.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

[A/N]: Kaway kaway sa dinugo ang ilong sa english ni Miss Kate. 👋😂 Salamat din kay torimoii sa pagsuporta dito. Labyu bhe! 😍

[ WANTED: BFF ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon