•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
You would have never guessed where I am.
Nandito ako ngayon sa main hallway ng Languages building, naglalakad papunta sa room kung nasaan si baklita. Nakatanggap kasi ako ng "urgent call" mula sa agency kung saan lahat ng models ay required pumunta, at gusto kong isama si baklita. Para just in case na makita ko nanaman duon yung impakta Cassandra kasama yung mga alipin nya, kahit paaano ay may kakampi ako kung may gawin nanaman silang kabalbalan.
And yes, hindi ako galit sa ginawa ni baklita last Saturday. However I see it, beneficial sa amin ang naidulot ng pagmaldita-mode nya. Firstly, ang ineexpect nilang mangyari ay ako ang magtataray sa video para full blast ang paninira nila, pero dahil nga si baklita na ang gumawa nun, somehow, naligtas ako.
Secondly, sobrang "on point" ang mga sinabi ni baklita. He basically revealed their dirty trick so there is a chance that they wouldn't release that video at all. Syempre, hindi nila iri-risk ang kalinisan nila para lang duon.
And thirdly, because they were caught off guard, hindi na sila nakagawa ng paraan at nag walk-out na lang. Hence, they lost this round.
Kaya nga lang, for sure kinamumuhian na rin ng impakta si baklita dahil kinalaban sya nito. Surely, susubukan na nilang idamay sya sa plano nilang pabagsakin ako.
Pero teka.
Bakit nga ba ulit ako ang pupunta kay baklita ngayon imbes na sya ang pumunta sa akin?
Ang haba-haba ng hallway na to, ha. Ang swerte nya namang nilalang na ako mismo ang susundo sa kanya lalo na't naka high heels ako!
Ah, oo nga pala. Naisipan ko kasing mag-surprise visit, para makita ko kung anong klaseng tao sya kapag wala ako. Dahil alam nyo na, baka kasi backstabber din pala sya.
At bakit nga ba hindi ko na lang ipa-observe sya sa private investigator ko?
Kasi bored ako. At wala ako sa mood mag-Starbucks, nag kape na ako kanina.
When I arrived in front of their room, I saw through the glass windows that their class was still ongoing. Mabilis ko namang nakita si baklita dahil nakaupo sya sa frontmost row. In fact, sya lang ang nakaupo sa frontmost row. Habang sya, busy sa pakikinig sa prof while taking notes, ang ibang kaklase nya naman ay naka-kumpol sa bandang likod habang nagchichismisan.
I was honestly surprised. I didn't expect him to have that much friends, but still, I thought maybe at least he goes along well with his blockmates. I mean, kahit na naiirita ako sa pagka-jolly nya, baka naman para sa "average" people ay considered syang masaya kasama. Yung tipong hindi nauubusan ng kwento at laging may mga banat na magpapatawa sa grupo. Yung kahit na nonsense na ang sinasabi nya, ok lang kasi enjoy sila sa company ng isa't isa?
So why exactly am I seeing him as a loner right now?
And why the hell is he wearing a neon yellow shirt?!!!
"Ay, si Miss Kate..."
I heard someone whisper, making me snap out of my thoughts. I looked up and realized that their class has ended, at lumalabas na ang mga students mula sa classroom. Ako kaagad ang nakikita nila kasi duon ako nakasandal sa railings sa harap mismo ng pinto, kaya medyo nakakatawa silang tingnan pag nagugulat sila sa presensya ko at mabilis na umiiwas ng tingin. Nang si baklita naman na ang lalabas, hinanda ko na ang nakataas kong kilay para i-confront sya.
Kaso hindi nya ako nakita.
Kasi busy syang mag-ayos ng notebook sa bag.
Ibang klase talaga itong taong to, ano.
BINABASA MO ANG
[ WANTED: BFF ]
HumorKung may isang kontrata kung saan pwede kang magkaroon ng libreng damit, makakilala ng mga sikat na tao, at makatikim ng kape ng Starbucks, tatanggapin mo ba? Pero paano kung ang ibig sabihin nito ay maging best friend ka ng isang mayaman at sikat...