•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
"Huhh? Pero may pasok ngayon diba? Paano na yung mami-miss na lessons? Paano kung may quiz?"
Tuloy-tuloy na tanong ni bakita kahit na nasa loob na kami ng sasakyan. Ewan ko ba kung ano pang problema nito. Pinaliwanag ko naman na sa kanya na naisend na ng principal sa e-mail naming dalawa ang lessons at extra worksheets sa lahat ng subjects namin, in compensation for our absence. Which means, excused na kami for the whole day. Ganito naman lagi ang protocol tuwing kailangan kong mag-absent due to my career. After all, ako din ang model ng school kaya hindi na mahirap pakiusapan ang principal.
Mas napadali lang ang proseso ngayon dahil sa Prime University lang din nag-aaral si baklita, at parehas pa kaming Mass Communication ang tine-take. So obviously, he should be acting the way students from a prestigious school should act like.
Pero eto, ngawa pa sya ng ngawa na kala mo nakalunok ng megaphone. Di kaya napitog ulo nito nung pinanganak kaya nagkaganito?
"Mukha lang akong ganito pero girl wag ka, dean's lister ako! Priority ko ang pag-aaral ko kaya distractions are no no no! So when I graduate, I can have a stable job, and even in small ways I can contribute to the development of my country and the betterment of the future for the sake of the next generation to come! That is all thank you!"
At binuksan pa nya ang bintana ng sasakyan para kumaway kaway na parang beauty queen sa mga taong naglalakad.
"Close the window and stop acting so immaturely!"
Isang matinding death glare and binigay ko sa kanya, pero tinaasan nya lang ako ng kilay.
"Ay grabe. Eto naman high blood agad! Bawas bawasan din ang pagkakape, ne?"
What the--?!
"Excuse me?" Sa dinami-dami ng taong nakasalamuha ko wala pang nambastos sa akin na ganito! "Don't you realize who you're talking with? Just to remind you, you've signed the contract just ten minutes ago and you are required to respect me as your employer!"
"Girl, just to remind you, ang pinirmahan ko ay agreement na maging bestfriend mo. Kaya relax ka lang! Dapat ineenjoy mo to, hindi naman to formal business!"
I opened my mouth to retort, but then realized he had a point. Well, he wasn't actually breaking any rules. Medyo na culture shock lang siguro ako dahil ngayon ko lang naka-up close and personal ang species nya. Well then, pagbigyan.
"Whatever. Just make sure you act professionally later on." I muttered, at tumango lang sya. Tapos inutusan ang driver na magpatugtog para mag lip sync kay Ariana Grande. Mga 20 minutes din yata nagtagal yun, at buti na lang malakas ang self control ko kung hindi, tinadyakan ko na sya palabas dahil sa sobrang kasat nya. Parang may bulate sa pwet!
Nang naka-park na kami sa entrance ng modeling agency, tinitigan kong mabuti si baklita. Yung titig na tagos hanggang kaluluwa.
"Listen to me, baklita."
"Shane." He corrected. I just rolled my eyes.
"This is a professional agency, so I expect you to act professionally. Everyone will judge your every move, so don't do something stupid. If you ever do something that will put my career in danger, I won't hesitate in terminating the contract, understood?"
Tumango lang sya at nag-ok sign. I stared at him for a few more seconds, and when satisfied, I stepped out of the car and motioned for him to follow. Ilang beses na akong pumasok sa building na ito, pero hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala sa kung gaano nakakapanlinlang ang lugar na to. It feels sleek, modern, and friendly; na tipong kapag pumasok ka, babatiin ka nila ng matamis na ngiti at aalukin ka ng tinapay at kape. But believe me.
This place is hell.
"Good morning Miss Kate," bati ng receptionist, pero di man lang nag effort ngumiti. Tumango lang ako.
"He's my personal assistant." Sabi ko na lang para hindi ipaiwan dito sa lobby si baklita. Bawal kasing pumasok sa loob ang mga taong wala namang kinalaman sa agency. Tinignan muna sya ng receptionist mula ulo hanggang paa, at tumango lang.
"Miss Kate, you have a photoshoot with Dernier Magazine, scheduled at 9 a.m. Please proceed to the white room for your preparation."
Tumango lang din ako at dumiretso na. Nang medyo malayo-layo na kami sa reception, bumulong si baklita.
"Akala ko ba best friend ang role ko dito?"
"Just shush." I hissed. "I'll explain later on. For now, hold all my valuables and make sure all of my things are secure while I'm in the photoshoot. Act useful."
Pagpasok namin sa white room, lumapit kaagad sa akin ang assistants para simulan akong ayusan. Iniwan ko kay baklita ang personal stuff ko, at mukhang na gets naman nya ang gusto kong mangyari dahil kinareer nya ang pagiging personal assistant. Taga-abot ng tubig, taga-punas ng pawis, at aba, taga paypay pa! In fairness, fast learner si baklita!
Nang magsimula na ang photoshoot, nanduon lang sya nakaupo sa isang sulok, malapit sa kumpol ng assistants at interviewers--most probably from the magazine--na nag-aabang matapos ang photoshoot para ma-interview ako. Parang naka-glue na yata sa akin ang mga mata nila dahil sa sobrang pagka-titig, but I'm already used to it. I'm also guessing that they're already gossiping about me.
Never the less, everything was going well. Halos patapos na din ang photoshoot dahil nasa last set of clothes na kami. But then at some point, lumabas ng white room ang dalawang interviewer, at sumunod sa kanila si baklita.
"Miss Kate, look at the camera!"
'"Ah... sorry..." Pinilit kong mag concentrate sa photoshoot, but for some reason, I felt like something was not right... Napakunot ang noo ko. Bakit umalis yun? Malinaw na bilin ko, bantayan yung gamit. O baka kumuha lang ng tubig? Pero may tubig dito sa loob ah?
"Okay, that's a wrap! Good job, Miss Kate!" Puri ng photographer, at dali-daling lumapit ulit ang assistants para alalayan akong magbihis sa dressing room. Dumating ang isang resident manager ng agency at lumapit para i-review ang schedule ko.
"Miss Kate, I just came from the office and your interview with Dernier Magazine has been approved. It should start about ten minutes from now. So far, you have no more schedules for today." Tumango lang ako, at umalis na din sya kaagad para i-prep yung interviewers, most probably. Dapat relieved na ako dahil tapos na ang photoshoot, pero eto, nagaalala ako dahil hanggang ngayon di pa rin bumabalik si baklita. Baka kung ano nanaman ang ginagawa nun.
"Asan na ba yung interviewers? Pinaghihintay nila si Miss Kate! How unprofessional of them!"
Narinig kong sigaw ng manager mula sa labas ng dressing room, nang hindi pa rin dumadating ang interviewers ten minutes later. Dito kasi sa agency, it doesn't matter if you're a minute late or an hour late. Tardiness is unforgiveable and considered unprofessional. Sa fashion world pa naman, kailangan mong ma-maintain ang isang malinis na pangalan para manatili ka sa tuktok. Dahil madaming nag-aabang na magkamali ka para makuha nila ang pwesto mo.
Sabi nga nila, everyone can be easily replaced.
"Uh, s-sir," Kabadong sagot ng isang babaeng assistant. "May situation po sa may tapat ng female restroom. Involved po yata yung interviewers at isang bading na naka neon green."
Pakiramdam ko, naglaho lahat ng dugo ko. Ilang minuto ko pang pinag-isipan kung tama ba ang kutob ko, o masyado lang akong paranoid.
Pero sa huli, nasunod pa rin ang kutob ko.
Without even realizing, I started running towards the restroom. I can't be mistaken. Si baklita ang tinutukoy nya, at kailangan kong makita kung anong kalokohan ang ginagawa nun.
Anak ng tokwa naman oo. Makita lang kitang baklita ka, pepektusan talaga kita sa singit.
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
BINABASA MO ANG
[ WANTED: BFF ]
HumorKung may isang kontrata kung saan pwede kang magkaroon ng libreng damit, makakilala ng mga sikat na tao, at makatikim ng kape ng Starbucks, tatanggapin mo ba? Pero paano kung ang ibig sabihin nito ay maging best friend ka ng isang mayaman at sikat...