Unang una sa lahat, masaya po ako at napagdesisyunan nyong basahin ang munting storya ko. Ngunit may ilang paalala lang po ako upang maiwasan ang misunderstanding at ma-enjoy natin ng lubusan ang pagsubaybay sa talambuhay ni Miss Kate (featuring ang kanyang munting kaibigan).
♕ Ang pangunahing tauhan dito ay isang bida na kontrabida. Kung mas gusto nyo ang storya na ang bida ay isang taong ginintuan ang puso na mabait sa lahat ng tao, imbes na isang mayamang bratinella na mapaglustay ng pera at sarili lang ang iniintindi, malamang hindi ito ang storyang para sa inyo.
♕ Ang storyang ito ay Taglish. Kung naiirita kayo sa mga taong taglish o konyo magsalita, I suggest you stop reading now before we make away-away. Pero kung ok lang naman sa inyo pero hirap umintindi ng english, magready na lang siguro ng dictionary at tissue dahil ang ating bida ay mayamang sosyalin na madalas mag-english.
♕ Maaaring magkaroon ng konting cuss words. Hindi naman madalas, pero hindi maiiwasan na magkaroon. Kaya kung ayaw nyong makabasa ng ganun o pinagbabawalan kayo ng nanay nyo, wag nyo na muna po itong basahin. Kapag pinayagan na kayo ng nanay nyo, sige balik na lang po kayo.
♕ Hindi ko po ito ginaya sa libro ni miss simplychummy na Avah Maldita. Bago ko pa man matuklasan si Avah Chen, nasimulan ko na po ang WBFF sa Wattpad at buo na sa utak ko ang plot nito. Sadyang may pagka-tamad lang po talaga ako kaya ilang bwan bago ko pa naisipang ipublish. May makita man kayong similarities between characters, I assure you na iba ang mga purpose nila at ibang iba rin ang plot ng WBFF. Aminado naman akong wala pang kalingkingan ni Avah ang katarayan ni Miss Kate. Si Avah pa rin ang reyna ng lahat ng maldita.
Yun lang naman po ang paalala ko sa ngayon. Kung mayroon po kayong katanungan o hinaing, maaari po kayong mag-comment o i-message na lang ako. Hindi naman po ako snobber tulad ni Miss Kate. Approachable at friendly po ako. 😜
| WANTED: BFF | ©2016 | Euwonlol | All Rights Reserved |
BINABASA MO ANG
[ WANTED: BFF ]
HumorKung may isang kontrata kung saan pwede kang magkaroon ng libreng damit, makakilala ng mga sikat na tao, at makatikim ng kape ng Starbucks, tatanggapin mo ba? Pero paano kung ang ibig sabihin nito ay maging best friend ka ng isang mayaman at sikat...