•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
I don't remember when was the last time I saw those kind of eyes.
After all the years I've spent in this despicable world, I already could tell the difference between the eyes of the bad and the eyes of the good. And this guy's eyes--those clear baby blue eyes--reflected pure innocence, sincerity, and kindness.
He looked like an innocent lamb lost in a den of bloodthirsty wolves.
"Ah, andito na pala yung sundo ko." Pabirong sabi ni baklita, at duon lang natigil ang pagkakatitig ko duon sa lalaki. "Ah, nga pala. Kate, new friend ko, si Alex. And Alex, this is Kate."
Tumaas ang kilay ko sa pagkakarinig ko ng "friend." Posible ba yun? Ilang minuto pa lang nag-uusap, friend agad?
"You're Miss Kate Villanueva?" Tanong ni Alex na parang di makapaniwala. "I'm Alex Calma. It's an honor to finally meet you."
Nag-alok sya ng handshake, so tinanggap ko although I don't usually accept handshakes. Paano kung nagkamot pala sila ng pwet bago kamayan ako, diba? Mahawa pa ako sa germs nila. Pero dahil mukha namang malinis ang pagkatao nitong si Alex, sige, pagbigyan.
"I've heard so many things about you." Dagdag niya, at siya naman ngayon ang nakatitig sa akin. Kung hindi lang nakakabighani ang blue eyes nya, baka kanina ko pa tinarayan to.
"Of course you have," I chuckled darkly. Malamang puro kademonyohan ko ang mga nabalitaan neto.
"Hindi ka naman pala ganun ka-nakakatakot sa personal. Sabi ko na nga ba exaggeration lang nila yun e." Ngiti nya. Medyo nagulat pa nga ako kasi tuwid sya magtagalog kahit mukha syang foreigner.
"Nako be, walang exaggeration yun." Singit ni baklita.
"Wow ha! Thank you sa support!" Sarkastiko kong sabi, with matching irap pa. Bumalik tuloy ulit ang init ng ulo ko. "Hoy baklita, ang pagkakaalam ko dinala kita dito para sumunod sa akin. Kaya paki-explain kung bakit iniwan mo akong mag-isang naglalakad para lang makipagkwentuhan sa iba!"
"Sabi ko sayo e," Bulong nya kay Alex, pero narinig ko pa rin. Bubulong na nga lang yung naririnig ko pa. Medyo mulala. "Kate, nakasunod naman ako sa'yo, pero si Alex ang nag-approach sakin. Alangan namang i-snob ko yung tao diba? Hindi naman ako snobber tulad ng iba jan..."
Hindi ko na pinansin ang pagpapatama nya at inilipat ko na lang ang titig ko kay Alex, waiting for him to explain. Medyo badtrip din naman pala to eh, imbes na nakaalis na ako dito sa bahay bahayan ng mga plastik, nandito pa rin ako dahil sa kanya!
"Uhh... may tinanong lang kasi ako sa kanya..." Kabadong sagot niya. Sa wakas, tinubuan na din sya ng takot. Hindi porke gwapo sya, excempted na sya sa kamalditahan ko!
"Eto kasing si Alex, hindi na-inform na may meeting pala ngayon," Si baklita na ang nagsimula mag-explain dahil mukhang kinain na ng takot yung tao. "Sinubukan nyang magtanong tanong kung anong napag-usapan sa meeting pero walang namamansin sa kanya. Kahit yung feelingerang palaka na receptionist pinagtabuyan sya."
"How is it possible na hindi ka na-inform? As far as I know, the agency doesn't fail to inform anybody dahil laging required ang contact number as soon as you get in touch with a scout or a manager." Taas kilay kong tanong.
BINABASA MO ANG
[ WANTED: BFF ]
HumorKung may isang kontrata kung saan pwede kang magkaroon ng libreng damit, makakilala ng mga sikat na tao, at makatikim ng kape ng Starbucks, tatanggapin mo ba? Pero paano kung ang ibig sabihin nito ay maging best friend ka ng isang mayaman at sikat...