•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Pakiramdam ko nasisiraan na ako ng ulo.
Paano ba naman, halos isang oras na yata akong nakatitig dito sa termination sheet ni baklita, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang pirmahan. Urong sulong lang yung ballpen ko, na parang may sariling isip at ayaw dumikit sa papel kahit anong gawin ko.
I mean... I made it clear first-hand that I will terminate the contract if he does anything that will my put my career in danger. At, dahil nga sobrang husay nya, aba'y yun nga mismo ang ginawa! Which means, tama lang na i-terminate ko ang contract dahil ibig sabihin non ay sinusunod ko lang ang usapan. Pero kasi, parang may internal conflict ako dahil sa sinabi nya.
Pinagtanggol nya lang daw ako.
Hindi ko alam kung totoo ba yun o nagpapaawa effect lang sya, kasi kahit sari-saring uri ng plastik na tao na ang nakasalamuha ko, may mga panahon na kahit ang kasinungalingan nagmumukhang totoo kapag yung tao ay expert na sa pakikipagplastikan. Kaso, may sumisiksik sa isip ko na si baklita ay maaaring kahit anong uri ng tao, pero hindi plastik. Abnormal, oo, pero plastik, hindi.
Pero, ilang oras ko pa lang naman nakasama si baklita, so I can never be so sure exactly what type of person he is.
"Miss Kate?" Isang mahinang katok sa pinto mula sa labas ng kwarto ang umagaw ng atensyon ko.
"Come in."
Maingat na sumilip ang isang maid. "Miss Kate, dumating na po si Sir. Gusto daw po kayo makausap."
"Tell him I'll be there in five minutes."
"Okay po," tango ng maid bago umalis. I returned the sheet into the envelope, gave out a long sigh, and let my chair roll away from my desk. Sa totoo lang kasi, ayokong kausap si Daddy. Nadadala nya kasi ang pagka businessman nya dito sa bahay, kaya kahit pakikipag-usap sa kanya nagiging parang business talk. And to top that off, may office pa sya na katabi lang ng kwarto nya. Ang galing diba? Pati sa bahay may office din!
Pero sa ngayon, mas mabuti na rin sigurong tiisin muna ang pakikipag-usap sa kanya para malayo muna ang utak ko dito sa termination sheet na ito. Baka sakaling malinaw na ang pagiisip ko mamayang pagbalik.
2-3 minutes walk din ang inabot ko mula kwarto hanggang doon. Nasa nagkabilang dulo pa kasi ng bahay yung mga kwarto namin, kaya pagkahaba-haba ng hallway na nilakad ko at FYI, medyo nakakapagod.
"Come in," narinig kong sabi ni Daddy pagkatapos kong kumatok. Pumasok naman ako, at as expected, naka uniform pa din sya. He just nodded as a greeting, and I did the same. Hindi naman dahil galit kami sa isa't isa; sadyang pareho lang kaming cold ang personality. Sa kanya ako nagmana, malamang.
"So, do you have a best friend already?"
I tried my best not to roll my eyes. Sabi ko na nga ba, eto nanaman ang topic namin. "Technically, yes."
"You know what I mean, Kate." Seryosong sabi nya. Hindi na ako nakapagpigil at napa-irap na ako.
"Okay then. No."
Nagbuntong-hininga na lang sya. "Kate..."
"I know, I know." Mabilis ko nang pinutol ang sasabihin nya bago pa maging homiliya. After all, ilang beses ko nang narinig ang speech nya kaya saulong saulo ko na. "Pero ano bang magagawa ko kung lagi lang akong binabackstab ng applicants? Ikaw na din ang nagsabi: Honesty is the basis of a true friendship. So rather than wasting time on the dishonest ones, why not just get rid of them?"
"But what you're creating is not friendship. It's a contract. Friendship is not only based on honesty, Kate. It's also based on trust."
"You know exactly why I don't trust people." Nagsimula nanamang mamuo sa dibdib ko lahat ng galit at sama ng loob, nang bumalik sa isip ko lahat ng nangyari sa nakaraan. At alam kong ganun din ang nangyari kay Daddy, dahil hindi rin sya kaagad nakasagot. Ang pinagkaiba lang namin, sya, marunong magpatawad. Ako, hindi.
Pero kahit na parang gusto kong umiyak na lang dahil sa sobrang bigat ng dibdib ko, pinilit kong magsalita. Gusto ko nang tapusin itong usapang ito. "Ang trust, hindi basta basta binibigay. You have to earn it. So if they can't even give something as simple as honesty, then they sure as hell should not expect trust from me."
Tumalikod na ako para umalis, dahil siguradong wala na din namang patutunguhan etong usapan namin. Hindi ko maintindihan kung bakit lagi pa nyang bini-bring up ito, e alam naman na naming dalawa kung ano ang magiging ending. Pareho lang kaming magiging emotional, at mag wo-walk out lang din ako sa huli. Kaso this time, bago ko tuluyang maisara yung pinto, biglang nagsalita si Daddy.
"Life could be unfair, but you can never expect the world to change for you. Sometimes, you have to stop and think if the one that has to change is you."
Napatigil ako para tumingin sa kanya. At mabilis ko ding pinagsisihan yun, dahil nakita ko yung lungkot sa mata nya. Lalo lang tuloy akong nainis na nalungkot din na ewan. So without saying anything, I slammed the door shut and ran back to my room.
Pagkapasok, sumandal muna ako sa pinto at tumingin sa kisame. Deep breaths, Kate. Deep breaths. Wag kang magpapadala sa emosyon mo. You're not a crybaby. At may termination sheet ka pang kailangang pirmahan. Tama. Tapusin mo muna yun bago ka mag ala-MMK dito sa kwarto mo.
I sat back down in front of the desk and grabbed the envelope. Pagka-hugot ko ng termination sheet, may something small na sumama at nalaglag sa sahig. Nang pulutin ko, na-realize kong 2x2 pictures pala yun ni baklita. I couldn't help but chuckle at how silly he looked with that eyeliner. Perfect naman ang pagkakalagay, pero yun kasi ang nakakatawa. Mas magaling pa sya mag make-up kaysa sa akin.
Pero onti-onti ding nawala yung ngiti ko nang bumalik sa isip ko yung nangyari kaninang umaga. I stopped for a few moments to glance between the picture, the termination sheet, then back to the picture. Sighing, I folded the termination sheet in half and together with the pictures, returned it to the envelope.
Tulad nga ng sabi ko kanina, saglit ko pa lang syang nakasama, so I still can't conclude whatever type of person he is. So I guess... I'll just observe him for now.
Hay baklita. Ikaw na yata ang pinakanakaka-stress na nilalang na na-encounter ko.
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
[A/N]: Grabe, yung kwarto ni Kate, kalahati na ng bahay namin. Hays.
BINABASA MO ANG
[ WANTED: BFF ]
HumorKung may isang kontrata kung saan pwede kang magkaroon ng libreng damit, makakilala ng mga sikat na tao, at makatikim ng kape ng Starbucks, tatanggapin mo ba? Pero paano kung ang ibig sabihin nito ay maging best friend ka ng isang mayaman at sikat...