•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
"Kaaaaaaaaate," Angal ni baklita paglabas ng fitting room. I just ignored him and nodded at the saleslady, approving of the set of clothes he was currently wearing. "Ilang damit pa ba yung susukatin ko? Pwede dress at long gown naman yung next?"
Ewan ko kung seryoso ba sya o nagjo-joke lang, kaya mabuti na sigurong itigil na namin to bago pa sya magpumilit na mag dress. Halos dalawang oras na rin yata kasi kami dito. "Keep that one on, it looks good on you."
I said, pertaining to the grey v-neck shirt and dark wash jeans. Ang ganda kasi ng pagkaka-fit sa kanya, saka at least hindi na sya mukhang stoplight.
"We'll take all of it." I told the saleslady sabay abot ng black card. Tumango lang sya at pumunta na sa cashier habang bitbit yung mga damit. Pagharap ko ulit kay baklita, nakangiti ulit sya na nakakaloko.
"What?" I asked, somewhat irritated. Bakit kaya kapag ganun ang ngiti nya, naiinis ako? Para akong napo-provoke na ewan.
"Ngayon lang kita narinig i-compliment ako."
"I didn't say you look good. I said the clothes look good on you."
"Sus, pareho na din yun." Sabay hawi ng imaginary long hair nya. I just rolled my eyes and returned my gaze to my phone.
"Kate."
"What??" Sobrang iritable kong sagot. Isa na lang talaga, babatuhin ko na ng cellphone to.
"Thank you," he softly said. Natulala pa ako ng ilang segundo dahil hindi ko expected yun.
I don't know why, but I found myself avoiding his stare.
"It's part of the contract." Sabi ko na lang.
Soon enough, the saleslady returned with my card and the clothes. Medyo napataas pa yung kilay ko sa dami ng shopping bags na kinailangan. Around six or seven, I think. Well, siguro naman hindi na araw-araw neon ang suot ni baklita sa dami nitong bagong damit nya.
As we left the store, si baklita na ang nagprisintang magbuhat ng lahat. Nakakahiya naman daw kasi sa akin, baka hundreds of thousands na ang nagastos ko para lang dito, tapos pagbubuhatin pa nya ako. Sus, OA ha. I don't know how much exactly all of these cost, pero hindi naman siguro sumosobra sa 50k.
"Alam mo kamo, feeling ko sobrang yaman mo kasi parang wala lang sayo yung pagbili ng ganito karami." Panimulang kwento ni baklita. "Pag sa amin, pasko lang kami nakakabili ng bagong damit. Minsan naghihiraman na lang din kami, o kaya umaasa sa pamana mula sa mga pinsan...,"
Nag auto-mute yung tenga ko nung magpatuloy sya sa pagkwento. Ngayon lang kasi nagsink-in sa akin yung antok at pagod, kaya ang tumatakbo na lang sa isip ko e makauwi na at makapagpahinga. And he doesn't even care if I'm listening to him or not. Kahit siguro sarili nya handa syang kausapin, makapagkwento lang.
"...mura lang din yung mga bilihan sa amin, kaya nga favorite ko yung turon kasi malapit lang sa bahay namin tapos masarap kahit hindi gold yung oil na ginamit..."
Bigla akong napatigil sa paglalakad.Hindi dahil nagtaka ako kung paano bumalik sa turon yung usapan, pero dahil may nakita akong hindi kanais-nais sa 'di kalayuan. Tatlong babaeng matangkad, maporma, at kakaiba ang aura, pero ang nasa gitna lang ang pinagtuunan ko ng pansin.
BINABASA MO ANG
[ WANTED: BFF ]
HumorKung may isang kontrata kung saan pwede kang magkaroon ng libreng damit, makakilala ng mga sikat na tao, at makatikim ng kape ng Starbucks, tatanggapin mo ba? Pero paano kung ang ibig sabihin nito ay maging best friend ka ng isang mayaman at sikat...