[ 6 ] Peace Offering

71 7 2
                                    

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

The next morning, tumambay muna ako sa Starbucks para magnilay-nilay. Hindi ko pa rin kino-contact si baklita kasi hindi ko pa feel na makita sya. Gusto ko munang magkaroon ng alone time.

"Gooooooooood Morning Kate!"

Isang matinis na boses ang bumasag sa katahimikan ng umaga, at isang matangkad na bading na naka neon pink ang sumulpot sa pinto. As usual, wala syang pakialam sa weird stares ng mga tao, at dirediretso lang papuntang table ko, habang ako, halos masilaw na sa damit nya. Kahapon, neon green, ngayon naman, neon pink? Yung totoo?

"What the hell are you doing here? I didn't tell you to come!" I hissed as he took the seat in front of me.

"Ay, grabe ka naman. Bawal na ba akong pumunta dito kung gusto ko?"

"YES!"

Sa hindi ko inaasahang pangyayari, humarap sya duon sa barista.

"Kuya, bawal ba ako dito?"

Medyo nagulat pa yung lalaki bago makasagot. "Ah, hindi naman po..."

Tapos humarap sya sa guard.

"Manong, bawal ba ako dito?"

"Welcome kayo anytime, sir."

"Oh, welcome naman daw pala ako e." Matamis na ngiti nya pagharap sa akin. Pinanliitan ko lang sya ng mata. Sarap ding sipain nito papuntang ibang planeta noh.

Hindi nya na lang pinansin ang katarayan ko at naglapag sya sa lamesa ng isang basket na puno ng kung ano anong nakabalot sa chinese wrapper.

"Oh eto, peace offering ko. Kumpleto yan, may kwek-kwek, kikiam, fishball, squidball, isaw, balut, at syempre, ang paborito kong turon! Inikot ko pa yung buong baranggay namin para lang mabili lahat yan! Para kung sakaling may sama ka pa ng loob sa akin, ayan, idaan mo na lang sa kain."

Sabi nya, at halatang proud na proud sya sa ginawa nya.

"Hindi ako kumakain nyan." I said coldly. Isa pang ayoko dito ay kumakapit sa damit ang matapang amoy. Napaka-cheap. Amoy kalye.

"Ayaw mo?" Tanong pa ni baklita kahit obvious na ang sagot. I just continued glaring at him, so he just shrugged. "Edi ako ang kakain."

He proceeded to unwrap one of the street foods, and the disgusting scent quickly spread around the room.

"Hindi ka ba nahihiya?! This is not the right place to eat that... that stuff!! Throw it out NOW!"

"Bakit? Hindi naman bawal ah? Oh tingnan mo aalukin ko pa si manong guard." Humarap sya ulit duon sa guard. "Kuya, gusto mong isaw?"

The guard just smiled and politely nodded. Mukha naman syang natutuwa dito sa baklitang 'to, pero ako, hindi. I gave my best death glare and looked at him straight in the eyes.

"Rule #5 in the contract states that the applicant must be able to blend into a high class environment. If you don't stop what you're doing right now, then I'll consider it that you've already broken this rule twice. I was already too generous by letting you get away with what you did yesterday. Pero ngayon, subukan mo. Malay mo, ubos na ang kabutihang loob ko."

Sa wakas, naging seryoso din sya, at nanatili syang nakatingin sakin na parang sinusuri kung totoong galit na ako. Lagi naman akong galit e, di nya lang sineseryoso.

"Sige na nga, aalis nalang ako." Simangot nya. Pero bago sya tuluyang lumabas, inabot nya sa guard yung basket.

"Kuya oh, sayo na lang." Matamis naman ang ngiti ng guard at nag-thank you. Meanwhile, I just sat there, jaw hung open. I felt so ridiculed. Did he really just walk out on me?!! AGAIN?!! Hindi ako makakapayag na sya lang ang magwo-walk out! Ako ang galit! Kaya ako dapat ang mag-walk out!!!

I ran after him at paglabas ko ng Starbucks, nakita ko siyang naglalakad na sa kabilang side ng daan, papuntang school. I entered the car and growled at the driver.

"Follow that baklita!"

Mabilis na nakapag-u turn ang driver and soon enough, malapit na namin syang maabutan. Medyo nagtaka pa ako kung bakit sya naglalakad. Kahit na mabilis lang ang byahe mula dito hanggang school by car, aabutin sya ng 20 minutes kung lalakarin nya lang. But on second thought, sadyang abnormal naman talaga yung taong yun. I ordered the driver to slow down as I rolled down the window.

"Are you seriously just going to walk all the way to school?"

"Oo, bakit? Linakad ko lang din naman kanina eh."

What? Is this guy for real? Tao ba 'to o kabayo?

"Whatever! Just get in the car!"

Mabilis naman syang sumakay, at umandar na ulit ang sasakyan. Paglingon ko ulit kay baklita, nakatingin sya sakin habang nakangiti na parang nakakaloko.

"Di mo rin ako matiis, no?" He tried to poke my side but I swatted his hand away. Tumawa lang sya. "Ang sweet mo din naman pala eh. Sinundan mo pa ako para lang maisakay ako papuntang school. Thank you bes!"

"Hindi kita sinundan! It's almost 8 so obviously, kelangan ko nang pumasok. And as your employer, you are partly my responsibility, kaya kung mamatay ka jan sa daan o kung ano, baka makulong pa ako. And lastly," I pointed a finger at him to emphasize. "I told you to refer to me as Miss Kate."

"Sure, Miss Kate." Sabi nya na lang, pero may halong pang-aasar. I just rolled my eyes. Nagsisimula na akong magsisi na hindi ko tinerminate yung contract.

When we arrived at the university, syempre inunahan kong lumabas ng sasakyan si baklita with matching dabog ng pinto para may walk out effect din ako.

"Ay, galit sa pinto." Comment nya. Hindi ako galit sa pinto. Sa'yo ako galit, DUH.

Habang naglalakad kami, as usual, people started staring at me. Sumulyap ako kay baklita. Usually, ang mga applicants ko ay nagiging uncomfortable sa ganitong sitwasyon since kasama na sila sa pinagtitinginan, pero etong si baklita, parang wala lang sa kanya. Well, what did I expect? Mas matigas pa yata ang mukha nito kaysa sa akin.

"Dito na yung klase ko sa left building. Bye bes!" Ngiti nya. Papagalitan ko sana ulit sya, kaso may mga passersby at mababasag ang image ko pag ginawa ko yun. Kaya kunwari na lang hindi ko sya kilala. Pagpasok ko sa main building, may narinig akong mga nagtatawanan sa likod ko.

"Ano ba yun, ang baduy magdamit!"
"Baka stuck sya sa disco era! on point yung pagka neon pink, e. Hahaha!"

Nuong una, sinubukan ko na lang silang hindi pansinin. Pero naka-akyat na kami sa hagdan at lahat lahat, patuloy pa rin sila sa pangungutya kay baklita. Kaya hindi na ako nakatiis and I turned on my heels to face them. For your information, hindi ko to gagawin para kay baklita. Gagawin ko to dahil una, sobrang ingay nila at pangalawa, kahit kailan hindi ko matiis ang presensya ng judgemental people. I'm doing it for myself. Not for baklita.

"Wow," I laughed in the b*tchiest tone I can muster, at napatigil sila sa paglalakad. Medyo nanlaki pa ang mata nila nang ma-realize nilang ako pala yung kasunod nila kanina pa.

"For the past 5 minutes, I've been hearing you judge someone for their outfit, and here I was expecting you two to look like the most perfect beings on earth. Pero grabe, mukha lang din pala kayong low-life pests."

Ramdam kong sobrang nainsulto sila, but I couldn't care less.

"Narinig nyo na ba yung kasabihang 'bago ka manghusga ng iba, tumingin ka muna sa salamin'? Gawin nyo. Nahiya naman kasi ako sa fake eyebrows nyo na sing-fake ng gucci bags nyo."

Just like that, I turned around and left. I don't regret what I just did, and I couldn't help but smirk to myself. That's right.

I am the Queen B*tch, and I'm proud of it.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

[A/N]: May pagka abnormal din si Kate, pansin nyo? Hahaha. Happy Valentines nga pala sa inyo!!! 🎉💝😘

[ WANTED: BFF ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon