•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
At eto na nga, dahil sa kagagawan ni baklita, napilitan tuloy akong dalhin sila sa isa sa mga favorite restaurants ko para mag-dinner.
Sa totoo lang, wala na akong ganang sakyan itong kalokohan ni baklita, pero mahirap namang iwan ko sya kay Alex dahil baka pareho lang silang mapahamak kung talagang seryoso siyang tulungan si Alex na mag-apply sa agency. Firstly, he knows neither how the application system is implemented nor any connections to be able to bend a few rules. Baka sa huli, wala din syang magagawa kundi ihatid na lang pauwi si Alex.
And secondly, does he actually think I don't know how to charm a boy?
Psh, excuse me lang ha. l may act cold and heartless all the time, pero kung gugustuhin ko, I can get any guy I want with just a bat of my eyelash. Hindi ko lang ginagawa dahil mahirap na, baka hindi ko macontrol ang powers ko at magulat na lang ako sampung lalaki na ang naghahabol sa akin. Kaya minsan talaga, dapat tinatago na lang ang talent.
"So Alex, have you ever tried modelling before?" I asked while we were waiting for our order.
"Um, actually hindi pa..." He shyly answered and awkwardly smiled. "Ni-recommend lang kasi ng isang friend ko na i-try ko daw, tutal matangkad naman daw ako."
"At may itsura," dagdag ni baklita, in which napangiti lang si Alex. Napaikot lang ang mata ko. Ang cheap ng approach ha.
"Naisip ko din na sa agency nyo subukan kasi mukhang maganda ang management nyo. Pansin ko kasi kahit madami kayong models, nabibigyan nyo lahat ng opportunity to improve and grow. Kaya feeling ko magandang maging learning grounds ang agency nyo."
Napatawa lang ako. Oo, magandang learning grounds nga, but in a very hard and brutal way. They will first shatter you and break you, until you learn how to toughen up and fix yourself.
"Frankly speaking, as someone with no previous experience with modelling, you may have difficulty applying to our agency. Mahigpit ang standards."
"Pero dahil nga kami ni Kate ang nilapitan mo, no worries, kami ang bahala sa'yo! Sa looks mong yan, naku, for sure mabibighani agad sayo lahat ng interviewers!" Pambobola ulit ni baklita, at may malanding hampas pa sa braso ni Alex. Tapos pinandilatan nanaman ako ng mata. I just shrugged. Totoo naman ang sinabi ko. Hindi ko katulad ang modus nya na puro pambobola.
"May I look at that?" Sabi ko, pertaining to the brown envelope na kanina pa nya hawak. Tumango naman sya at binigay sakin. I opened it to reveal his resume and biodata, na sya namang binasa ko habang patuloy lang sa pambobola si baklita sa kanya.
Name: Alexander Vineli Calma
Age: 19
Gender: M
Height: 6"3'
Weight: 68 kg"So, you're biracial?" I asked when I noticed his odd middle name.
"Ah, oo. Italian kasi ang mama ko, at Filipino naman si papa." I just nodded. So that explains his foreign appearance.
"Wow ha, ang talim ni papa mo. Talagang Italian pa ang natuhog!" Comment ni baklita, at tumawa lang si Alex.
"OFW kasi si papa. Eh sadyang pogi at mabait din naman sya, kaya siguro nagustuhan sya ni mama. Tapos yun, pumayag si mama na dito sila sa Pilipinas magpakasal, tapos dito na rin sila nag settle nung pinanganak ako."
"And you're an only child," I stated. Tumango lang ulit si Alex.
"Paano mo nalalaman yon? Ano ka, telephonic?!" Gulat na sabi ni baklita.
"I'm reading his biodata, duh." At winagayway ko pa yung papel para mag sink in sa slow nyang utak. "At telepathic yun, hindi telephonic. Nahiya naman yung dictionary sa'yo."
"Whatevs," sagot nya na lang sabay flip ng bangs. Di ko na lang sya pinansin dahil wala din namang kwenta kung makikipagsagutan pa ako sa kanya dito, at pinasadahan ko na lang ng tingin ang iba pang info kay Alex bago ibalik sa kanya ang envelope.
"You said may friend ka lang na nagrecommend sa'yong i-try ang modelling kaya ka nandito ngayon." Once again, Alex just nodded. I leaned forward and looked at him dead in the eye to show that I was about to ask a serious question, and I wanted a serious answer.
"But tell me. Why are you really here?"
He seemed caught off guard by my question, and just stared at me for a few seconds. Then napalunok sya at napabuntong hininga.
I knew it. May mas malalim pang rason kung bakit sya determinadong maging model. Kung magiging mentor nya ako, kailangan kong malaman ang rason na nagtutulak sa kanyang magpursiging maging model, para alam ko kung paano ko sya i-eencourage just in case na panghinaan sya ng loob. After all, siguradong mahihirapan sya sa agency mula bukas.
"May financial problems kasi kami...," mahinang sagot nya, at sa isang iglap, biglang bumigat ang paligid. "Ano kasi... kakamatay lang ni papa last year sa abroad... Habang nasa trabaho..."
Pinilit pa nyang tumawa, pero halatang pinipigilan nya na lang ipakita sa amin ang lungkot nya. And for some reason, parang may tumusok din sa puso ko. Maybe because I know how it feels to lose someone so close to you.
"Sinubukan naming iraos yung savings namin para sa pag-aaral ko, pero hindi na talaga kaya... Kulang na din yung kinikita ni mama sa business namin para sa daily expenses, kaya no choice na ako kundi mag stop muna at maghanap ng work pansamantala. Nakakatawa mang isipin, pero hindi ako tinatanggap sa mga fast food chains o kahit convenient stores man lang kasi hindi daw ako bagay sa mga ganung lugar. Lahat sila, sinasabing bakit hindi na lang daw ako mag artista o modelling."
Tumawa lang ulit sya, pero nagtinginan lang kami ni baklita. Honestly, hindi ko ineexpect na ganun kabigat ang reason nya. Madalas kasi, may gusto lang patunayan o sadyang pangarap lang maging model.
"Well, at least nandito ka na. Mukhang tadhana mo nga talaga maging model. Kaya tutulungan ka namin para kapag sumikat ka one day, ikaw naman ang manlilibre sa amin ng dinner, diba Kate?" Sabi na lang ni baklita at tinapik sya sa balikat.
Sakto namang dumating na yung pagkain namin, kaya thankfully, nawala na yung heavy atmosphere. Habang busy syang tinitingnan ang mga pagkain na dumating, I looked at Alex once again. I looked into those same baby blue eyes that got me speechless hours ago.
Hindi nga ako nagkamali. He really was a very nice guy. Which means, kailangan nya talaga ang tulong namin ni baklita dahil lalamunin sya ng buo ng mga sutil na tao sa agency dahil sa sobrang mapagtiwala nya sa iba.
Mahirap man sabihin, pero maswerte sya at nakausap nya si baklita. Hindi ko man masabi na mabuti din akong tao, pero alam ko namang kahit papaano may kabutihan pa rin akong taglay. Mga 5% siguro, ganun.
Maybe for once, pwede akong gumawa ng mabuti para sa kapwa.
"I know someone who can help us."
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
BINABASA MO ANG
[ WANTED: BFF ]
HumorKung may isang kontrata kung saan pwede kang magkaroon ng libreng damit, makakilala ng mga sikat na tao, at makatikim ng kape ng Starbucks, tatanggapin mo ba? Pero paano kung ang ibig sabihin nito ay maging best friend ka ng isang mayaman at sikat...