A/N: Hello Readers! Sorry po kung ngayon lang ako nakapagupdate. Pinipilit ko po talaga kaso busy po talaga sa study. Health related course ba naman. Anw, salamat po sa mga naghintay at enjoy po kayo sa pagbabasa. :) <3
"Salamat po sa pagpapastay sakin dito Ninang ha. Wag po kayo mag-alala hindi naman po ako dito magtatagal."
"Ano kaba Cy, anak na din naman ang turing ko sayo. Alam mo naman kung gaano kami ng Nanay mo kaclose diba? Kaya wag ka ng mahiya. Atsaka ako lang naman dito. Tumandang dalaga ba naman kaya okay lang na minsan may kasama at kakwentuhan na din."
"Si Ninang talaga."
"Pero iha sigurado ka ba na itutuloy mo na ang paghinto mo sa klase? Sayang din naman yung almost 3 taon mo sa Nobelium?"
"Oo Nang, hihinto muna po ako. Magiipon muna po ako para makabayad dun sa mga nautangan ko. Sobra sobra na din po kasi yun e. Medyo nakakaiyak na sa mata. Hehe."
"Haha. Ganun ba? O basta pag kailangan mo ng tulong ko dito lang ako ha at pwede ka din magtrabaho sa restaurant ko anytime you want."
Ngumiti lang ako sakanya. Sakatunayan ang utang na tinutukoy ko kay Tita ay yung utang ko sa mga taong nagpaaral sa akin, at isa na din dun si Bill. Naalala ko nun na siya ang nagbayad ng full tuition ko noong 1st year. At naisipan ko na simula ngayon na ayoko ng magkaroon ng utang na loob sa kahit kanino.
Pero speaking of Bill, kumusta na kaya siya? Alam na rin naman niya siguro ang totoo?
Para nga mabura muna siya sa isip ko, inilibot ko nga ang mata ko sa restaurant ni Ninang.
"Ganda?"
"Huh?"
Nakadrugs ba to?
"Wow nag ka amenesia lang? Si Topher to!"
Topher?
Sinong Topher?
Ah! Naalala ko na.
"Mas lalo ka yatang pumangit?"
"Salamat ha. Natouch ako."
Sabay suntok nito sa dibdib niya.
"Pahug naman ako diyan o?"
"Baliw."
"Ngayon ka lang ulit nagpakita sakin ha. Bat nandito ka pala?"
"Mahabang istorya pogi."
Siya nga pala si Topher. Kababata ko. Inaanak din ni Ninang. Nung mga panahon na buhay pa sila Tay siya ang palaging kalaro at kasama ko tuwing on duty sila Tay.
"Teka nagtatrabaho ka ba dito?"
Nakasuot kasi to ng apron.
"Aba oo naman. Chef ata ako dito."
"Seryoso? Ikaw nagluluto?"
"Ofcourse. Maiinlove ka kapag natikman mo ang specialty ko."
"Asa ka men."
"Makita mo talaga. Sandali nga at ipagluluto muna kita ng matikman mo ang specialty ko. Maupo ka muna dyan."
Makalipas nga ang ilang minuto...
"Ano masarap no?"
"Pwede na."
"Dito ka nalang kaya magpasko."
Kwenento ko nga sakanya kanina yung problema ko sa pinansyal.
"Basta ba may regalo ako."
"Aba sigurado na yan Ganda."
BINABASA MO ANG
CAPTAIN!
Teen Fiction"I heard you're a player. Nice to meet you, I'm the Captain." (COMPLETED)