Sa Hall. Ito ang tambayan ng mga 'stupidents' kagaya ko tuwing recess or vacant namin. Malawak ito kesa sa tatlong court sa University. Dito din minsan ginaganap yung mga special event.
Sa nakikita kong itsura ni Clark ay Haggardo Versosa ito. Sino ba namang matinong lalaki ang magooffer na ihatid ang walong barbie girls sa kani-kanilang bahay! Di naman siya masyadong thoughtful and gentleman noh?
Pinaguuspan din namin ngayon yung planong gagawin niya ki Amazona.
"Mr. Seaborgium, bakit ba masyado kang interesado sa Amazona na yan?
"I'm interested with her because she's weird.''
In my 19 years of existence ngayon ko lang nakitang ganyang kaseryoso si Clark.
"I don't get you Tol. Please expand! What kind of weird? Yung bang laging loner, walang kaibigan at kasama, at yung may sariling mundo? Yan na ba ang type mo Mr. Seaborgium? Ano bang tinitira mo ngayon?!''
Binatukan naman niya ko. Aray lang ha!
"May atraso ang Amazona na yun sakin, at gagawin ko ang lahat para makaganti sakanya! Gets mo? Kaya huwag mo kong pakikialaman sa gusto kong mangyari at gawin. Maliwanag?!''
"FAYN!''
Naramdaman ko nalang ang pagtayo ni Clark sa mesa.
"Can I have your attention everyone!!!''
Ang kanina lang na maingay na paligid ay napalitan ng tahimik at bulung bulungan ng mga estudyante.
"Ako si Clark Benjamin Seaborgium. Hinahamon si Kacee Sulfur sa isang laban sa Basketball!''
Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Amazona sa kabilang mesa. Walang buhay na sinara nito ang libro niya. Isa ring creepy!
"Pumapayag ka ba sa hamon ko Kacee Sulfur?''
Napasmirk nalang si Kacee at magwowalk out na sana ng biglang tumalon si Clark sa harapan niya at hinarang ito.
"At anong mangyayari kapag nanalo ako?''
Wait? Pumapayag ba siya? Babae sa lalaki?
"Wag kang masyadong confident, kasi alam ko sa huli ako lang naman ang panalo."
Patulan ba naman ang babae! Nararamdaman ko na lang ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Nagsisilabasan narin ang black aura sa kanilang mga katawan at ang laserbeam sakanilang mga mata. Exag lang, Paul.
"Non-stop shooting tayo ng bola. Ang unang tumigil ay siyang talo, at ang mahuli ang panalo.''
Andito na nga kami sa Basketball court. Sumunod na rin ang mga chismoso at chismosa kong schoolmate at classmate. May kani kanila silang bet. Pano ba naman, Star player Clark vs Team Captain Kacee, san ka pa! O diba. Parang manunuod ka lang ng laban ng NBA!
Pumito na nga ang ginawang Referee ni Clark. Nagumpisa na nga ang dalawa sa pagshoot sa bola. Ang cool lang. Lahat pasok sa ring! Todo hiyawan na rin at tili ang mga kababaihan Mukhang nag-eenjoy sila sa panunuod kay Mr. Dreamboy.
"ANONG KAGULUHAN TO?!"
Patay!
"Class hours na at nandito pa kayo?! Magsibalik kayo sa mga klase niyo mga batang to, ngayon na!! At kayong dalawa sumunod kayo sa akin sa office! We need to talk!''
Pagminamalas nga naman. Kumaway na lang ako kay Clark na sakalukuyang naglalakad kasama si Kacee at si Dean papunta sa office. Buti nga yan sakanila.
Teka, sino ba ang nanalo sakanila?
BINABASA MO ANG
CAPTAIN!
Teen Fiction"I heard you're a player. Nice to meet you, I'm the Captain." (COMPLETED)