Ngayon ko lang narealize na mahirap pala ang maging gwapo. Nakakapagod rin pala. Sa halip na araw ng pahinga ko ngayong Sunday ay naging araw ng Photoshoot ko sa Forbz Magazine. Pinaadvance ko kasi ang schedule ko na para sana bukas. Maybe beacause I have my plans on Monday. Hindi ko lang alam.
"Okay, 30 minutes break!"
Sigaw ni Direk.
Naupo nga ako sa malapit na Beanbag sa aking harapan.
"Mr.Dreamboy!"
Linapitan naman ako ni Paul at inabutan ng Gatorade. Ininom ko naman ito.
"Update Version 2.0, nakita kong magkasama si Sulfur at Xenon kanina sa Supermarket. Mukhang nag-grocery yung dalawa."
So, sasama nga bukas sa Camp si Amazona. Good to hear that. Magkakaroon kami ng Quality time.
"How about Lyssa?"
Napakamot naman ito sa batok.
"Sinasabi ko na nga ba may nakalimutan ako eh! Tumatanda na talaga ang Lolo mo oh! He--hehe."
"Hindi ba sinabi ko sayong huwag mong aalisin ang paningin mo sa babaeng yun!"
Sabay balik ko ng binigay nitong Gatorade sa akin.
"Sorry naman Tol!"
Kahit kailan talaga hindi ko maasahan ang lalaking to. Sa panchichicks lang ata to magaling. Pagkatapos ng photoshoot ay dumaan muna ako sa simbahan. Ewan ko ba kung bakit. Basta dito ako dinala ng aking mga paa. Nagsindi ako ng dalawang kandila. Para na rin siguro sa kaluluwa ng magaling kong Ina at sa pinakamamahal kong Ama. Ang sweet ko lang diba?
"Benjy? Is that you?"
Napalingon naman ako sa taong tumawag sa akin.
"May iba pa ba...Lyssa?"
Napachuckle naman ito.
"Akalain mo dito pa pala tayo magkikita."
Wala parin siyang pinagbago. Still a liar.
"Correction please, nagkita tayo sa labas ng Condo ni Bill."
Nanlaki naman ang mata nito. Bull's eye!
"Clark. Yung nakita mo, it's just an accident."
Inborn na ata ang pagiging sinungaling ng babaeng to.
"So, you think na maniniwala ako na aksidente lang ang paghahalikan niyong dalawa? I'm not that noob Lyssa."
She arch her brow.
"Are you jealous, Mister?"
Sabay ngisi nito.
"No, I'm Mr. Dreamboy. And someone said you were looking for me, Miss?"
Sabay smirk ko sakanya.
"Still the same. Flirt as always huh?"
Nagkibit balikat lang ako.
"Anyways, pwede mo ba kong ihatid sa Apartment? We can have our dinner there."
Sino kayang mas flirt sa aming dalawa?
"Sorry Miss. Maybe I'm a player but I'm loyal to my Captain."
Namula naman ang buong pagmumukha nito. I think it's her flirtness that made her embarrassed.
"And who the heck is your so called Captain huh?"
Now she's jealous.
"I don't need to mention her name...but I may say she's prettier than you."
BINABASA MO ANG
CAPTAIN!
Teen Fiction"I heard you're a player. Nice to meet you, I'm the Captain." (COMPLETED)