"Clark. Sorry na. Sorry sa pagsisinungaling ko. Pero please tulungan mo ko."
Pagmamakaawa nito. Umaga palang ay tinadtad na niya ko ng texts at calls para magkita at magkausap raw kami. Kahit ayoko man ay napilitan na lang ako dahil sa awang nararamdaman ko dito. Kahit papano ang hirap parin magkimkim ng galit sa taong naging parte na rin ng buhay mo. Ang sabi ko nga noon if may kinalaman man siya sa kaso ni Captain, ay magkalimutan na kami. Pero heto ako linamon nanaman ako ng kagandahang loob na itinuro ni Dad.
"Why are you like that? Ang tatay mo ang may kasalanan pero ikaw tong nagmamakaawa para lang huwag niyang pagbayaran ang krimeng ginawa niya?"
"Hindi ko to ginagawa sakanya. Ginagawa ko to for my Mom. Alam mo naman siguro ang sitwasyon ng Mommy ko ngayon. At ayoko na ang huling natitirang araw niya ay humantong nalang sa ganito. Kaya please Clark, help me. Help us."
Maluha luhang sabi nito.
"At anong maitutulong ko? Sa tingin mo ba mapipigilan ko si Kacee na magsampa ng kaso sa Daddy mo? Ay Lyssa, para mo na ring sinabing okay lang pumatay ng tao."
Napahagulgol na nga ito ng iyak. Nakita ko namang pinagtitinginan na nga pala kami ng mga tao dito sa Coffee Shop. Baka akalain pa ng mga to nagpapaiyak ako ng babae. Tss!
"Doon ka kay Bill humingi ng tulong. Kayo naman ang nagumpisa ng larong to diba, edi tapusin niyo."
Tumayo na nga ako at walang kagatol gatol na iniwan siya. Gustuhin ko mang icomfort ito pero para ko na rin pinagtaksilan niyan si Captain kapag nagkataon.
*****
"San ka pupunta?"
Tanong ko dito ng makarating ako sa bahay nila. Bihis na bihis ba naman.
"To kill some people who are half animals."
Nabitawan ko nga ang dala kong prutas para sakanya.
"Hindi. Dito ka lang. Hindi ka lalabas hanggang hindi ko sinasabi."
Sabay sara ko ng pinto.
"At sino ka para utusan ako ng ganyan?!"
Inis na sabi nito.
"Si Lolo na ang nagaasikaso ng kaso mo, Kacee. At bukas na bukas siguradong nasa kulungan na si Tungsten. Kaya please, hayaan mo nalang silang gawin ang trabaho nila."
"At ako ano ang gagawin ko dito? Uupo nalang? Ganun?"
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Tingin mo ba may maididulot na maganda yang paghihiganti mo? Maibabalik ba niyan ang buhay ng magulang mo?!"
Please Captain, please listen to me.
"Hindi mo naman kasi naiintindihan kasi hindi ka naman----"
"Ano? Hindi ako ano? For your close minded brain, namatayan din ako Kacee! Pareho lang tayong wala ng mga magulang!"
"Hindi. Hindi tayo pareho. Andyan pa ang Lolo mo. E ako? Wala na Clark, I'm all alone!"
Saad nito kasabay ng pagbuhos ng mga luha niya sa mata.
"Nag-iisa nalang ako Clark. Wala na kong pamilya!"
Napaupo nga ito at doon na humagulgol ng iyak.
"Hindi parin ba malinaw sayo na nandidito lang ako? Na andito ako para sayo? Na nasa tabi mo lang ako? Hindi pa ba sapat yun para masabi mong hindi ka nag-iisa?"
Linapitan ko nga ito at hinagod ang kanyang likuran.
"I'm alwayse be here, Captain."
*****
BINABASA MO ANG
CAPTAIN!
Teen Fiction"I heard you're a player. Nice to meet you, I'm the Captain." (COMPLETED)