Chapter 8.5: Kacee POV

343 8 0
                                    

"Mine, Sorry talaga."

Saad ko habang yakap yakap niya ko sa likod. Sakalukuyang nasa Veranda kami ng Hotel at pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Huling araw na rin naman dito sa Palawan.

"No need to explain Mine. Ang importante ay buo ang tiwala natin sa isa't-isa...We're gonna fight sometimes Mine, But I'm never going to stop loving you, no matter how much we fight or what we fight about."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kahit papano napakaswerte ko kay Bill. Nasa kanya na ang hinahanap ko sa isang lalaki. Ganun pa man, nakakalungkot isipin na hanggang ngayon patago parin kaming nagmamahalan.

"Kuntento ka na ba sa ganitong set-up, Mine?"

Hindi ko maiwasan na tanungin siya sa mga bagay na katulad nito.

"Bakit nagsasawa ka na ba Kacee?"

Ayan nanaman ang malamig na tono niya.

"Hindi Bill. Masaya at kuntento na ko sa ganito."

KINABUKASAN. Maaga kaming lumisan patungong Manila. Bumili rin si Bill ng pasalubong para sa kapatid niya. Actually, nag-enjoy ako sa tatlong araw naming bakasyon ni Bill. Unang una ay dahil nasolo namin ang isa't-isa.

"Captain! Hoy Sulfur! Bebe ko!"

Tuloy lang ako sa aking paglalakad at patay malisyang hindi narinig ang taong ayaw kong makita. Kababalik lang ng Manila, bad vibes agad.

Natapos ang buong araw ko sa napakaboring kong Major Subject. Feeling ko nga wala akong natutunan. Palabas na ako ng Campus ng may kamay na humawak sa aking balikat.

"Teka lang naman!"

Hinihingal na tawag nito. Sa halip na harapin ko siya ay tinabig ko ang kanyang kamay at hindi ito pinansin. Nabigla nalang ako sa pagbagsak ng aking likod sa pader at ang kamay nitong naka-korner sa akin.

"And now you're trying your best to avoid me."

Frustration was plastered on Clark's face.

"Paraanin mo ko."

Maawtoridad kong sabi. Kung ayaw niya kong lubayan, ako ang gagawa ng paraan upang mapalayo sakanya! Ayokong siya nanaman ang maging ugat ng pag-aaway namin ni Bill.

"Sige, ipamukha mo pa na parang hindi ako nasasaktan."

Ano bang problema ng lalaking to?

"Kung umakto ka, parang wala lang sayo yung nangyari sating dalawa."

Halos ilang pagitan nalang ang distansya namin sa isa't-isa.

"For Pete's sake Clark halik lang yun!"

Napaismid naman ito saka ginulo ang kanyang buhok.

"Wow, ang lupit mo Captain! Actually yung lina-LANG mo, that was my first kiss!"

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Imposibleng iyon ang first kiss niya. Sa dinarami ba namang babaeng inililinked at inirereto sakanya, kahit isa wala man lang siyang nakahalikan?

"Lokohin mo sarili mo! Tabi nga diyan!"

Pinilit kong itulak ito ngunit hindi sapat ang lakas ko para makawala sa harang niya. Humanda ka talaga Clark, kapag may nakakita satin dito, sisigaw ako ng Rape!

"Naku mga kabataan talaga ngayon, kung saan saan nalang! Murang mura naman dun sa SOGO. P350 per 24 hours! Ang cheap lang ha! So gross!"

Parinig ng matandang babaeng kadadaan lang. Nakahinga ako ng maluwag ng umatras si Clark palayo sa akin at tumawa ng malakas. Aba! Anong nakakatawa?

CAPTAIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon