Chapter 3.5: Clark POV

629 13 0
                                    

Bakit ba lagi akong tinututukan ng baril? Una si Lolo. Tapos kanina si Kacee. Gahd! Bakit ba masyadong insecure ang mga tao sa mukha ko?! So pathetic!

"Oh. Benjamin buti at nariyan kana. Umupo kana dito at sabayan akong kumain.''

Dumiretso na nga ako sa mesa.

"Ahm, lo. Matanong ko lang. Yung mga estudyante niyo ba sa Training Center may sari-sariling baril? Katulad ni Kacee?''

Napa-chuckle naman si Tanda.

"Apo. Ilang ulit ko bang sasabihin sayo volunteer lang dun si Kacee. At ang pagkakaalam ko may baril nga ito, pero fake nga lang! Yung mga Toygun ba?"

WTF! TOYGUN?! Naisahan ako dun ha! I think I've fallen in hate with you Kacee Sulfur!

"What's with the sour face Mr. Dreamboy? Napapansin ko atang mailap ka sa mga girls ngayon? Teka nga, hindi kaya nakulam ka or sinaniban ka ng masamang espiritu? Gusto mo samahan kita pagkatapos ng klase sa albularyo? Free ako! Ano tara?!''

Binatukan ko naman siya.

"Matapos lang ang 3 months Paul. Matapos lang to. Kakasuhan ko at idedemanda ang Amazonang yun! Humanda talaga siya."

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ko sa Cafeteria. At pag siniswerte nga naman andito pala si Captain. Yan ang naisip kong itawag sakanya, bilang pagbibigay respeto sa pagkapanalo niya sa laban namin sa basketball.

"Captain, Long time no see. Don't you miss me?"

Inirapan lang niya ko at tinuloy ang paglalaro ng PSP.

"At dahil hindi ka raw mahilig sa bulaklak ay binilhan nalang kita ng paborito mong 'chocolate cake'. Huwag ka! Special to! Winner ng Master Chef ang nagbake nito!''

Saglit lang niya itong tiningnan at ibinalik ulit ang atensyon sa PSP. Sinaksak rin nito ang earphone sa tenga niya. Wow, bastuhan harap-harapan?! Eh kung basagin ko kaya yang eardrums niya! At itapon tong pagkain sa pagmumukha niya?! Tsk! Makabalik na nga lang sa classroom.

"Tol! San kaba galing? Kanina pa kita hinahanap eh!''

Tahimik lang akong naupo sa tabi niya.

"Tol, mamaya na yung punishment cleaning niyo sa Basketball court diba?''

"Gusto mong mag-substitute? Okay lang sakin.''

Bagot kong sabi.

"No need. Kaya mo na yan Tol! Binili na nga kita ng madaming alcohol, tissue, lotion, sanitizer, oil remover----.''

"Sige isaisahin mo pa, makakatikim ka talaga saakin!''

"Pfffff! Bakit? Ayaw mo bang malaman ng buong campus na ang hinahanggan nilang Mr. 'Dreamboy' ay daig pa ang babae sa kaartehan?"

Pasalamat ka Paul, wala akong mood makipagtalo sayo kundi nasa outerspace kana kanina pa!

"WOW AFTER 16278394057 DECADES DUMATING NA RIN ANG PRINSESA!!! PALAKPAKAN!!!!''

Ang usapan ay 4 PM. At anong oras na 6 PM. May balak ba siyang iaasa saakin lahat ng paglilinis ng mga kalat dito?! Bwisit!

"Sinisigawan mo ba ko Mr.Seaborgium?''

Kung panalo lang sana ako, oo!

"Hindi noh! Linalambing nga kita."

Kinuha nga nito ang dustpan at walis tambo sa lagayan. Infareness hindi siya maarte? Lahat ng makita niyang kalat at dumi sa paligid, ay lilinisin talaga niya. Hindi kaya dati itong kasambahay? Matanong nga mamaya. Haha!

"Oy.''

Tawag ko sakanya. Slowmo naman itong napalingon sakin. Ang ganda pala talaga niya. Ay ano ba yan! Lumalabo na ata ang mata ko. Kusot, kusot kusot

"Problema mo?''

Lumapit nga ako sa kinatatayuan niya at kinuha ang panyong nasa bulsa ko. Marahan kong pinunasan ang pawisan nito sakanyang mukha. Obvious naman sakanya na nagulat ito sa ginawa ko at bahagyang namula. Yun ba yung tinatawag nilang blush? Ang cute pala!

"Tingin ko kailangan mo to.''

Sabay lahad ko ng panyo sa kamay niya. I saw a glimpse of tears in her eyes a while ago while she was busy cleaning. I'm not that stupid to think that its only just a sweat.

CAPTAIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon