Chapter 7.5: Paul POV

369 10 0
                                    

For all I know, I was born to multiply. Hindi ang maging dakilang Personal Assistant at sunod sunudan sa Seaborgium na iyon.

"Anong akala mo sakin, NBI?!"

Utusan ba naman akong hanapin ang taong pumatay sa magulang ni Amazona. Pakialam ko ba dun! Hindi ko nga yun kaano-ano.

"Umamin ka nga sakin, bakit ba masyado ka nang attached ki Amazona?!Magkamaganak ba kayo? Ay mali. Fiancee mo nga pala ito!"

Ibinaba nga nito ang hawak na folder at hinarap ako.

"Isa pang daldal. Matatamaan ka na sakin."

Kung hindi lang Biggest Investor ang Lolo niya sa kompanya namin, ay kanina ko pa binasag ang gwapong pagmumukha nito. Napakademanding lang eh! Kakaasar.

Pagkatapos ng klase ay inumpisahan ko na nga ang aking misyon. Ang magparami at magpaligaya ng magagandang dilag!

"Ano pang tinatayo tayo mo diyan? Layas na."

Kahit kailan talaga panira ng moment ang Mr.Dreamboy na ito! Sarap imassacre ng 100x ang gwapong pagmumukha eh! Linayasan ko na nga ito at inumpisahan ang aking misyon. Sorry, Unli lang.

"Are you following me?!"

"Ang assuming mo naman, Bill."

I said plastering a playful smirk on my face.

"Hindi ba Bestfriend ka ni Clark Seaborgium?"

Malay ko, may bestfriend bang inaalipin?

"Desidido talaga kayong paghiwalayin kami ni Kacee, ano?"

Seryosong sabi nito.

"Of course. Ang tunay na seryoso, desidido."

Humakbang naman ito papalapit sa kinakatayuan ko. Tingin ko mapapasabak ako nang wala sa oras. I need backup guys! Please call 911. ASAP.

"Kung ako sainyo, huwag na kayong mag-aksaya ng oras. Just leave us alone...in peace."

Tatalikuran na sana ako nito ng higitin ko ang kanyang braso.

"Bakit mo ginirlfriend si Kacee, kung may relasyon naman pala kayo ni Monique?"

Tinabig naman nito ang aking kamay at walang pakialam na naglakad palayo. Juice ko naman mas mahirap pa to keysa sa research at thesis!

"Oxyyyyyyyyy!"

Napalingon naman ako sa pinangagaglingan ng boses.

"Hey.....Monique?"

Napayakap naman ito sa akin.

"Nakakamiss ka naman Oxy! Napakasnobero mo na!...Teka, hindi mo ata kasama si Clark?"

"Busy sa pagdadamoves sa Captain niya eh."

Napakunot naman ito ng noo.

"Oo nga noh? Napapansin kong bibihira nalang siyang may kasamang babae."

Sabay cross-arms nito.

"Mukhang allergic na ata sa chicks ang ating Mr.Dreamboy, Monique."

"Mukha nga eh. Anyways, gusto mo ba kong samahang magmeryenda? My treat."

Sure. Sinong tao ba ang ayaw ng libre? Dumiretso nga kami sa pinakamalapit na Icecream Stall sa labas ng University.

"Sino nga pala yung Captain na tinutukoy ninyo?"

Out of the pink nitong tanong.

"Yung fiancee niya. Si Kacee Cyril Sulfur."

Napansin ko namang ang biglang pagtense ng katawan nito.

"Parang nakakita ka ng multo ha? Namumutla ka, Monique."

Umayos naman ito ng upo at tipid na ngumiti sa akin.

"Can I tell you a secret, Paul?"

Seryosong sabi nito.

"I'm not a good keeper, Monique."

Mas lalo naman siyang naging tensyonado. Nasosobrahan na ata to ng kape e. Palibhasa coffeeholic, laging nasa Starbucks.

"May kinalaman ba yang sekreto mo sa relasyon niyo ni Bill?"

Nagulat nalang ako sa pagkahulog ng kutsara nito sa lapag.

"I...I...think I need to...go."

Nagmadali nga itong tumayo at naglakad palabas ng Shop. Wow, I think I've got the answer.

CAPTAIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon