Dedicated sa Paborito kong Author sa Wattpad. Hello po! =)
KSP talaga tong si Mr.Dreamboy! Pagkalayas niya sa Canteen ay hindi parin natigil ang bulong-bulungan ng mga tsismoso at tsismosa kong schoolmate. Iba talaga pag sikat!
"Oxy, for real ba talaga yung sinabi ni Papa Clark?"
Sarap sabihang 'Maganda ka sana, bingi nga lang!'
"Huhuhuhuhu! Anong nagustuhan niya sa Sulfur na yun? Eh mas lalaki pa yun sakanya! Amazonang Tibo kaya yun! No way high way! Oh no! Hindi kaya tinakot niya ang ating Prince Charming?! This couldn't be happening! Mamatay akong single and virgin! Huhuhuhu!"
Sabat naman nung isang OA na chakabels! I just rolled my eyes at them.
"Hoy Mr.Seaborgium! Anong eksena yun?"
Sabay cross arms ko sa harap niya. Pagkatapos kong maubos ang lunch ko kasama ang mga pugitang chakabels ay hinanap ko na nga ito. At aba ang emo nandito lang pala sa balcony.
"ARGHHHH! ANG HIRAP! LETSE!"
Napatalon naman ako sa gulat ng sumigaw siya.
"Alin ba ang mahirap Tol? Yung quiz ba kanina? Or yung pagbabawas? Nawala ka kaagad kanina eh, siguro galing ka sa---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng ibinato nito sakin ang backpack niya. Buti nalang hindi mabigat, palibhasa walang laman. Haha! Napabuntong hininga muna ito at tumingala bago muling magsalita. Anong meron at ang drama niya?
"To hold on to the feelings that you always have....To treat someone as an ordinary person, where in fact they're not."
Sabay sandal nito sa pader.
"Okay ka lang tol? Napapaenglish ka eh!"
Naupo na nga ako sa tabi niya.
"Paul, I want you to find out every information about that Bill Xenon. His games, his secret and his lies and also his ex-girlfriend."
Kung makautos wagas lang eh! Tss, Spoiled brat!
"Yung ex girlfriend ba kamo ni Bill Xenon? Si Lyssa Monique Tungsten?"
Tiningnan naman niya ko na para bang 'oh-anong-meron-sa-babaeng-yun?'
"Eh diba childhood crush mo yun? Grabe binaon sa limot ang nakaraan! The best player ka nga talaga! Haha!"
Napansin ko naman ang pamatay na tingin nito sakin.
"Denay ka pa tol. Binigyan mo pa nga yun ng loveletters at couple bag niyong Spongebob! Remember? Si Mon-Mon?Ay, may short term memory ka nga pala! Mahina sa memorization and....familiarization! Mag-memory plus gold ka nga!"
Sabay smirk ko sakanya.
"Pwede ba gawin mo nalang yung inuutos ko. Dami mo pang sat-sat diyan eh! Para kang bakla."
Mukhang nasa Stage 2 Hypertension si Mr. Dreamboy. Pikon agad eh!
"Oh ayan na! Lahat ng files na gusto mong malaman nandyan na! Pati na din dun sa childhood crush mo, I mean ex girlfriend ni Bill. At galing pa yang mga information kina Detective Loki, Detective Conan, and Sherlock Holmes kaya walang bahid na kasinungalingan yan! Ay oo nga pala! May special participation din pala diyan si Honesto."
Tsk! Nakakatanga lang guys. Halos wala pa akong tulog sa kakasearch o sabihin nating nakakadiring pansostalk sa Bill Xenon at Monique na yun!
"Ano bang balak mo Mr.Seaborgium? Care to share?"
BINABASA MO ANG
CAPTAIN!
Novela Juvenil"I heard you're a player. Nice to meet you, I'm the Captain." (COMPLETED)