Chapter 13.5: Clark POV

280 9 0
                                    

"Tol! San ka ba galing? Nangiiwan ka lang bigla. Pero ayos lang, binigyan mo naman akong chance  na maihatid ko pauwi si Yassie."

Nakangisi nitong sabi. Parang may plano tong lalaki na to ha.

"Akala ko ba kayo ni Vanessa? Hindi mo naman pinopormahan niyan si Yassie diba?"

"Bakit tol, selos ka?"

Napailing nalang ako sa kababawan ng isip nito.

"Tara na nga lang sa basketball court. May practice pa tayo."

Iniwan ko na nga ito at naglakad na palayo sakanya.

"Uhm tol, alam mo bang break na pala si Kacee at Bill?"

Napahinto naman ako sa paglalakad.

"Ay tol bilisan na nga natin at baka papush-up-in pa tayo ni coach. Hehehe."

Pagiiba nito ng topic nung mapansin niyang biglang sumeryoso ang mukha ko.

"Ikaw lang naman ang pabagal bagal e."

Sakatunayan sinundan ko si Captain kanina. At alam kong pinuntahan niya si Bill. Nung oras din na nakita ko siyang umiiyak sa park, kating kati na yung mga paa kong lapitan siya at yakapin ng sobrang higpit.

"Ikaw tol ha, hindi ka na nag-oopen up sa akin. Nagtatampo na ko. May problema kaba?"

"Oo may problema ako. Problema ko yang bibig mo, ang daldal e."

Pagkatapos nga ng practice ay umuwi na rin ako.

"Okay ka lang ba, apo?"

Mabilis naman akong umayos ng pagkakaupo sa sofa.

"Lo, andiyan na pala kayo."

"May problema ba?"

Napailing nalang ako. Ayoko namang magshare sakanya no. Ano to heart to heart talk?

"Wala lo, nabobored lang."

Bahala na siyang magisip kung anong koneksyon nun.

"Edi lumabas ka. Gumala kayo ni Paul. O kaya bisitahin mo si Yassie."

Sabi ko nga, yun ang sasabihin niya.

"O baka naman kasi nabobored ka dahil hindi mo na nagagawa ang pangungulit mo  kay Kacee?"

Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya.

"Kunwari ka pa. Para kayong mga bata, magbati na kasi kayo."

"Para namang magkaaway kami."

"Bakit hindi ba?"

May panghahamon sa tono nito.

"Teka nga Lo, hindi naman ako nagkekwento sainyo ha, paanong nangyaring may alam ka?"

"Anong silbi ng bestfriend mong si Paul?"

Kahit kailan talaga ang daldal nung loko.

"So totoo nga? Hay, bakit ba masyado kang mapride apo, mahal mo naman yung tao diba?"

"Hindi po ako mapride, sadyang kumplikado pa ang mga bagay sa pagitan naming dalawa kaya kailangan ng kaunting space."

"Anong klaseng rason yan?"

Yung gusto ko siyang lapitan, kausapin at yakapin ng pagkahigpit higpit, yung tipong hindi na siya makakawala sa yakap ko.

"Kung sabagay malaki kana, marunong ka ng gumawa ng sarili mong desisyon."

Napangiti nalang ako sakanya.

"Osya pagkatapos mong magpahinga diyan, magpalit ka na ng damit. Pupunta pa tayo kila Yassie, may practice pa kayo ng intermission number niyong dalawa sa debut niya."

CAPTAIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon