A/N: Love na love ko kasi ang story niyang "Teen Clash". Hello po sayo Idol! :))
Ako nga pala si Clark Benjamin Seaborgium. Solo at Mestizong anak ng may ari ng isang pinakamalaking Toy shop sa buong Pilipinas.
3rd year college. Taking Civil Engineering at Nobelium University (one of the outstanding school in the Philippines)
Varsity sa Basketball. √
President's Lister √
Mr.Campus √
A partime model √
At ang Mr. "Dreamboy" ng mga kababaihan √Bihira lang ako makita sa tv, almost kasi nasa magazine lang ang mga pictures ko, siyempre dahil gusto ko parin ng pribadong buhay.
"CLAAAAAAAAARRRKKKKKKK!!!''
Hiyaw ng nakakatakot na boses upang maging dahilan ng pagkakahulog ko sa kama.
"Ano ba Lo! Nakita niyong natutulog pa yung tao! Sinira niyo tuloy yung kissing scene namin ni Anne Curtis!''
Kahit kailan talaga istorbo tong matanda na to.
"Kahit kailan talaga ang manyak manyak mong bata ka! Magbihis ka at aalis tayo. Bilis.''
"At saan naman tayo pupunta?''
Bagot kong sabi.
"Sa Training Center. 10 minutes dapat nasa baba kana. Kilos na Benjamin, bago ko pa ilabas tong baril na nasa bulsa ko.''
Pambihirang buhay to! Isusunod pa ata ako sa yapak niya. Imbis na araw ko ng pahinga, naging araw ng kabwisitan. Kung buhay pa sana ang mga magulang ko, edi sana hindi ganito ang buhay ko. Badtrip! Pagkatapos ko ngang maligo at magbihis ay dumiretso na rin ako sa baba. Ako pa ata ang gagawing driver ng matandang hukluban na to.
Nang makarating na kami sa whatsoever na lugar na to, na puno ng mga lalaking naka military suit, at dinig ang mga malakas na putukan ng baril ay naupo lang nga ako sa tabi kung saan malayo sa matandang yun. Isinubsub ko nalang ang napakagwapo kong mukha sa desk. Boring naman kasi dito, wala man lang akong nakikitang chicks.
After 1617719 years ay nagkaroon nga ng giyera sa loob ng Training Center. Dahil sa katandaan ng lolo ko ay nasawi ito.
Haha! Joke lang. Pasensya bagong gising ang gwapo. Pinuntahan ko nga si Lolo sa office niya. Tapos na siguro ito sa pagtetraining. Kanina ko pa gustong umuwi eh. Bakit ba naisipan pa niya akong isama dito?
"Saan ka galing Clark?''
Inirapan ko lang siya at umupo sa sofa.
"Sir, kape niyo po.''
WHAT THE HELL?
May babae rin pala sa training center na to? Infareness, tingin ulo hanggang paa, hindi masama. Kinindatan ko nga ito pero mukhang hindi naman nya napansin.
"Thank you iha. Sige na makakauwi kana."
Lumabas na nga yung babae.
"Estudyante niyo din ho ba yun, Lo?''
"Hindi. Volunteer lang siya dito. Bakit apo, type mo?''
Binigyan naman ako nito ng nakakalokong ngiti. Wow ha. Akala naman niya bagay sakanya. Kadiri lang!
Kinabukasan, as usual late nanaman ako sa school. Grand entrance nanaman tuloy ang peg ko. Bawat ata hakbang ko may mga nagsisitiliang babae. Dati nga may muntikan pang himatayin. Grabe diba. Ganun na ba ka delikado ang kagwapuhan ko?
"Tol. May double good news ako. First goodnews, ay nakuha ko na ang mga number ng mga tourism na chicks na nakita natin last week sa Mall. Sino ba gusto mo? Si Sarah, Becky, Lottie, Lavinia, Minchin. Ano tol? Ilang timer ka nanaman kaya niyan Mr. Dreamboy?"
BINABASA MO ANG
CAPTAIN!
Teen Fiction"I heard you're a player. Nice to meet you, I'm the Captain." (COMPLETED)