Kacee Sulfur. Taking BS in Political Science @ Nobelium University. Team Captain ng Girl's Basketball.
Madalas laging loner. Allergic kasi siya sa atensyon at may pagka Anti-Social. Slight lang naman. Isa siyang ultimate boyish type sa Campus.
-----
Spell Boring. Iyan ang nalalantay sa ugat ko ngayon. Paano ba naman ang hina hina ng boses ng Prof ko. Pwet lang ata niya ang nakakarinig ng itinuturo niya. Isinubsub ko nalang ang ulo ko sa desk at natulog.
Ilang sandali rin ay para bang tahimik na sa loob. Tapos na siguro ang klase. Nagunat unat muna ako ng katawan at iminulat ang aking mata.
"Hello Beautiful."
Ay gago!
Anong ginagawa ng ungas na to dito? Hindi ko nga ito pinasin at linigpit nalang ang mga gamit sa loob ng bag ko.
"Lunch?"
Tumayo na nga ako at naglakad na palabas ng classroom.
"BABEEEEEEEEEE!!!!!''
Nahinto naman ako sa paglalakad ng mapansin kong pinagtitinginan na kami ng mga chismoso at chismosa sa koridor. Kahit kailan talaga eskandaloso ang lalaking to!
"Hehe. Babe naman kasi! Gusto mo pa yung hinahabol ka? Wag pakipot okay? Tara na nga kain na tayo. Ayokong nagugutom ka e."
Bago pa nga niya ko hilahing papunta sa cafeteria ay naitulak ko na siya palayo. Hindi ko ata kaya ang kahiyaang ginagawa nito.
"Ano bang sa tingin mo ang ginagawa mo?''
Death glare radar on.
"Meron ka ba ngayon? Gusto mo bilhan kita ng Napkin?"
At dahil hindi ako pasensyosang tao ay naibato ko nga sa pagmumukha nito ang librong hawak hawak ko lang kanina.
"Shit! Nakakadalawa kana! Sabihin mo lang kung naiinsecure ka sa kagwapuhan ko o naiintimidate ka!''
Kahit kailan talaga ang presko ng lalaking to.
"Hindi ako nagagwapuhan sayo Mister. At kung sinasabi ng mga kababaihan na Mr. 'Dreamboy' ka nila. Aba tingin ko dapat na silang magpacheck up ng mata o kaya ng pag-iisip? Malala na kasi eh. Ang pangit mo na nga ang yabang mo pa!''
Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. Buti nga yan sakanya. Winner Kacee!
"May sasabihin ka pa?''
Napasmirk nalang ito at tuluyan na nga akong iniwan. At dahil wala ng sagabal sa tabi ko ay dumiretso na ako ng canteen. Nagorder lang ako ng paborito kong chocolate cake at Strawberry Milkshake. Pasensya matakaw akong tao.
Habang kumakain ako ay parang may nahagip ang mata kong masamang espiritu. Liningon ko nga ang direksyon na yun, at doon ko nakita si Seaborgium na nakaakbay sa dalawang barbie bitches ng Campus. What's new?
Hindi ko lang talaga maimagine na siya ang 'Dreamboy' ng Nobelium University. Iniisip ko palang nandidiri na ko!
BINABASA MO ANG
CAPTAIN!
Teen Fiction"I heard you're a player. Nice to meet you, I'm the Captain." (COMPLETED)