B.T.M (Chapter 25)- Mr. Gwapo

58 1 0
                                    

Ayun nga... Hi Sam :). Eto na po nadedicate ko na sayo ang next chapter. Enjoy and super salamat sa support :DD.

-----

Bella’s POV

*yaaaawn =_=

Need to wake up early. Need to do some work  =_=.

Para akong zombie na bangag ngaun =_=. Yung puyat na ako kagabi tapos maaga pang gumising ngayon para makapunta ng maaga sa school. Maaga akong umalis sa bahay. Siguro mga tulog pa sila? Wala kasing tao sa baba eh.

Nag commute na lang muna ako papunta ng school. Ewan ko parang gusto ko mapag isa ngayong araw eh. Aish. Ayun muni muni ako sa mga kasama ko sa jeep.

 Pagdating sa school ay deretso ako sa may gym.

“Oh? Bat naka lock ang gym?” sabi ko sa sarili ko. Well dapat ay bukas ito. Umikot ako dun sa may back door. Pagtingin ko sa may pinto sa likod ay may nakita akong note.

“Hoy bakla! Wag ka ng mag alala. Natapos na namin ang lahat ng kailangang ayusin para sa party mamaya. Kami na ang bahala dito kaya layas na. HAHAHAHA!

Fierce and love,

Paul  & B.L.C “

( B.L.C. stands Book lovers club)

Fierce and love? Tyra Banks is that you? Kakaloka.Tsaka bakit andito sa backdoor ang note? Pwede naming sa may harap ah.

Kinuha ko ung note nila. May nakasulat pa pala sa likod.

“Wala lang trip lang naming na sa likod ilagay. HAHAHAH! “

Oh ano gagawin ko ngayon? Nganga ako ngayon dito ganon? Haaaay. Ayako pa naman umuwi eh. Tsaka wala naming klase ngayon. Wala din ako sa mood pumunta ng Robinsons -_-. Ang dami ko pang dala. Buti dala ko na yung damit ko para mamaya.

In the end ay napagpasyahan ko na munang pumunta sa may picnic grove. Atleast dun peaceful. Wala ikot ikot lang ako. Pakatorista lang ang peg. HAHAHAHA! Bat iba ang pakiramdam ko ngayong araw? Ewan ko ba. Gusto ko lang mapag isa. Yung pakiramdam na walang kailangang intindihin. At ang pakiramdam po na ito ay tinatawag na… BOREDOM.

Lakad dito, lakad doon. Bili nito, lamon ito. Picture nito, spot ng gwapo, close up ng cam. Patay! Ako’y nahuli ni mr. Gwapo ._. Ngumiti na lang siya at kumaway. WOOOT! KILEG AKO! HAHAHAHAHA!

Pagkatapos ng aking maladora the explorer adventure ay pumunta na lang ako dun sa may mga gazebo. Kalikot lang muna ng laptop, tas kain lang ako ng may lumapit sakin.

“Hi miss :)” Si mr. Gwapo *U*

“Hello :)”

“Uhmm. Mag isa ka lang?” Hindi koya. May kasama akong imaginary friend -_-. Bulag lang? Bawas pogi points. HAHAHAHA!

“Yeah.”

“Pwedeng makishare? Mag isa lang din kasi ako eh.”

“Ah. Sige.” Hoy kahit kinikilig ako kanina sakanya kelangan ko din namang magpakademure ngayon no.

Umupo na siya sa may tapat ko. Naglabas din siya ng laptop at kinuha ang DSLR niya. Naks ganda ng camera niya.

“Ah miss ako nga pala si Kiel”

“Bella” Tapos nginitian ko lang siya.

“Ako ba yung kinukunan mo kanina? Nakita ko kasi nakafocus ang cam mo sakin eh.” Naku! Huling huli ako. HAHAHA! Sige na aamin na ako.

“Ah… Oo eh. Maganda kasi pwesto mo kanina."

“Ah ganun ba? Pwedeng makita yung kuha mo?” Pinakita ko sakanya yung luha ko saknya kanina.

“Magaling ka kumuha ah. Kahit digicam lang ang gamit mo maganda ang resolution niya.”

“Salamat. Mahilig kasi ako kumuha ng mga pictures.”

“Ay teka! Parang ang daya naman na kinunan mo ako ng picture kanina tapos ikaw di ko pa nakukunan. Pwede ba?” Tapos kinuha niya yung camera niya na aktong kukunan ako.

“Well, okay.”Tapos tumayo naman ako at nagpose.

“Okay! Ang ganda ah. Salamat.” Nginitian ko na lang siya.

Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa ginagawa ko sa laptop. Edit edit lang ng mga pictures. Check ng mga documents.

“Have you tried modeling?”

“Hmm?” Napatingin ako sakanya.

“Why don’t you try :).” Tapos tumayo na siya at inayos ang mga gamit niya.

“Try mo din. Kung gusto mo man I’d be glad to help.” Tapos inabot niya sakin ang isang calling card at umalis na. Pagkatingin ko sa calling card na inabot niya…

Rafon Pictures

Ezekiel Rafon

Professional photographer

Contact no. : 0927*******

Hmm. Modeling? I’ll try next time. Masearch muna itong Ezekiel Rafon na to. Mamaya eh sa sindikato pala to.

The Day went on. Sobrang bo red talaga ako. Mga bandang 4:30 ng tinignan ko ang phone ko. Pagkatingin ko ._.

40 messages and 10 missed calls.

Pagkacheck ko ng mga text nila…. Oh right! Birthday ko pala ngayon. Nakalimutan ko pa.

Oh well. Ano naman kayang mangyayari mamaya?

Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon