Ciel’s POV
Hmm. Pupunta ako? Hindi ako pupunta? Pupunta ako? Hindi ako pupunta? Kapag pumunta ako anong gagawin ko dun? 6pm-6am party? Sinong halimaw ang makakatagal sa ganoong party -.-? Baka naman busy si Bella doon? Aish!
Kasalukuyang panagdedebatehan ng utak ko ngayon kung pupunta ba ako sa party sa school. Birthday ni Bella ngayon at ngayon din gaganapin ang school party. Hindi pa ako nakakapagdecide dito samantalang yung kapatid ko nasa harap na ng salamin at nagpapagwapo. Anong oras nab a at parang excited na tong si Brent?
Pagtingin ko sa orasan… Oh shi! 4:30 na hindi pa din ako nakakapagdecide kung pupunta ako. Aish! Bahala na nga kung anong mangyari. Pupunta na lang ako.
Dali dali naman akong nagbihis at nag ayos. Simpleng V neck at pantaloon lang okay na yan.
Pagdating naming doon sa may school ay may nakabangga saking babaeng nakasuot ng red dress. Pagtingin ko naman ang dami dami niyang dala at kinakalikot pa niya ang bag niya kayasiguro hindi niya ako napansin.
“Ang dami mo namang dala. Hindi naman meeting ang pupuntahan mo para magdala pa ng laptot at kung ano ano pang mga paper works nay an.” Napatingin siya sakin na mukhang nagulat.
“Uy Ciel ikaw pala. Eh kasi naman akala ko may mga aayusin pa dito kanina kaya dinala ko pa tong mga gamit ko eh wala na pala.”
“Akin na nga. Nahihirapan pa ang birthday girl eh.” At kinuha ko na yung mga dala niya.
“Ah salamat. Lagay ko na lang siguro yan mamaya dun sa may backstage.” tapos nag stretch pa siya. Mabigat nga ang mga dala niya eh.
“San ka galling? Bat parang madaling madali ka?”
“Galing ako ng Picnic grove kanina. Maaga kasi ako nakapunta dito eh tinamad na ako umuwi kaya ayun dun muna ako nagstay.
“Ahh.”
“Buti pumunta ka :)”
“Oo eh. Walang kasing kasama si Brent.”
“Asan na nga pala yun?”
“Andito lang yun kanina eh. Baka kasama na yung mga kaibigan niya.”
“Ah ganoon ba? Ah Ciel…..”
“BEELLLLLLLLLAAAA!!” Parehas kaming napatingin sa direksyon kung saan nanggaling yung mga sigaw at ayan na ang mga raging bulls este mga kaibigan ni Bella.
Nagkagulo na sila doon. Kaysa makisiksik pa ay pumasok na alng ako sa loob at nagderederetso na lang sa may backstage. Paalis na dapat ako ng bilang may humila sakin.
“Hep hep hep! Saan ka pupunta?”
“Lalabas na? Anong kelangan mo Reen?”
“Pano mo nalaman na may kelangan ako :3?”
“Sa mukha mong yan mukhang meron nga.”
“Why? What’s wrong woth mah’ beautiful face? Wait, don’t answer that na lang. Favor naman oh.”
“Ano?”
“Ganto kasi yun ha. Madami akong iniba para sa gabing to. Magkakaroon ng mga surprises para kay Bella mamaya. So I need you to accompany her buong gabi. Simple lang naman ang gagawin mo eh. May mga oras na kailangan mo siya ilayo sa isang certain place dito sa loob ng gym at sa labas ng gym.”
“Para saan naman yun?”
“wag ng maraming tanong. Basta itetext kita kung anong oras siya dapat wala sa lugar ba yun okay?”
“Alam mo no. ko?”
“Oo naman. Lagi akong handa no. “
“Sige na.”
BINABASA MO ANG
Behind The Mask
RomanceIsang panaginip. Isang pangyayari na nagpapaikot sa storyang ito.
