B.T.M ( CHAPTER 2)- Curiosity About Ciel

236 2 6
                                        

Nagising na lang ako na nasa clinic na. Wala namang ibang tao dun except sa nurse.

"Miss Olegario." Tinawag ko ung school nurse namin.

"Oh bella gising ka na pala. Naku! Ayan ka na naman. First day of school eh andito ka na agad sa clinic."

"Hehe. Ano po ba nangyari?"

"Ah. Ayun dinala ka na naman dito na walang malay."

"Ganun po ba? Sino po nagdala sakin dito?"

"Ah yung mga kaibigan mo. Pero ang may buhat buhat sayo ay ung lalaking naka white jacket."

"Miss Olegario dinumog na naman nila Vimica tong clinic nyo kanina. Hahaha!"

"Naku sinabi mo pa. Pinapunta ko na nga sa kanya kanyang klase nila at nag bell na kanina."

"Osige po miss Olegario punta na po ako sa class ko. Okay na po ako."

"Sigurado ka ba okay ka na?"

"Yes miss ^____^"

"Osige ha. Ingat ka. Kung ako sayo sa next class ka nalang pumasok tutal excuse ka na. Pahangin ka muna sa school garden para gumanda pakiramdam mo"

"Okay po.Salamat. :)"

Kinuha ko na ung gamit ko at nag punta na ng garden.

Umupo ako sa may bench sa ilalim ng puno. At naalala ko ung nangyari bago mag ako mablack out.

Naalala ko ung mga mata.

Mata ni Ciel.

Parang familiar sakin ung matang un. Parang nakita ko na dati.

*kriiiiiiiiiing*

Napatigil ung pagdeday dream ko nun. Tumayo na ako at dumeretso sa room namin.

Wala na mang ibang nangayari. Introduction lang at election sa bawat subjects.

Nung lunch na namin ay pumunta kaming mga magkakaibigan sa may garden at dun na lang nag lunch.

Nag eenjoy ako nun sa pag kain ng biglang...

"Haaay buti hindi na ako ang nagbuhat sayo kanina papuntang clinic bakla. Buti andun si Ciel. Pagod na ako last year sa kakabuhat sayo"- Paul

"Sino ba may sabi sayong buhatin mo ko? Pwede mo naman akong kaladkari eh. Nagrereklamo ka pa."

"Oo nga noh. Sige try namin next time un ^________^V" 

"Ewan ko sayo. Oo nga pala. Tirhan nyo ng cupcake si Ciel ha. Kaya ikaw Shekainah hands off that cupcake. Pangatlo mo na yan."

"Eh. Sarap kasi ng gawa mo eh T3T" At parang batang nag mamakaawa si Shekainah nun.

"Bukas nalang uli. Bibigay ko muna yan kay ciel. Thank you gift kasi dinala dinala niya ako sa clinic."

"Bat si Ciel binibigyan mo ng cupcake as thank you gift. Samantlang ako kanda kuba kuba na kakadala sayo dati sa clinic."

"Aba!sa dami dami na ng nalapang mo na mga luto ko nagrereklamo ka pa.kapal ng fess mo."

At nagtawanan kami.

Nauna na silang bumalik ng room. Samantalang ako pumunta pa sa 4th yr building para mabigay ung cupcake nya.

Ayoko kasi ng may utang na loob sa ibang tao. Baka kasi pag ganun eh gamitin pa nila ung pang sumbat. Di naman sa mamasamain pero ayoko lang talaga ng may utang na loob sa iba.

Nakarating na ako sa 4th yr building at hinanap na ung room ni Ciel. Buti na lang may nakapaskil pa sa bulletin board nun kaya nahanap ko agad ung room nya.

Behind The MaskMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon