CHAPTER 11 - Unexpected Training

3.6K 68 4
                                    

Zeke's POV-

Sapo sapo ko yung ulo ko dahil sa sinabi ng pinsan kong si Keira. Ano na naman ba plano nito? Nakatulog na ako lahat lahat, wala pa rin ako kaide-ideya sa plano niya.


Mabuti na lang at sabado ngayon kasi pakiramdam ko talaga ang dami ng nangyayari. Psh dagdag mo pa 'tong Dark Empire.


"Zeke! Sabi ni Keira punta ka raw sa taas, dun sa training room niya." Napatango na lang ako sa sinabi ni Draco at pumunta sa room niya na may dala dalang apple. Gutom ako eh.


"You're 2 minutes late, Zeke." Bungad sa akin ni Keira sabay bato ng shuriken.


"W-wait Keira!" Hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil sa sunod-sunod niyang bato ng shuriken.


Dali-dali akong tumakbo sa kabilang side ng room para malawak ang matakbuhan at mataguan ko. Mabuti na lang may nga shelves dito.


"Zeke don't hide to your own death! Face it!" Aggressive na sabi ni Keira.


"Damn. Bumalik na naman pagkaaggressive niya." Nakuha ng atensyon ko yung pagbukas ng pinto at niluwa nun si Skyl ng Dark Empire. Patay kang bata ka. Dali dali kong kinolekta ang nga shurikens na pinagbabato sa akin ni Keira at inihanda ang sarili ko.


Skyl's POV-


Kinakabahan akong naglalakad papunta sa room kung saan pinapunta ako ni Keira. Nag-iwan siya ng sulat sa lamesa ng kwarto ko at kailangan ko raw pumunta dun ng 7 am. I'm hella late.


Binuksan ko yung pinto at hindi ko ineexpect na ganito ang aabutan ko. Si Keira binabato ng shurikens si Zeke. Nalipat sa akin yung atensyon ni Keira at umayos ito ng tayo.


"You're 5 minutes late, Skyl. Sa pagkakatanda ko I noted on my letter for you that the time is 7 am sharp and I had my P's there that don't be late. Come inside and let's start making our own hell."


Kinilabutan ako sa sinabi niya at no choice akong pumasok sa loob. Anong kasalanan ko at bakit niya ako ginaganito? Waaaaaa bata pa ako!


Napaiwas na lang ako bigla dahil sa pagbato ni Zeke ng shuriken kay Keira na madali nitong naiwasan. Puwesto si Keira sa gitna and she stretched her both hands side to side and each hand, she's holding 5 shurikens. Sabay niya itong binato sa amin ni Zeke na magkaopposite side kami.


Tumakbo si Zeke kay Keira sabay inatake niya ito. Fist to fist. Damn rinig na rinig ko yung bawat pagsuntok ni Zeke at pagsangga ni Keira. Naghanap ako ng kahit anong pwedeng ipanglaban. Nakakita ako ng gun sa shelf ni Keira at tinutok ko ito kay Keira.


Zeke's POV-


Ang lakas niya pa rin! Nahihirapan na ako sa bilis niya kumilos. Pagod na pagod na ako habang siya bored na bored na damn this woman!


Nakita ko sa si Skyl na may hawak na itong baril kaya lumayo na ako kay Keira bago niya pa ito maputok. Nagtumbling ako paharap kay Keira para masipa ko siya but I missed the chance nang masangga niya ito. Sunod sunod nagpaputok si Skyl at madali itong naiwasan ni Keira. Sa bawat pag iwas ni Keira sa bala, palapit na siya ng palapit kay Skyl.


"Skyl watch out!" Napasigaw na lang ako dahil nakalapit na si Keira. Skyl tried to punch Keira but he failed. Keira grabbed the chance to do an uppercut and that made Skyl sit on the floor.


"Teamwork. Teamwork is the best way to beat the enemies. Hand to hand combat partnered with a long range combat can be a good tandem in a fight." Biglang sabi ni Keira.


"Stand up! Fight like a man!" Panghahamon niya sa amin. I groaned because of frustration.


Pinaulanan ko siya ng suntok at sipa pero nasasangga niya ito. She dodged the attack I made and she jumped higher than I expected and kicked me on my chest. Napatumba ako sa lakas ng sipa niya.


"Keira pinsan mo pa rin ako!" Sigaw ko sa kanya.


"Walang pinsan pinsan pag nagtatraining." Sabi ni Keira na busy kay Skyl.


Skyl's POV-


Nakatayo na sa harapan ko si Keira at nakatutok na sa akin ang baril niya. I can say she's a little bit tired but hell she's still strong! Binato niya sa akin yung baril at kumuha siya ng shurikens.


"Stand up, Skyl. Sitting pretty won't help you to be strong." Sabi niya sabay bato ng shurikens. Napatayo ako ng wala sa oras at mabilis na iniiwasan ang pagbato niya ng shurikens. Kinasa ko yung baril at siya naman ang pinaulanan ko ng bala.


"Wow." Napabulong na ako sa sarili ko dahil sa ginagawa niya. Sinasangga niya ang mga bala gamit ang shurikens. Tumalsik ang baril na hawak ko ng hindi ko namalayan na nasa harapan ko siya dahil sinipa niya ang baril sa kamay ko sabay tutok ng shuriken sa leeg ko. Napalunok ako dahil konting konti na lang magigilitan ako!


"Don't let your enemies to take an advantage to the both of you. Once they did that you're already lose the game." Hingal na sabi ni Keira.


"Every saturday ang training niyong dalawa at kayo ang tutulong sa akin pagtinatraining ko si Draco and Lax by Monday. Friendly reminder, don't die." Sabi niya sabay labas ng room pero biglang naglock yung pinto at may naglabasan na robots kung saan!


Napatingin na lang kami ni Zeke sa isa't isa. Nah-uh. Hindi 'to bromance ah!

---
Tadadadan! -mm

Gangster's InperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon