CHAPTER 12 - The Truth

3.2K 62 1
                                    

Keira's POV-

Hinihingal akong lumabas sa training room at iniwan ko sila kapiling yung mga training bots ko. I trust them na kaya nilang matalo yun at teamwork lang ang kailangan.


Pumunta ako sa lab ko kung saan ako nagiimbento at nanghahack. Minsan ko na ngang hinack computer ni Patricia. Ayun mangiyak-ngiyak kasi hindi niya na alam gagawin para maayos computer niya. To be honest, hindi ko rin alam pinaggagawa ko nun kaya hinayaan ko siyang maayos computer niya haha.


Napaupo na lang ako sa upuan harap ng computer ko at inihanda ang pagsubok para kay Patricia at Gray.


Flashback-


Damn.


Dahan dahan akong bumangon sa kama at naramdaman kong may nakatitig sa akin.


Rossana.


"Finally you're awake." Sabi niya.


"Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong sabi at napansin kong wala ako sa HQ, nasa bahay ako.


"Like what I've said before, something is odd about what you've said about the Dark Empire." Simula niya sabay bigay sa akin ng brown envelope.


Binasa ko ang nakalagay doon at nagulat ako kasi hindi ko ineexpect na ako yung mali simula pa lang. It's an investigation about what happened to my HQ at South Korea. It's Hades' fault not Dark Empire's. I clenched my fist because of what I did to them. Damn I didn't expect this thing.


"Thank you for the info, Rossana." Sabi ko sabay higa ulit.


"No problem little demon. By the way, hindi lang pala si Hades ang gusto magpabagsak sa inyo ng Dark Empire." Napatingin ako sa kanya habang inaantay ko ang susunod niyang sasabihin.


"Kumampi na si Hades sa Red Devils." Biglang nanlisik mata ko sa narinig ko.


Red Devils. Sila ang pumatay sa parents ko. Sila ang naging dahilan kung bakit mas naging demonyo ako. Sila ang dahilan kung bakit ayaw ko bitawan ang Underworld (Gangster's Place) kasi once na hinayaan ko sa kanila ang pamamahala, hindi lang sila sa Underworld manggugulo, pati na rin sa mundo ng mga inosente kung saan hindi masyado nag-eexist ang katulad namin.


"I'm telling you this Keira, don't let them destroy you. Ako na bahala sa mundo ng Mafia. Hindi nila ako kaya pabagsakin besides I have my own connections to protect what I have." Kalmado niyang sabi sa akin at nakahinga naman ako ng maluwag dun akala ko pabigat siya eh.


"Protect your own Underworld, Queen. Makipagkampi ka na sa Dark Empire kahit labag sa loob mo. Sila lang ang makakatulong sa inyo ng Mortem Royale."


Bumangon na ako ng tuluyan at nakipagtitigan na Kay Rossana.


"Damn. Bakit napasama pa ang Red Devils? Kaya na sana namin pag si Hades lang eh." Reklamo ko.


Gangster's InperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon