CHAPTER 13 - Queen's Past

3.1K 70 3
                                    

Stephen's POV-

Hello people haha. Lunes na naman at inutusan ako ni Keira na pumasok with the gang and the other gang, Dark Empire. Kaso wala si Keira, Patricia, at Gray. Nagtataka nga ako eh bakit biglang nawala yung dalawa at mas lalo akong nagulat sa itsura ni Zeke at Skyl. Puro pasa at sugat eh. Ayaw naman nila sabihin yung reason kung bakit sila ganun at para ngang takot silang pag-usapan yun eh.


"Seryoso Zeke, bakit puro kayo pasa at sugat ni Skyl?" Tanong ni Gabby.


"B-basta. I-ihanda niyo na lang s-sarili niyo." Utal na sagot ni Zeke.


Biglang pumasok si Rossana with an unknown person.


"Your new homeroom teacher. Be good to her." Sabi niya sabay umalis.


"Bago na naman?"


"Nasaan kaya si Sir Zeus?"


"Bago lang si sir nawala agad siya?"


"Gwapo pa naman ni sir hays."


"Landi mo girl."


Nagpakilala yung bago naming teacher at nagstart agad siya ng lesson. I can say she's no harm unlike Zeus.


"Ma'am can I excuse myself?" Sabay na sabi ni Draco at Lax.


Nagtilian naman yung mga babae at yung mga lalaki naman nagdududa. Kesyo baka bading daw sila haha. Nakita ko kung paano kumunot noo ni Draco same with Lax at hinayaan na sila umalis nung teacher.


20 minutes nang lumipas biglang nagtaas ng kamay si Zeke at Skyl. Ano bang meron?


"Ma'am can we excuse ourselves? We really need to seek a medical care." Sabi ni Zeke at umalis na lang bigla kasama si Skyl.


"Damn! Ano bang meron?!" Biglang sigaw ni Andrei. Luh papansin?


Pero seryoso anong meron? At aligaga silang lahat maliban sa amin na natira?


Draco's POV-


Nagulat ako kasi biglang nagtext si Keira sa akin at mas lalo akong nabigla nung parehas kaming pinapatawag ni Lax.


Nandito kami sa sasakyan, waiting for Zeke and Skyl na mukang binugbog ng napakaraming maskuladong lalaki.


"Draco please drive the car pabalik sa bahay ni Keira. Go! We only have 10 minutes to go!" Natatarantang sabi ni Zeke.


Pinaandar ko yung sasakyan as fast as I can. Almost 10 minutes kaming nakarating sa bahay ni Keira at bumungad si Cyrus, pinapapunta raw kami ni Keira sa likod ng bahay niya bandang forest.


"Kinakabahan ako Skyl." Bulong ni Zeke.


Gangster's InperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon