#2: Summer getaways

437 5 1
                                    

Ang daming nangyari sa last summer ko,masaya. Dahil nagkaroon kami ng family reunion. Dumating ang mga kapatid ko galing abroad, sila kuya marlon nanagaaral sa US at si kuya Jonjon nagtratrabaho bilang private nurse sa US napagkasunduan nila mama at papa na sa abroad na ako paaaralin pag katapon ko mag senior high school sa P'nas.



Sino bang tao walang american-dream? Ofcourse di ako tatangi.



Nagsi datingan din yun mga kamag anak namin na dumayo pa samin galing sa ibat ibang probinsya naging close ko naman sila lahat kahit isang linggo lang ang tinagal nila sa bahay dahil na rin siguro di nagkakalayo ang mga edad ng mga pinsan ko sakin o dahil marami lang ako stuff na pwede nilang arburin kaya ang bait-baitan sila sakin.


Naalala ko pa kung pano nila pinagtutulungan ako para di makipaglaro sakin ang mga kaibigan nila, sinisira rin nila ang mga laruan ko nung bata palang kami. Ginagawa nila ako ng kwento kaya di nakikipaglaro ang mga kaibigan nila sakin, pati narin sila na mga pinsan ko.



Nakakapanibago talaga ang bait nila sakin ngayon summer tumatabi pa sila sa kama ko, pero pagkatapos ng summer ay pasukan nanaman, at simula na ng high school life ko.


Pumasok ako sa isang Christian School at hindi sa isang girls school na ineexpect ko.

Seat where you want to seat ang sabi ng adviser namin na hindi ko pa alam ang pangalan. Kaya ang ginawa ko sa gitna ako umupo.


At nakakairita ng sobra kung anong gawin ko ay may matang tumitingin sakin. Pero okey na rin sakin, wala nakakilala sakin di katulad sa elementary na pinasukan ko dati. Na maraming  bully.

Katulad parin ng elementary wala nakikipagkaibigan sakin. Matured na ang mukha para sa isang twelve years old at grade 7th student. Maputi ako at mukhang gumagawa ng masama, yun ang mga sabi ng mga pinsan ko sakin, dahil nakakapanibago raw ang itsura ko.


Hindi ako nagpapabully at hindi ako nambubully. Ayoko sa mahina. Yun kaibahan ko sa mga kaklase sa former school ko. Marahil alam nila, kung bakit ako hindi nakaattend sa graduation namin ng elementary ay dahil napahiya ang buong ego ko. Nawalan ako ng alas. Yun lang ang alas ko.



Ewan ko ba kung bakit ako nagsusulat sa lumang notebook, eh hindi naman talaga ako ganito. Ayaw ko ng masyadong madrama ayoko sa hopeless romantic, nakakairita kasi. Asa ng asa tas sa huli ang ending masasaktan at isisi sa nagpaasa. Ganon eh.


Inunfriend ko na rin ang ibang kaklase  sa dating school na pinapasukan ko. Para wala silang update sakin. Kahit na mababawasan pa ang likes keri lang.

Dakilang PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon