#36: Over night

84 5 0
                                    

Palagi na akong may service nakabuntot sakin. Nakakabuti narin yun pinadala ni papa. May curfew na rin ako. Dati hindi naman sila ganito sila kahigpit sakin. Hindi naman kasi ako umuuwi ng gabi ang pinaka matagal yun na bullied ako.

Nakasanayan na nga ng ma kaklase ko na nacap akong pumapasok. Kahit ang weird. May binili rin sakin si kuya na lalong mas matatakpan yun mukha ko. Nakakataba ng puso.

Ang nakakapanibago lang sakin ay hindi na ako nakikipagusap sa ibang tao kung may nagtatanong na kamusta sinasabi ko "okey lang ako" humahanap na rin ako nang paraan para maputol ang usapan pati na rin sa mga nagmessage through online.

Nakakapanibago na ako sa sarili. Natatakot na rin ako sa crowded na lugar. Para kasing anytime kung saan ako pumunta baka mangyari ulit sakin yun. Gusto ko bilang lang ang mga kasama ko sa isang lugar.

"Ma'am Dohee? Isasabay po ba natin yun kaklase niyo?" Tanong ng driver namin. Kaya tumingin ako sa labas at si Klarence nakatayo habang may hawak na payong. Malakas ang ulan kumaway pa siya sakin nasa harap niya nag bagpack niya. Halos masira na rin ang payong sa tindi ng hangin.

Kumakatok siya sa side mirro. Sinuspend na kasi ang klase, kaya maaga nasi uwian ang mga estudyante.

Tumango na lang. Tumabi pasakin si Klarence, sa likod ko. Tinutulak ko siya dahil baka rin mabasa ako.

Nilalamig si Klarence, kaya pinapatay ko yun aircon sa driver, kahit pinigilan ako ni Klarence na wag.

"Gusto kong pumunta sa bahay niyo Dohee." yun ang narinig ko nung saktong lumipat sa ibang kanta ang playlist sa music ko kaya napatingin ako sa kanya at napatingin din siya sakin.

Hindi ko narinig ang ibang sasabihin niya dahil lumipat na ang ibang music at korean music yun kaya hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Kaya naman napatingin na lang ako sa side mirror sa tapat ko.

--

Kanina natakot ako nung biglang nahimatay si Klarence nung pinapauwi ko na siya.

Kaya nagpatulong ako kay Manong driver, na alalayan siya papunta sa unit namin.

Pero pagpunta ko sakanya sa unit namin ay parang naging hyperactive pusta! Naloko ako ng hinayupak. Pero bakit ang init init niya habang hawak hawak ko siya.

Warm welcome ang natanggap ni Klarence. Kumain kami ng sabay sabay, nakisalo na rin ako sa kanila. Parang mas kapatid pa nga ang turing nila kuya kaysa sakanya, at si mama naman ay halos ginawa na niyang anak si Klarence. Parang binababy pa niya.

Nagprepare na lang ako ng vegetable salad at pineapple juice para sa lima, habang kumakain sila ng iba't-ibang pagkain.

Halos gawin na nilang senorito itong si Klarence. Kaylan pa ganun sila kabaet sa taong yun?

At napagplanuhan pa nilang manuood ng Horror Movies sa sala, pumasok pa si kuya para kalkalin ang mga dvd's ko. Na nabili ko ng mura sa online shop.

Nakakaurat.

At kanina naman pinaghugas nanaman nila ako ng pinggan habang nasa sa sala lahat sila kahit si kuya jonjon naman ang toka sa paghuhugas doon.

Ngayon palang nila kilala si Klarence pero bakit ganun ka-warm welcome nila kuya at mama sa kanya.

Ganun ba ang lukso ng dugo?

Dakilang PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon