#43: Telephone Calls

45 2 0
                                    

This week, nahuhuli ko si mama nalaging babad sa telepono. Ayaw ko naman magtanong tungkol doon baka maawkwardan siya, kasi pag uwi niya galing trabaho may kausap siya sa telepono namin.

Minsan tumatawa pa si mama. Ang weird. At isang araw nasagot ko ang telepono habang naliligo si mama. Boses lalaki. Ma'am ang tawag niya sa mama ko. Nung hindi ako nagsasalita ay, binaba niya na.

May bago na kaya si mama? Hanggang sa school iniisip ko parin ang bagay na yun.

Naiwan ko nga ang earphone kaya naman, nasanay na rin akong baonan ni kuya marlon ng lunch box ang sarap niyang magluto. Pag karecess kasabay ko si Klarence, dahil nga wala akong earphone na kinig ako sa mga kwento niya. Napapatawa na rin ako sa mga corny niyang joke. Sinasarado na rin niya ang pinto para wala daw makaistorbo sa pagkain namin.

Teka, last week kasama ko rin siyang kumain the whole recess time namin. Teka bakit umaasa na lang sa pagkain ko? At ang takaw takaw pa niya. Siya na nga rin nag uubos ng tubig sa tumbler ko. Aba sumosobra na ang Klarence na yun ah.

Dakilang PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon