#37: Over night part 2

91 2 0
                                    

Puro ingay sa sala ang naririnig ko, hindi tuloy ako makapag cover ng maayos. Pinahiram ni kuya jonjon ng damit si Klarence pansamantala. Nalaman ko rin kay mama na tinawagan na niya ang mga parents nitong si Klarence na hindi makakauwi dahil malakas ang ulan.

Signal #2 ba naman kasi yun ulan. Kumuha pa si kuya jonjon ng isa pang dvd sa lagayan ko, binato ko tuloy ng unan ko. Aba ang saya saya talaga nila. Hindi pa nagpaalam na kukunin ang aking dvd.

"Sis naman eh. Minsan lang naman dumating ang bolpen mo."

Pagkasabi niya nun ay binato ko ulit siya ng unan ko.

"Hindi ko siyang bolpen!"

"Sis wag mong seryosing niloloko lang kita."

Pagkaalis niya ng kwarto ko ay binato ko ulit siya ng unan.

Nagulat na lang ako ng mabato ko si Klarence, yun huling pagbato ko sana kay kuya.

"Grabe ka naman Doheeng!" sabi niya at hinila niya ako paalis ng kwarto ko.

At pinisil niya ang pisngi ko pero napatigil siya sa pagpisil at nakikipagtitigan sa mga mata ko.

Kaya sinapok ko. Aba, hinila niya ako papunta sa sala. May binigay siya sakin na malaking pic-A cheese. Nagustuhan ko naman ang lasa.

Nakakaadik.

Ang saya saya ng mga kapatid ko at si mama ngayon lang ulit siya nakitang masaya.

Halos sinasakal na nga ni kuya marlon itong si Klarence. Nakakaawa tuloy, dahil sa COMING SOON na pinapanood nila.

Hindi ako nakapokus sa panonood ko. Mas napopokus ako sa pagkain ng chichirya, baka naman magkaroon ako ng bato pag naubos ko lahat nun. Kaya sinalapak ko sa bibig ni Klarence nung sisigaw sana siya, nagulat naman siya at nagulat si mama at si kuya.

Today is weird. Ok Bye

Dakilang PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon